webnovel

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 24: You're Gone

Sana hindi na lang ako umalis. Sana hindi na lang kita iniwan. Sana hindi ako naging masyadong makasarili. Sana mas pinili ko na lang manatili. Kung hindi lang sana ako umalis ng mga panahong 'yon edi sana nagkasama pa tayo nang matagal. Kasalanan ko lahat nang 'to. Masyado akong nagpadala sa nararamdam ko. Ni hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo kapag umalis ako

Pero eto siguro yung parusa para sakin at yon ay ang kunin ka. Bakit ngayon pa?

Hindi ko man lang nasabi sayo yung nararamdam ko. Hindi ko man lang naiparamdam sayo yung pagmamahal ko sayo. Yung pagmamahal na ilang beses kong itinanggi sa sarili ko na wala talaga akong nararamdaman pero niloloko ko lang ang sarili ko. Ilang beses kong itinanggi sa sarili ko dahil kahit saang anggulo mo tignan ay hindi tayo pwede dahil magkaiba ang mundong ating ginagalawan pero nagbaka sakali parin ako. Nagbaka sakali na may pag asa tayo kahit konti kasi ipiglalaban ko naman. Ipiglalaban kita. Sadyang natakot lang ako dahil baka hindi pala tayo parehas ng nararamdan at takot na mapahiya lamang ako sa iyong harapan pero hindi ko inaasahan ang huling sinabi mo bago ka tuluyang kunin sakin.

Sinabi mo na mahal mo ako pero paano mo nakayanang iwan ako ng mag isa. Sino na lang ang kasama ko? Sino na lang ang aalalay sakin? Ikaw na lang ang meron ako tapos iniwan mo pa ako. Sobrang sakit para sakin

Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili sa pag iyak dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Nag angat ako ng tingin pero laking gulat ko nang makitang wala na ako sa loob ng Ekbasis. Naghihina na tumayo ako. Pinilit ko ang aking sarili kahit naubos na ang aking lakas dahil sa matinding pag iyak

Laking pagtataka ko nang makita ang aking sarili sa Bridge. Nasa malawak na lupain ako. Ang lugar kung saan matatagpuan ang pinto papuntang Ekbasis. Agad kong hinanap ang pinto kung saan ako pumapasok papunta sa kabilang mundo. Natanaw ko ito sa gitna ng lugar kung saan ko ito madaas makita. Tumakbo ako palapit doon. Sinukan kong buksan pero tila nakakandado na ito.

Napaiyak na naman ako nang hindi na ito bumukas. Tila ba ayaw na akong papasukin. Ilang beses kong kinalampag at sinipa ang pinto para lang bumukas ito pero walang nangyari

Bigo na lumayo ako doon. Baka may ibang paraan pa para mabuksan ito. Inilibot ko ang aking tingin sa lugar at naghanap ng bagay na pwedeng makatulong sakin upang mabuksan ko 'tong pinto pero wala na akong ibang nakita bukod sa mga bulaklak

Wala sa sarili na napaupo na lang ulit ako. Ayokong mawalan ng pag asa pero wala akong magawa. Nag unahan na namang tumulo ang aking mga luha. Kanina pa ako hindi matigil sa pag iyak. Ramdam ko nadin na mugto na ang aking mata. Humiga ako sa damuhan saka doon ipinag patuloy ang pag aking pag iyak. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy ngayong wala ka na dahil hindi ko kaylan man naisip na dadating tayo sa ganito at iiwan mo akong mag isa

Napatingin ako sa langit. Ngayon ko lang napansin na papadilim na pala. Ilang oras akong nagtagal sa ganong posisyon. Hinayaang ko na lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak hanggang sa kusa na itong huminto. Malamang ay napagod na dahil ilang oras narin akong ganon. Huminga ako nang malalim bago magpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Napagdesisyunan kong bumangon na dahil kanina pa ako nakahinga sa damuhan at isa pa ay gabi nadin

Mabagal ang lakad na umalis ako sa lugar na 'yon. Hindi ako susuko. Gagawa ako nang paraan para mahanap ka

Pagkadating ko sa aking apartment ay dumiretso na agad ako sa kama. Ibinagsak ko ang aking sarili doon. Pagod na pagod ako. Halos maubos ang lahat ng lakas ko.

"Magiging maayos din ang lahat" pagpapalakas ko sa aking loob dahil walang ibang gagawa non kundi ang sarili ko lang din

Tumagilid ako pero may kung anong bagay akong nahigaan. Inabot ko ito. Picture frame ito kung saan naglalaman ito ng litrato naming dalawa ni felix. Ito siguro yung iniwan ko bago ako bumalik sa Ekbasis

I forced a smile the moment I see him at the picture. Malawak ang kanyang ngiti dito. I hope that I would see his smile again but I remember, he's gone now. He left me all alone

The smile I failed to protect

Yun ang huling natatandaan ko bago ako tuluyang makatulog