webnovel

Elemental Nation: City of Elements

Adiya King is a simple girl but she belongs to an extraordinary family. Everything was normal until she discovers who she is, and what she is capable of. Will she be able to accept who she is or she'll turn her back from all the responsibilities?

thumanoid · Others
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 7. The Five

Pyrrho's POV

Nauna na akong umalis at nagtungo papunta sa meeting place namin. Pagdating ko doon, wala pa sila. We shouldn't waste no time, bakit ba ang tagal nila? I waited for a few more minutes until a portal appeared near me at lumabas silang apat doon. Naglakad sila papunta sa pwesto ko, I wanted to ask why are they late pero masyado nang maraming nasayang na oras kaya nauna nalang akong naglakad. We pass through the barrier of the nation. This barrier serves as of course our shield from the outside world. Walang makakapasok na normal na tao sa nation. Once you pass through this hindi ka na makakabalik kahit isa kang elementalist, alam ni Adiya yun pero bakit pinili niyang umalis sa nation? Hindi man lang ba niya naisip ang mga taong nagmamahal sakanya? Did I really hurt her that much? I didn't mean to hurt her emotionally, I just want her to concentrate, for us to win the quest. Wala na ba talaga siyang balak bumalik sa nation?

Author's POV

Nagpatuloy lang sila Pyrrhos na maglakad at maghanap. Hindi nila alam kung saang direksyon ang tinahak ni Adiya, kaya ang plano nalang nila ay hanapin nalang siya dahil masyadong mapanganib kung maghihiwahiwalay sila. Mapanganib ang gubat na ito kaya dapat silang mag ingat.

"Kamusta na kaya si Adiya? Sana naman walang nangyaring masama sakanya" nag aalalang sabi ng kaibigan ni Adiya na si Zephy.

"Puwede ba Zephy, kanina ka pa. Wala naman sanang mangyayari sakanya kung hindi lang siya umalis eh" inis naman na sagot ni Storm. Kanina pa nagbabangayan si Storm at Zephy dahil kanina pa daw ngawa ng ngawa si Zephy.

"Bakit? Sinong bang may kasalanan kung bakit siya umalis hah?" galit ring tanong niya sa lalaki. Napahinto nalang si Zephy sa inis kaya napahinto rin si Storm habang ang mga kasama nila ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Sasagot na sana si Storm ng biglang nagsalita si Firth.

"Pwede ba Zephy, Storm? Kanina pa kayo. Zephy, walang mangyayaring masama kay Adiya, okay?" pigil niya sa dalawa.

"At ikaw naman Storm, ano ka babae? Kanina ka pa daldal ng daldal, talo mo pa yang si Zephy" dagdag pa niya. Napayuko nalang si Zephy habang si Storm ay ganon nalang kapula ang buong mukha at tenga niya dahil sa inis. Mukhang sila naman ngayon ang magbabangayan.

Magsasalita na sana si Storm ng biglang inangat ni Firth ang kanyang palad, signaling him to shut up saka siya nagpatuloy sa paglalakad, sumunod naman si Zephy habang hindi makapaniwalang tiningnan ni Storm si Firth, namaywang nalang siya saka kinalma ang kanyang sarili. Naglakad naman si Trevet papunta sakanya na natatawa saka siya inakbayan at hinila para maglakad.

*

Ilang oras na silang naglalakad ngunit ni isang senyales na nasa gubat si Adiya ay wala parin silang makita. Hanggang sa may nakita si Trevet na ilog.

"Guys, inom naman muna tayo. Kanina pa ako nauuhaw eh, ni isa man lang kasi satin hindi nagdala ng tubig" reklamo ni Trevet. Sumang ayon naman silang lahat kaya nagpahinga muna sila at uminom sa napakalinaw na tubig. Pagkatapos uminom ni Pyrrhos ay naisipan niyang maglakad lakad hanggang sa may nakita siya di kalayuan sa kinatatayuan niya. Naglakad siya para makita ito. Napakunot ang noo niya ng may nakita siyang baunan ng tubig. Pinulot niya ito at pinakita sa mga kasama niya.

"San mo to nakuha?" gulat na tanong ni Zephy saka niya kinuha ang lagayan ng tubig. Tinuro naman ni Pyrrhos ang lugar kung san niya ito nakita.

"Kay Adiya to" ani Zephy.

"Sigurado ka?" tanong naman ni Pyrrhos. Tumango naman si Zephy saka may pinakita siya sa bandang baba ng baunan.

"Zhin" yan ang nakasulat sa bote.

"Si Adiya lang naman ang may ganitong lagayan ng tubig at siya lang naman ang may Zhin sa pangalan.

"Ibig sabihin nanggaling siya rito" sabi naman ni Pyrrhos.

"Pero bakit naiwan niya rito yan?" nagtatakang tanong ni Storm. Magsasalita na sana si Pyrrhos ng biglang sumigaw si Zephy saka niya tinuro ang bandang likuran nila Pyrrhos.

