webnovel

2

PANGALAWANG ARAW

Wala namang bago ngayon araw. Ganon pa rin. Hihingi ako ng pera kay Mama. Bibili ako ng Choco Tops kase favorite ko iyon. I love chocolate cupcakes.

Noong nakarating ako sa tindahan, nakita ko si Elmo. Kaibigan ko siya. Kasing edad ko lang siya. Sumabay kami magpunta sa tindahan dahil bibili siya ng Ice Pop. Masarap din iyon.

Wala kaming klase ngayon kasi weekends na.

Pagkatapos binigay ng tindera ang aming sukli ay dumiretso na ako sa cover court. Maglalaro kami nina Alaisa at Jennica ng chinese garter tapos sina Elmo, Gardo, Kaloy at Chito ay naglalaro ng tumbang preso.

Pagpasok palang namin sa cover court ay nakarinig kami ni Elmo ng hiyawan. I rolled my eyes because I know na mga babaeng bata pa lang ang naghihiyawan. Eh syempre kasama ko itong Hearthrob kong bestfriend.

Actually apat silang hearthrob. Hindi pa nga sila tuli pero ang lakas ng datingan nila sa mga girls. Pero wala sa akin kase mga kaibigan ko lang sila.

Napatigil ako noong nakita ko yung mga kalalakihan na papasok sa cover court. Nagulat ako nong nakita kita. As in, I stunned when I saw you wearing Red Jerseys and bandana on your head. I felt like I'm watching a Movie Adaptation coming from Novel.

Laking gulat ko ng magtama ang mga mata natin. I saw your oceanic eyes. Parang crystal blue yung kulay ng mga mata mo. I hope na makikita ko yan araw-araw. Name-mesmerized ako e.

Ngumiti ka sa akin at I smiled back. I give my best smile. Sana hindi nalang ako bata. Sana kasing edad mo lang ako.

Kasi... gusto kita pero alam kong di pwede.

- Esther♥️