webnovel

Epitome of Perfection

weidoldies · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1

Faith's POV

"Walang kwenta!"

"Malas!"

"Bobo!"

"Pangit!"

"Balyena!"

Ang mga salitang yan ay hindi na bago sa aking pandinig.

Mula pagkabata hanggang ako ngayo'y 20 anyos na ay patuloy ko pa ring nilulunok ang bawat salitang yan na paulit-ulit ko na lamang naririnig sa mga taong mapanghusga.

Sa mga taong masayang masaya kapag may nasasaktan silang iba. Mga taong ang tingin sa sarili nila ay perpekto.

Bakit nga ba ganun ang mundo? Hindi patas. Madaya.

Lumaki akong mag-isa.

Mahiyain, walang tiwala sa sarili, at puro negatibo ang laman ng isip ko.

Sa tuwing maririnig ko ang walang sawang pangungutya ng mga tao sa aking pisikal na anyo ,maging sa kakayahan ko, ay pikit mata ko lamang tinatanggap ang lahat ng iyon.

Dahil matagal ko ng tanggap.

Matagal ko ng tanggap na ang isang tulad ko ay walang patutunguhan sa buhay.

Hindi ako matalino gaya ng iba. Mayroon akong hindi kaaya-ayang hitsura. Kulot na makapal ang aking maitim na buhok.

Hindi ako yun tipong malakas ang loob magsuot ng mga maiikling kasuotan dahil sa aking mga sugat at pasa sa aking katawan na araw-araw kong natatanggap sa mapang-abuso kong tiyuhin.

"Hoy lintik kang bata ka bumangon ka na dyan!Tanghali na wala ka pa ring matarabaho dito sa pamamahay ko napakatamad mo talaga palamunin!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang nakakabinging sigaw ng aking tiyuhin.

Panibagong araw, ibig sabihin panibagong sakit na naman ang aking mararamdaman.

Dali-dali akong bumangon at niligpit ang aking higaan.Hindi na rin ako nag-abalang ayusin pa ang mukha ko dahil ganun pa din naman.

Wala pa ring magbabago baka nga pati salamin ay mahiya kung haharap ako sa kanya at makikita nya ang mukha ko.

Nang makarating sa sala ay dali-dali akong hinampas ng mga kubyertos ng aking tiyuhin.

"Lintik kang babae ka pabigat ka talaga!Tanghali na pero nakahilata ka pa rin wala man lang akong makain bwisit!Palamunin ka malas!"

galit na galit na wika nya.

"Sorry po tito alas-tres na rin po kasi akong nakatulog madaling araw na po akong dumating galing sa paghahanap ng trabaho." nanginginig na wika ko pa.

"O eh may nahanap ka naman ba!?Syempre wala.

Bobo ka eh. Nakakahiya pa ang hitsura mo abay kahit labandera yata ang pasukin mong lintik na bata ka eh walang tatanggap sayo. Sa bobo mong yan!? Sa hitsura mong yan!? Hoy Faith! Gising! Baka gusto mong kaladkarin pa kita papuntang salamin ng malaman mo kung gaano nakakasuka yang pagmumukha mo. Ni hindi ko man lang maatim na tingnan kang buwisit ka!."

Napayuko na lamang ako at tila pinipigilan ang panibahong mga luha na tila nagbabadya na namang bumagsak mula sa aking mga mata.

"Okay lang yan Faith, sanay ka na. Immune na ang puso mo sa bagay na yan.Manhid na ang puso mo sa mga salitang masasakit na paulit-ulit binabato sayo ng mundo"

wika ko na lamang sa sarili ko.

"Magluto ka na ng kakainin ko at pagkatapos eh bahala ka na sa buhay mong maghanap ng trabaho kung kinakailangang magbenta ka ng laman, mamalimos o kahit magnakaw ka eh gawin mo. Ang mahalaga eh may maabot ka man lang saking pera ditong hayop ka. Para man lang magkaroon ka ng pakinabang at hindi ka pasanin sa buhay ko!"

malakas na sigaw nya sa mismong mukha ko.

Nakuha nya pang sipain ako at bigyan ng matalas na tingin bago tuluyang sinara ng palibag ang pinto.

Habang naglilinis ng bahay at naghahanda ng makakain ng aking tiyuhin ay hindi ko maiwasang bumalik sa mga ala-ala ko ang mga panahong sa kung paano ako napadpad sa poder ng aking tiyo.

Marahil ay kung hindi lamang nagkasakit ang aking ama at hindi kami nalubog sa utang, kung hindi lamang namatay ang aking ama at hindi nadepress ang aking ina siguro ay masaya pa rin kaming magkakasama ngayon.

Hindi sana ko magtitiis sa bahay na ito. Kung kasama ko lamang sila ay kahit papano mayroon akong kakampi sa buhay at hindi ko mararamdaman ang pag-iisa. Ngunit siguro nga talagang malas ako.

Siguro sinumpa ako. Baka sadyang mailap sa akin ang tadhana at gusto nyang habang nabubuhay ako ay puro kamalasan ang mararanasan ko.

Minsan naisip ko,  mayroon bang Dyos? O kung mayroon man , nasaan sya. Anong plano nya sakin?

Bakit nya ko pinapahirapan ng ganito? Bakit kung sino pa yung taong mababait ay yun ang pinagkakaitan ng pagmamahal. Iyon ang pinahihirapan.

Ang sabi nila "Everything's happen for a reason" pero sa kaso ko ay hindi ko alam kung anong rason ang naghihintay sa akin. Dahil kung ano man yon , wala na rin akong balak na alamin pa. Hindi na ako aasa.

Pagod na kasi ako. Pagod na ko sa lahat-lahat ng mga nararanasan at mararanasan ko. Sana kung puro man paghihirap ang ibibigay sa akin ng tadhana , ay sana kunin na lang ako ng Diyos. Sana sinama na lang ako ni tatay sa langit para hindi ko nararanasan lahat ng sakit sa puso't-isip ko.Wala rin namang taong darating para tulungan ang isang tulad ko.

Walang magtatagal sakin.Walang maaatim na samahan at mahalin ako. Wala.