webnovel

Fear The Unknown ( Cursed )

UNDER REVISION

Dazz_Trea · Fantasy
Not enough ratings
50 Chs

Chapter 29

The Kraken is a legendary sea monster of giant size. Originally, kraken were considered to be similar to giant crabs, having similar characteristics to giant whales as well. However, in later versions, kraken have been described as giant creatures resembling an octopus. The suckers on their tentacles have spikes.

Xynthia PoV

Napa face palm ako ng humarap ito sakin na nanlilisik ang mga mata. Geez nakakatakot siya -,-

Agad ko namang iniwasan ang galamay nitong balak ihampas sakin ngunit dahil sa bilis nitong gumalaw at sa dami nitong mga galamay ay mas binilisan ko pa ang kilos ko

Oo wala akong balak saktan siya pero syempre wala din naman akong balak magpahuli sa kaniya. Ano ako tanga? -,-

Ang dami niyang galamay na pilit hinuhuli ako. Napatingin ako sa gawi nila Clark na tahimik lamang na pinapanood ako. Akalain niyo yon? Tss -,-

Balak ko na sanang umiwas ng napa daing na lamang ako ng matamaan ako ng isang galamay nito at mabilisan akong hinuli. Geez his tentacles have spikes kaya naman sobrang sakit at hapdi na ng katawan ko. Sigurado akong marami na naman akong sugat nito. Napanguso ako ng maalalang hindi ko pala pwedeng hayaang gumaling ang sugat ko ng mag isa dahil maghihinala sila. Hayts siguradong mag titiis na naman ako sa sakit nito. Napakamalas ko talaga -,-

Sinubukan kong magpumiglas ngunit agad din namang dumiin sa katawan ko ang mga spikes sa tentacles nito. Pilit kong ikinakalma ang sarili ko dahil baka mamaya ay maging abo na'to.

Napatingin ako kay Zeke na matalim ang tingin sa Kraken at walang pag dadalawang isip na pinutol ang galamay nito na nakapalupot sa katawan ko. Agad naman akong nakawala at pinilit makalayo dito. Pinagmasdan ko ang pagdaing at pagwawala ng Kraken ngunit agad din namang bumuo ulit ang naputol nitong galamay ngunit hindi kagaya kanina ay kay Zeke na ang buong atensyon na to.

Such a reckless move. Kayang kaya ko namang makawala sa galamay niya ng walang kahirap-hirap

Hindi na dapat niya ginawa yon. Mas lalo lang naging agresibo ang kraken at mas lalo lang kaming mahihirapan ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil nag aalala siya at sigurado akong kung hindi man siya ang kumilos ay kikilos din ang ibang kasamahan namin at hindi mag dadalawang isip gawin ang ginawa niya. Sadyang excited lang talaga siya at nauna siya

Hindi ko pinansin ang sakit at hapdi ng katawan ko at seryosong napatingin kay Zeke na madaling naiiwasan ang pag atake ng Kraken. Para lang itong sumasayaw sa tubig at napaka swabe ng bawat pag iwas nito. Mas naging mabilis kumilos ang kraken kumpara kanina

Sa totoo lang kayang kaya kong hawakan ang Tatoo na nasa noo nito na hindi man lang nahihirapan ngunit ayokong gumawa ng kilos na baka pag sisisihan ko sa huli. Ayokong magpadalos-dalos.

Pinag masdan ko ang mabilis na paglangoy ni Zeke sa ulo nito na hindi nasundan ng Kraken at mabilisang hinawakan ang Tatoo nito.

"Gumising ka"- saad nito sa sobrang lamig na boses at nag iigting ang panga. Siguradong galit na naman ang isang to.

Papapalit-palit ang kulay ng mga mata ng kraken. Sabi na nga ba, epektibo ang sinabi ng instinct ko. Walang pag dadalawang isip na lumapit ako sa gawi ni Zeke at hinawakan ang kamay niya. Ramdam ko ang pinag sama naming kapangyarihan at sa isang iglap ay bumalik sa katinuan ang Kraken. Napatingin ako kay Zeke na seryoso lamang na nakatingin sakin na parang may malalim na iniisip ngunit agad din naman ako nitong hinila papalapit sa kaniya at niyakap

"Pinag alala mo ko"- mahinang anas nito at marahang hinimas ang buhok ko. Napangite na lamang ako. Napaka swerte ko talaga sa kaniya ngunit agad din akong natauhan ng biglang may tumikhim

"Ehem!"

Nabaling ang tingin ko kay Yuan na nakangise lamang at tinitignan ang mga kuko nito. Si Clark na nakatingin sa taas at si Luke at Lucas na nakatingin sa baba. This crazy guys -,-

Napanguso ako kay Zeke na nananatiling nakayakap sakin at hinalikan ako sa noo at sa isang iglap ay nawala na ang lahat ng sugat ko sa katawan at guminhawa ang pakiramdam ko. Kahit alam ko na ang nangyari ay mas pinili kong itanong sa kaniya

"Anong ginawa mo?"

"Pinagaling ka"- sambit nito at humiwalay na sakin. Hindi naman nakakapagtaka dahil walang imposible sa mga katulad namin lalong lalo na sa kaniya na mukhang wala atang hindi kayang gawin.

Nginitian ko ito at walang pag dadalawang isip na nag pasalamat. Kotang kota na talaga ang pag aarte mo! Xynthia..

~☆~

"Argghhh nakakapagod!"

"Tss napagod ka? Ni wala man nga lang kayong ginawa kundi tumunganga at manood"- irap ko dito dahil naaalala ko na naman ang paghuli sakin ng Kraken dahil sa kanila. Napahimas naman si Yuan sa batok ng batukan ito ni Clark na bumalik na naman sa pagiging masayahin. At masaya ako para sa kaniya.

"Magsalita ka pa"- sarkastikong saad nito at inirapan siya. Napanguso naman si Yuan. Napailing na lamang ako sa mga ito at dumeretso sa kwarto ko para mag pahinga ngunit bago pa man ako makapasok sa kwarto ko ay pinigilan ako ni Zeke. Hinila nito ako papalapit sa kaniya at mabilis na hinalikan ang noo ko.

"Goodnight"- malambing na saad nito at humiwalay sakin at nag simula ng maglakad na nakapamulsa na para bang walang nangyari

Abot langit ang ngite kong pumasok sa kwarto ko.

He's really sweet..

Sisiguraduhin kong makakapag pahinga ako ng maayos at susulitin ko to dahil alam kong marami pa kaming suliranin na haharapin at nag sisimula palang kami...

Your votes and comments are really appreciated!