webnovel

Fatal Attraction: Tagalog

"How much can you gamble?" tanong ni Paris kay Chastine. Napakurap ang dalaga sa nang- uuyam na tingin ng bruskong binata. Lumunok siya bago sumagot. "All in," mahina at nanginginig na saad niya sabay ng pagyuko. Ayaw niyang makita ng binata ang namumuong luha sa kanyang mga mata at ang pamumula ng kanyang mukha dulot ng kahihiyan. Narinig niyang ngumisi si Paris bago siya nito iwang tigagal at nanghihina habang paulit- ulit na nagrerewind sa kanyang utak ang sinabi ng binata. "If you win, you win actually nothing but your freedom. If you lose, you'll be my property for the rest of your life... which is more likely to happen. Buckle up, Chastine. The battle is on!" mariing sabi ng binata.

Ruche_Spencer · Urban
Not enough ratings
2 Chs

The Bride

"Are you happy?" tanong ni Pam kay Chastine habang inaayos nito ang mahabang belo ng kaibigan. Siya ang maid of honor sa kasal nito. Blooming si Chastine sa suot niyang puting multi-layered chiffon wedding gown na nagbibigay ng malagoddess niyang aura.

Humarap si Chastine sa kaibigan na may ngiti sa labi. "Oo naman," sagot ni Chastine. Hindi maikakaila ang kasiyahan nito habang inaabot ang kanyang bouquet na gawa sa mga puting rosas. Nakakaaliw ang masamyong halimuyak mula sa mga bulaklak kaya hindi napigilan ni Chastine na amuyin ang mga ito.

"Sinong mag-aakalang makakatagpo mo ang iyong prince charming after ng lahat na nangyari sa buhay mo," seryosong saad ni Pam na nginitian lamang ni Chastine.

Bago makilala ni Chastine si Bran (short for Brandon), magulo ang takbo ng kanyang buhay. Naulila siya sa ama ng nasa first year college siya sa kursong Engineering.

"I am so proud of you kasi natupad mo ang pangarap ng ama mo na maging inhinyero," saad ni Pam. Ngumiti ng payak si Chastine saka bumuntong- hininga ng maalala ang kanyang ama na dahil sa kahirapan ay hindi pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makatulong sa mga magulang.

Kaya naman ng magkaroon ito ng sariling pamilya at mabiyayaan ng isang mabait na anak, paulit- ulit niyang pinapaalala kung gaano kaganda ang kursong Engineering lalo pa't babae si Chastine. Ika nga ng kanyang ama, astig daw tignan ang mga babaeng inhinyero. Dala ng mga salita nito ay napagdedisyunan ng dalaga na kunin ang kursong nais ng ama. Sa kasamaang palad ay kinuha siya ng diyos ng maaga. Isang taong pagkatapos yumao ang kanyang ama ay nakipag- asawa ang kanyang ina sa isang binatang halos kalahati ng kanyang taon. Mas matanda lamang ito ng limang taon kay Chastine kaya't sukdulan ang galit ng dalaga ng malamang nagtanan ang mga ito.

Sa kagustuhang makapagtapos, nagpursige si Chastine sa pag-aaral. Nagtrabaho siya sa tatlong part-time jobs, isa sa weeknights at dalawa sa weekends. Naranasan niyang magcashier sa isang kilalang fast food chain, maging receptionist sa mumurahing motel, at magtutor sa anak ng kapitbahay niyang banyaga. May mga pagkakataong nais niyang huminto na lang sa pag-aaral ngunit tuwing umuuwi siya at nakikita ang nakangiting litrato ng kanyang ama, biglang nanunumbalik ang sigla sa kanyang katawan. Magkahalong saya at lungkot ang kanyang naramdaman ng sa wakas ay tumuntong siya sa entablado upang kunin ang kanyang diploma.

"Hey, nagsesenti ka nanaman eh!" pagalit na sabi ni Pam sabay siko sa kanya. Hindi niya namalayang pumapatak ang kanyang luha habang nagbabalik-tanaw. "Gosh! Masisira ang makeup mo, te!"

"Sorry to disturb but please be ready. Mag- uumpisa na po tayo in five minutes," sabi ng assistant organizer ng kanilang kasal.

