webnovel

Elemental Nation: City of Elements

Adiya King is a simple girl but she belongs to an extraordinary family. Everything was normal until she discovers who she is, and what she is capable of. Will she be able to accept who she is or she'll turn her back from all the responsibilities?

thumanoid · Others
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 13. Zephy and Storm

Zephy's POV

Nararamdaman ko na kanina pa ako tinitingnan ni Storm. Kapag naman binabalik ko yung tingin na binibigay niya, nag iiwas din siya. Wala akong plano na kausapin siya kahit kailan. Hindi ko maiwasan na mainis sa lahat ng sinabi niya kanina. If he's not going to say sorry, mas lalo naman ako. Hindi ko naman kasalanan.

Tapos na kaming kumain ng tanghalian at lahat lahat pero wala parin talaga siyang balak na kausapin ako. Nandito kami ngayon sa silid na tinutulugan namin at nakaupo na kami sa kanya kanya naming pwesto.

"Anong plano natin bukas?" pambabasag ni Trevet sa katahimikan. Hindi siguro sila sanay na tahimik kami. Madalas kasi kaming nag aasaran ni Storm kapag ganto, pero ngayon pareho kaming walang imik.

"Babalik tayo bukas ng umaga dun sa tindahan nung ale na pinag tanungan natin para tanungin natin kung saan yung tinutukoy niyang bahay na malapit sa gubat" sabi ni Pyrrhos habang nakahiga sa kami.

"Eh bakit kasi hindi niyo pa tinanong kanina? Puro kasi kayo landian, eh di sana hindi na tayo babalik bukas at dumiretso nalang tayo sa kung saang lupalop man naroon si Adiya" narinig kong sabi ng isang tinig sa utak ko. Napaupo si Pyrrhos sa higaan at napatingin kay Storm, ganun din si Trevet at Firth, pati narin ako.

"Did I just say that out loud?" napapahiyang tanong ni Storm saka siya nagkamot ng batok.

"Kung sana kasi naisip mo yan kanina kesa manakit ka ng damdamin ng iba" inis namang sabi ni Firth. Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Ilang minuto pa kaming natahimik ng maisipan kong bumaba. Naglalakad na ako papunta sa pinto ng silid namin ng biglang magtanong si Trevet.

"San ka pupunta?"

"Diyan lang sa baba. Babalik din ako mamaya" sagot ko naman.

"Wag kang lumabas ng bar, masyadong mapanganib" dagdag pa ni Pyrrhos. Tumango nalang ako saka ako naglakad palabas at pababa sa may bar.

Ng makarating ako sa bar counter, umorder lang ako ng light na inumin. Gusto kong uminom pero ayokong maglasing. Nakakailang shot na ako ng may biglang tumabi sakin. Yung lalaking kakilala ni Pyrrhos. I think his name is Arthur.

"Mukhang may problema ka ata?" tanong niya.

"Wala naman" casual na sagot ko.

"Dahil ba sa isang lalake?" tanong niya ulit. Muntik nakong masamid sa binitawan niyang mga salita. Napaubo nalang ako ng humagod sa lalamunan ko ang alak na iniinom ko. He offered me a glass of water na agad ko namang ininom. Ang hapdi sa lalamunan.

"Easy. Napaghahalataan ka" he said then chuckled. Natawa nalang din ako sa sinabi niya.

Storm's POV

"Hindi mo ba siya susundan?" tanong ni Firth sa akin.

"Hah?" nakakunot noong balik tanong ko sakanya.

"Ang tanong ko. Hindi mo ba siya susundan?" ulit niya naman.

"I heard you" saad ko.

"Oh naman pala" naiinis na sagot niya.

"My question is, why should I go after her?" tanong ko. Nakita ko siyang umirap bago nagsalita.

"Manhid ba talaga tong kambal mo o sadyang tanga lang?" tanong niya sa kambal ko.

"Aba ikaw na nga tong nagtatanong tapos pag sinagot ka naman ikaw pa yung may ganang manlait" inis ko ring sagot sakanya. Nairap muli siya at narinig ko rin ang buntong hininga ni Trevet.

"Firth is right. You should go after her" simpleng sagot niya.

"Bakit ko naman gagawin yun?" nakakunot noong tanong ko ulit.

"Naku Trevet pigilan mo ako, makakatikim talaga tong kambal mo sakin" inis paring sabi ni Firth saka ako inungusan. Tinignan ko nalang siya ng masama saka ako bumaling ng tingin kay Trevet.

