webnovel

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 23: The Beginning of the end

"Pero masaya ako na bumalik ka. Masaya akong makita ka bago pa mahuli ang lahat"

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na tanong ko sa kanya

Humarap siya sakin saka nginitian ako. "Hinding hindi ko pagsisisihan lahat nang nagawa ko dahil sobrang swerte ko dahil nakilala ko ang tulad mo "

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumayo siya at naglahad ng kamay katulad ng ginagawa niya sakin dati. Inabot ko naman yon saka takang tumingin sa kanya

"Anong bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan" kahit kinakabahan ay sinubuan kong magsalita ng maayos

Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin. Natigilan ako sa biglaang kilos niya

"Patawarin mo ako" sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap sakin

"Hindi kita maintindihan" lang ang naisagot ko

"Hindi ko na matutupad ang pangako ko sayo"

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya saka naiinis na tinignan siya. Nanatili siyang nakayuko at hindi makatingin nang diretso sakin

"Ipaintndi mo naman sakin Felix kasi ay hirap manghula" naiinis na sabi ko sa kanya. Wala akong maintindihan sa lahat nang sinabi niyaat hindi ako natutuwa don dahil para akong bulag na nangangapa sa dilim

"Aalis na ako"

Sampung letra, tatlong salita. Isang pangungusap ang nagpatigil sakin. Parang ilang segudo akong nabingi. Parang biglang nablangko ang utak ko. Hindi agad ako nakahanap ng salita na isasagot sa kanya

"A-ano?" naguguluhang tanong ko

Sa wakas ay tinignan na niya ako nang diretso sa mata. Kita ko ang halo halos emosyon doon. Takot, lungkot at kaba. Iilan lamang 'yan sa nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata.

"Aalis na ako. Hindi na ako makakabalik pa dahil mawawala na ang buong Ekbasis...…kasama ako"

Naguna unahang magsipatakan ang aking mga luha. Napatakip ako sa bibig para pinigilan ang aking sarili na humagulgol sa kanyang harapan. Sunod sunod na pag iling ang ginawa ko

"Sa pangalawang pagkakataon ay may nalabag na naman akong batas samin"

"Lintik na batas yan!" hindi ko na napigilana ng sarili ko at tumaas na ang tono nang aking boses. "Bakit ngayon pa? bakit ngayon pang nakabalik na ako?" humahagulgol na tanong ko

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya para maiharap ko siya sakin

"Hwag kang umalis. Hindi mo ako pwedeng iwan" umiiyak na sabi ko sa kanya

Hinawakan niya ang nang mahigpit ang magkabilang kamay ko

"Kung maaari lang ay 'yan ang gagawin ko" sagot naman niya

Hindi. Hindi ako papayag na aalis ka. Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari sayo. Gagawa ako nang paraan para maitakas ka dito. Pinahid ko ang aking mga luha saka humarap sa kanya

Nagulat kaming pareho nang biglang yumanig nang malakas ang lupa. Hindi naman nagtagal 'yon at ilang segudo ang nagtagal bago 'yon mawala

"Malapit na" sabi niya habang inililibot ang paningin sa paligid

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Napatingin naman siya sakin

"Pwede bang pagkatiwalaan mo ako kahit ngayon lang" tanong ko sa kanya pero hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon. Habang tumatakbo paalis ay nasasaksihan din namain ang unti unting panguho ng buong Ekbasis.

Magkahawak kamay naming tinakbo ang daan palabas ng Ekbasis. Dinala ko siya sa pinto palabas sa lugar na ito. Pagkarating sa pinto ay himinto kami doon. Hinihingal na hinarap ko siya

"Itatakas kita dito. Aalis tayong pareho sa lugar na 'to. Wala akong pikialam sa kung ano man yung patakaran sa mundo niyo" naiiyak na sabi ko

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Umiling siya sakin

"Hindi pwede....."