Black Hallow.

Zephy's POV

Hindi maipinta ang mukha naming lahat dahil sa nilalang na nasa harap namin ngayon. Para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig. Sa lahat ng nilalang na pwede naming makalaban bakit ang Black Hallow pa? Kung tutuusin wala kaming laban sa nilalang na to. Walang kwenta rin lang ang mga kapangyarihan namin dahil hindi naman ito tinatablan, so we only have one option here, and that is to run, kaya yun ang ginawa namin. We ran as fast as we could, we ran as if our lives depend on it.

Tumigil si Pyrrhos at sinubukan niyang patamaan ng bola ng apoy ang Black Hallow ngunit hindi ito tinablan, of course pano ito tatablan? Black hallows are like black smokes floating in the air. They actually don't have a shape, kaya kahit anong tama mo rito balewala.

Nagpatuloy kaming lahat sa pagtakbo, hindi namin alam kung anong gagawin. Ilang minuto pa kaming tumatakbo hanggang sa biglang napansin ni Trevet na wala na ang Hallow.

"Guys" ani Trevet. Tumigil kami sa pagtakbo saka tumingin sa kanya.

"Wala na ang Hallow" dagdag pa niya. Tumingin kaming lahat sa paligid at hindi na namin makita ng Hallow.

"We still need to be discrete and carefull. Hindi natin alam, baka biglang umatake ulit ito" ani Pyrrhos. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ngunit sa pagkakataong ito ay maingat na kami, gaya nga ng sabi ni Pyrrhos baka bigla itong umatake ulit.

Nauna sila sa paglalakad habang ako ay nasa hulihan, parang bumibigat kasi ang pakiramdam ko. Nahihilo ako na para bang lahat ng enerhiya sa katawan ko ay nahihigop. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi na kaya ng katawan ko na humakbang pa, biglang umikot ang paningin ko at bumagsak nalang ang katawan ko sa lupa. Hindi ko na kaya. Nabigla nalang ako ng pagbagsak ko nakita ko ang Hallow na nakadikit sakin.

"Sh*t, ito na ata ang katapusan ko" I cursed through my dying breathe, mabuti nalang at napansin ng mga kasamahan ko na hindi ako nakasunod sakanila. Nagulat nalang sila ng makita nila ang Hallow. Tumakbo sila malapit sa kinaroroonan ko ngunit hindi sila makalapit ng maayos dahil sa Hallow. They know better.

"Sh*t, we need to get it off of her" sabi ni Trevet.

"How can we do that? We don't even have a plan" sagot naman ng kanyang kambal. Napamura nalang ako ng maisip kong ito na nga yata talaga ang katapusan ko.

"I have a plan, but it's too risky" sagot ng isang tinig mula sa utak ko, si Pyrrhos. He's using telepathy. Telepathy is the only thing that we Elementalist share in common.

"We have to distract it first. I'll use my dark powers to distract it. Firth and Trevet, distract it with your powers, we'll have to buy Storm some time," Pyrrhos said.

"Time for what?"nagtatakang tanong naman ni Storm.

"Make a portal" simpleng sagot ni Pyrrhos.

"Now" Pyrrhos signals them.

He uses his dark powers against the Hallow, pinapalibutan nito ang Hallow. Mahusay niya itong nakokontrol, ni hindi man lang ako natatamaan ng itim niyang usok, that's what he meant when he says it's too risky, dahil baka pati ako tamaan ng kapangyarihan niya but he really controls his powers well.

Naramdaman kong nawawala na ang paghigop ng enerhiya ng Hallow sa aking katawan dahil sa ginagawa niya.

"Trevet, get her" sabi ni Pyrrhos. Nakuha naman agad ni Trevet ang sinabing iyon ni Pyrrhos dahil agad niyang kinumpas ang kanyang kamay na nakatapat sakin saka niya ako hinila gamit ang pagkumpas ng kanyang mga kamay. Telekineses. The ability to control things and, also humans. Ng nakuha na ako ni Trevet nilapag niya ako sa lupa.

"Firth" tawag ni Pyrrhos. Tumango naman si Firth bilang sagot na para bang nantindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng pagtawag ni Pyrrhos sa pangalan niya. Bigla niyang tinapat ang palad niya sa noo ko at naramdaman kong bumabalik na ang lakas sa buong katawan ko.

"Storm! Now!" sigaw ni Pyrrhos. Natataranta namang gumawa si Storm ng portal.

Ng maramdaman kong unti unting bumabalik ang lakas sa katawan ko ay pinilit kong tumayo.

"Let's go!" sabi naman ni Pyrrhos tsaka kami mabilis na pumasok sa portal. Ng nasa portal na kami, lumingon ako sa kinaroroonan ng Hallow. Napakunot nalang ako ng noo ng biglang bumagsak ang Hallow ngunit pagkabagsak niya, hindi na ito isang usok, kundi isang katawan ng tao ang bumagsak. What the heck.