"Hindi mo ba talaga alam kung anong kasalanan mo sakanya?" seryosong tanong niya sakin.

"Wala akong kasalanan sakanya" I insisted. Napahinga nalang siya ng malalim na parang dismayang dismaya sa sagot ko.

"Nagbigay ka na ba ng bulaklak sa ibang babae?" biglang tanong ni Firth. Nag isip saglit saka ko siya sinagot.

"Oo naman, maraming beses na siguro" sagot ko ng may pagmamalaki. Napairap siyang muli sa hindi ko mabilang na pagkakataon.

"Naman pala. Ganun ba ang sinasabi mo pagka nagbigay ka ng mga bulaklak sa mga babae mo?" inis pa ring tanong niya. Bigla akong napaisip sa mga sinabi niya. Tama siya. Hindi naman ganun ang pakikitungo ko sakanila. Umiling nalang ako bilang sagot.

"So I assume that is a no. Kung ganun bakit ganun nalang ang trato mo kay Zephy?" naguguluhang tanong niya.

"Zephy is different. He's not like the other girls that I've dated. She's both rough and refine at the same time" I said then paused for a while.

"I just don't know how to approach her" nahihiyang sabi ko.

"Just be yourself Storm. Tiyak akong mas magugustuhan niya yun" ani Firth. Napatingin ako sakanya ng ilang segundo saka ako tumayo.

"Oh san ka pupunta?" tanong ng kambal ko.

"I need to talk to her" sabi ko habang naglalakad sa may pintuan palabas. Bumaba ako sa may unang palapag ng bahay at tinungo ko ang bar. Ng makarating ako roon nilibot ko ang paningin ko at hinanap si Zephy. Ngunit ganun nalang ang inis ko ng nakita ko siya sa may bar counter na may hawak na baso at mukhang may lamang alak at nakikipagtawanan kay Arthur.

Zephy's POV

I am in the middle of laughing my heart out with Arthur when he suddenly stops. Sinulyapan ko siya at nakita ko siyang hindi sakin nakatingin kundi sa likuran ko. Napakunot noo ako saglit saka ako lumingon sa likuran ko. Halos matumba ako sa kinauupuan ko ng makita ko si Storm sa likuran ko, pero hindi yun ang kinagulat ko, kundi ang reaksyon niya. He's eyes is sharply looking at Arthur. Like he's going to murder him any minute. What the hell is wrong with him?

"Storm?" kuha ko sa atensyon niya. Sandali pa niyang tinitigan si Arthur ng masama bago siya tumingin sakin. What the hell is his problem?

"Why are you drinking? Bumaba ka ba rito para uminom?" seryosong tanong niya sakin. Umirap nalang ako sa tanong niya. Why is he concern about my well being all of a sudden? Hindi ko siya pinansin, binalik ko nalang kay Arthur ang tingin ko.

"Is he...?" hindi na natuloy ni Arthur ang sasabihin niya when Storm cuts him off.

"Yes, I am her boyfriend so f*ck off" inis niyang sabi kay Arthur. Inis at nakakunot noo akong tumingin sakanya?

"Okay, okay" ngingiting sabi ni Arthur habang tumatayo at nakataas ang kamay, as if surrendering saka siya naglakad paalis. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Storm.

"Rude" inis kong sabi sakanya saka ko binalik sa iniinom kong alak ang atensyon ko.

Ilang minuto kaming tahimik at sa ilang minuto na iyon ay alak lang ang inatupag ko. Nagulat nalang ako ng akmang lalagukin ko na sana ang alak sa mismong bote ng bigla itong agawin ni Storm.

"Okay, that's enough" sabi niya saka niya inagaw ang bote ng alak saka ito inilayo sakin. I was about to stand up and reached for the bottle when my head spun and for a minute I felt dizzy, matutumba na sana ako when I felt a hand grabbed my waist, it's Storm's. He's handsome up close, or he's just originally handsome pero hindi ko lang maamin. I don't know if it's just me or the alcohol that makes me think of these lustful thoughts. I stared at his eyes because I was stunned and mesmerized by it for a second, then my eyes roll down to his lips. "Kiss him" a voice inside my head whispers. Nanlaki nalang ang mata ko ng bigla kong mapagtanto kung ano ang ginagawa ko. I shook my head saka bahagyan ko siyang tinulak palayo sakin then I stood straight.

"You're drunk," he said awkwardly.

"No I'm not," I said calmly but my insides are rumbling.