Padabog na binitawan ko ang kamay niya

"Ano ba yang sinasabi mo? Makakaalis tayo kung magtitiwala ka lang sakin. Aalis tayo sa lugar na 'to. Hindi ako papayag na maiwan ka dito" kahit hirap magsalita dahil sa pag iyak ay sinikap kong makapag salita

"Wala nang paraan para makaalis ako dito…."

"Hindi totoo yang sinasabi mo. Alam kong may paraan pa kaya wag kang mawalan nang pag asa"

Sunod sunod na iling lang ay isinagot niya sakin. Napaabunot na lang ako sa aking buhok. Hindi ko na alam ang gagawin ko

"Bakit ngayon pa? Kung kaylan nakabalik na ako saka ka aalis. Ang dami kong gustong sabihin sayo. Hindi mo ako pwedeng iwan mag isa. Ikaw na lanh ang meron ako tapos aalis ka pa. Paano na lang ako?" Humahagulgol na sabi o. Hinila niya ako palapit sa kanya saka mahigpit na niyakap ako

"Patawarin mo ako"

"Hindi. Hindi ka aalis"

Hinarap niya ako. "Aphrodite makinig sa sakin, dapat kayanin mo na kahit wala na ako. Magpatuloy ka parin kahit aalis ako. Wala man ako sa tabi mo pero mananatili naman ako sa puso mo"

Nanlaki ang mata sa gulat nang biglang unti unting naging abo ang kanyang kamay at tinangay nang malamig na hangin at naglaho na parang bula. Napatingin ako sa kanya pero nakangiti parin siya sakin

"A-anong nangyayari? Sabihin mo sakin kung anong nangyayari?!" natatarantang sabi ko

"Paalam na"

Lalong lumakas ang aking hagulgol. Sunod sunod na pag iling ang ginawa ko

"Felix, hindi ko kaya...."sinubukang kong abutin siya pero hindi ko na siya mahawakan. Tila tumatagos lang ang kamay ko sa katawan niya

"Aphrodite...….."

Lalong lumakas ang hagulgol ko dahil sa ginawa niyang pagtawag sa pangalan ko. Sino nalang ang tatawag sakin na taga lupa? Sino na lang ang pupuntahan ko kapag may problema ako? Hindi na lang ang pupuntahan ko kapag binangungot ulit ako

"Hwag mo akong iwan…..please" ginawa ko na ang lahat nang makakaya ko para lang maabot siya pero bigo lang ako dahil hindi ko siya magawang hawakan

Malawak ang ngiting iginawag niya sakin bago magsalita. "Mahal kita..."

Iyon ang huling salitang sinabi niya bago siya tuluyang maglaho na parang bula sa paningin ko at tangayin nang malakas na hangin

Napalunod ako sa malamig na lupa. Parang biglang nawalan nang lakas ang magkabilang binti ko. Parang ilang beses sinaksak ng patalim ay puso sa sobrang sakit. Naghabol ako nang hininga dahil parang hindi na ako makahinga nang maayos

Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi mo sakin sinabi na aalis ka? Kung kaylan nakabaik na ako saka mo ako iiwan. Hindi mo ba alam kung gaano ako nasasaktan ngayon. Bakit sa lahat ng tao bakit ikaw pa? Gaano ba kalaki ang nagawa kong kasalan noon para parasuhan ako ng ganito. Hginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi parin sapat. Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Lahat na lang ng importanteng tao sa buhay nawala na. Lahat na lang kinuha niyo na. Halos wala na kayong tinira para sakin. Paano ko pa kakayanin lahat ng 'to kung ang lahat nang nagpapalakas sakin ay kinuha niyo na

"M-mahal din kita pero bakit parang masyado namang biglaan yung pag alis mo"

Eto ba ang kapalit nang ginawa kong pag alis. Kung alam ko lang sana na ganito ang magiging kapalit ng ginawa ko ay sana hindi hindi ko na ginawa yon. Edi sana nandito kapa. Sana masaya pa tayong dalawa. Sana…..sana... Ang dami kong sana pero hindi non magagawa na ibalik ka.

It's too late because missing you won't bring you back