"Sige, salamat," sagot ni Chastine saka siya tinulungan ni Pam na magretouch.

"Ready?" nakangiting tanong ni Pam. Tumango si Chastine bago tumayo at magkasama nilang tinungo ang pintuan.

Agaw- pansin ang kagandahan ni Chastine habang naglalakad siya patungo sa altar kung saan naghihintay ang proud at gwapo niyang mister-to-be.

"You're beautiful!" bulong ni Bran sa kanya bago sila humarap sa minister.

"You look dashing," nakangiting sagot ng dalaga. Halata ang kasiyahan at pagmamahal sa mga mata nila habang magkahawak- kamay na sinasabi ang kanilang wedding vows. Kaya naman inulan sila ng tukso ng hindi man lang natapos ng pari ang kanyang katagang, "You may now kiss the bride," ay hinalikan ni Bran si Chastine.

"Oy, Bran! Baka nakakalimutan mong nasa kasalan pa kayo," biro ni Lance, ang kaibigan nina Bran at Chastine.

"Find a girlfriend, bro para malaman mo kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin," tumatawang sagot ni Bran. Napuno ng tawanan ang simbahan ng bumaling si Lance sa oldmaid na tita ni Bran at lumuhod habang hawak- hawak ang isang tangkay ng rosas na kihuha niya mula sa dekorasyon ng aisle.

"Will you be my girlfriend?" nagpapacute na tanong ni Lance na kumindat pa sa matandang dalaga.

"Che! Tumayo ka diyan baka masipa pa kita sa mukha. Bago ka maghanap ng nobya, mag- ipon ka muna!" singhal nito sa binata.

"Opo, tita," sagot ni Lance na biglang umupo sa tabi ni Pam at halatang "takot na takot" sa matandang dalaga.

"Thank you so much for coming!" nakangiting sabi ng bagong kasal sa mga bumati sa kanila.

"Are you okay?" maya- maya ay tanong ni Chastine ng mapansin ang lungkot sa mga mata ni Bran sa kabila ng ngiti nito.

"This would have been perfect if my brother is here," sambit nito.

Hindi lingid sa kaalaman ni Chastine ang estranged brother ng kanyang asawa. Ayon dito, nalaman ng kanyang kuya na ampon ito noong high school sila. Dahil dito, ang dating mapagmahal at masayahing kapatid niya ay biglang nagbago, naging rebellious at napasama sa isang notorious gang sa kanilang siyudad.

Hindi sumuko ang kanilang mga magulang sa pag- asang babalik ang kanilang anak ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natupad hanggang sa mamatay ang mga ito sa car accident.

Isang araw, tinanong ni Chastine si Bran kung bakit wala itong nakitang kahit na anong litrato o gamit ng kapatid. "Before leaving us, he destroyed all his photos, everything that links him to our family," paliwanag ni Bran. Tanging ang childhood photo nilang magkapatid ang natirang alaala ng binata.

"Everything's gonna be fine! Just give him time. Malay mo one of this days, marealize niya na kahit anong mangyari, pamilya pa rin kayo," pampalubag- loob ng dalaga.

"I hope so. Thanks," sagot ni Bran saka tinungga ang isang glass ng champagne. Pinisil ni Chastine ang mga kamay ng kanyang asawa.

"I love you," bulong ni Chastine ngunit mukhang walang narinig si Bran at nakatutok ang paningin sa entrance ng bulwagan. Bumuntong- hininga na lang si Chastine saka niya pinilit na magmistulang masaya sa harap ng kanilang bisita.

Ang akala ni Chastine ay manunumbalik ang sigla at saya ni Bran ng makapagsolo sila ngunit mas minabuti nitong mapag- isa. Kaya't naiwan si Chastine sa kanilang hotel room habang si Bran ay nagcheck in sa kabilang kwarto.

"Gumising ka , Chastine! Hindi ka mahal ni Bran? Bakit ka niya iniwang mag-isa sa unang gabi ninyo bilang mag- asawa?" sigaw ng kanyang isip. Subalit, agad din niyang pinabulaanan ang isiping iyon.

"Mahal ka niya, Chastine! Intindihin mo na lang siya at mayroon siyang mabigat na problema," piping pangkokonsola niya sa kanyang sarili. Nakatulog siyang magulo ang utak.