webnovel

Epitome of Perfection

weidoldies · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 2

Faith's POV

Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay ginayak ko na rin ang sarili ko sa paghahahanap ng trabaho.

Paalis na sana ako ng bahay ng maalala kong kulang nga pala yung perang naipon ko.Wala tuloy akong pamasahe paalis.

Naalala kong pinambili ko nga pala iyon kahapon ng almusal ni Uncle.

Iisang daan lang iyon, sapat na para sa pamasahe ko pero heto ngayon at ni piso yan walang natira dahil nagastos ko lahat sa pagkain ni uncle. Napilitan na lang akong maglakad habang dinarasal sa isip-isip ko na sana, sana sa araw na ito ay maging mabait naman sakin ang tadhana.

Sana ay pagkalooban ako ng Dyos ng trabaho, dahil kung hindi ay hindi ko na rin alam kung saan ako pupulutin.Wala rin namang taong mag-aalaga at susuporta sakin kundi ako lang mismo dahil wala naman akong tinuturing na pamilya.

Meron nga akong Uncle ngunit masahol pa sa hayop ang trato nya sakin. Wala rin naman syang ibang alam na gawin kundi ang magsugal ng magsugal sa maghapon pagkatapos ay magtataka kung bakit nauubos ang pera nya.

Kung sana ay mayroon akong pamilya, kahit papano'y may katuwang ako sa buhay. Nung mapunta ako sa puder ni Uncle , akala ko ay finally... may pamilya na ako.

Akala ko ay may susuporta na sakin. Akala ko ay hindi ako nag-iisa. Ngunit sadya nga yata sigurong maramot sakin ang tadhana at ang Diyos.

Dahil lahat ng akala ko ay mananatili na lang yatang akala at kailanman ay imposible ng mangyari pa.

Kaya madalas tuloy ay hindi ko maiwasang magtanim rin ng sama ng loob sa Diyos dahil ako yata ang paborito nyang paglaruan.

Ako ang laging pinagkakaitan at sinasaktan. Ako na wala namang ibang gusto kundi ang maranasan lang na mahalin kahit minsan lang.

Ako na wala ng ibang ginawa kundi ang lumapit sa kanya sa bawat araw na dumaraan.

Pero hindi yata nya naririnig ang mga dasal ko. Pati yata sya ay tila ayaw sakin.

Hindi alintana ang init ng araw at pawis na namumuo sa aking balat ay binabaybay ko ang daan makahanap lang ng trabaho.

Masasaktan at madaragdagan na naman kasi ang mga pasa sa aking katawan kung sa pag-uwi ko ay wala akong magandang ibabalita kay Uncle.

Sigurado akong sasabog na naman sa galit yun at pagbubuhatan na naman ako ng kamay.

Ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Caroline ay nangangailangan daw ng crew sa isang fastfood restaurant kung kaya't hiningi ko sa kanya ang address ng nasabing restaurant at susubukan kong mag-apply duon.

Ngunit hindi pa man lang ako nakakalapit sa nasabing restaurant ay ramdam ko na ang mga mapanuring tingin sa akin ng bawat taong nakakasalubong ko.

Ang iba ay may tinging akala mo ay mayroon akong sakit na nakakahawa at pinandidirihan. Ang iba naman ay may tingin na nakakaawa. Hindi ko na lang pinansin ang mga taong yun at pinagpatuloy ang pakay ko.

Papasok na sana ako sa nasabing restaurant ngunit hinarang ako ng isa mga guard.

"Miss anong kailangan nila?." wika nya.

Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang tila ba nandidiri nyang pagpapasada ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngingiwi.

Papaano ba naman kasi ay pawis na pawis ako dahil sa layo ng aking nilakad.

Lukot lukot na rin ang damit ko na pinlantsa ko pa kanina at ang buhok kong sabog na nga ay mas lalo pang naging magulo na akala mo ba'y hinahabol ako ng suklay.

"Ahm..mag-aapply po sana ako diton." mahinang wika ko.

"Nako miss hindi na hiring!At kahit maghiring dito ay nasisiguro kong hindi ka pa rin tatanggapin. Masasayang lang pinunta mo rito. Sa hitsura mo pa lang ay batid kong hindi ka na makakapasa. Tingnan mo hulas na hulas ka. Aba eh amoy pawis ka pa. Baka mamaya pati mga customer dito ay magsialisan at magsilipat ng kakainan kung ikaw ang crew dito. Sa dami ng mga nag-aapply sa tingin mo ba'y posible na matanggap ka ? Aba eh himala kung ganon! O sya sya! Alis na alis!." pantataboy pa nya.

"Kuyang guard sorry po nilakad ko lang po kasi mula sa amin hanggang dito kaya ganito ako pero po masipag naman ako hayaan nyo na po akong mag-apply oh kailangang kailangan ko lang po talaga ng trabaho kuya." nagmamakaawang pakiusap ko sa kanya.

"Heh!wala akong pakialam kahit ano pang idahilan mo. Layas! layas bawal ka dito. Baka mamaya pati ako ay masisante dahil sayo alis!."

Wala na akong nagawa at kusa na lamang akong napayuko habang pikit matang tinanggap lahat ng masasakit na sinabi sa akin ng guard.

Kung paanong ipagtabuyan nya ako na labis na ikinasakit ng puso ko.  Naramdaman ko na naman na sa mundong ito ay hindi talaga ko nabibilang. Hindi ako welcome. I'm not worth it.

No one loves me. No one likes me. No one.

Wala sa sarili akong naglalakad sa kalsada at pinagmamasdan ang bawat taong dumaraan. Ang mga taong hindi magkumahog sa paglalakad, ang mga sasakyang nagdadaan, ang mga batang kalye, at kung ano ano pa.

Nanghihinang napaupo ako sa isang tabi sa pahingahan habang naglalaro na naman sa aking isipan ang kung anong pwedeng gawin sa akin ni Uncle pagdating ko sa bahay mamaya.

Kailangan ko na namang ihanda ang aking sarili sa pananakit na gagawin nya sa akin.

Titiisin ko na naman ang pisikal niyang pananakit habang paulit ulit na sasabihin sa akin na isa akong malas na dumating sa buhay nya.