webnovel

1

UNANG ARAW

Keeves, alam mo bang galing ako library kasi naghahanap ako doon ng libro na Reading 6 kasi ito naman si Maam Pakade, ni-rush kami. Sobra kasing strikto si Maam Pakade. Ultimo last week pinasagot niya kami ng over 100 items, sobra pa kami sa hayskul.

Pero eto talaga, sorry pala kanina ah? Kasi nabangga kita. Nahiya tuloy ako sayo. Pero pinatawad mo agad ako kahit nabuhusan kita ng juice kanina.

Hinintay kita kanina ng ilang oras doon sa labas ng CR ng boys sa building niyo upang magsorry. Lumabas ka at nginitian mo lang ako at sabi mo sa akin..

"Okay lang yun bata, alam kong hindi mo sinasadya..."

Tinapik mo pa yung ulo ko. Nakaramdam ako nga non ng kuryente noong tinapik mo ulo ko. Tama ba na makaramdam ako ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko? Bakit ako nakakaramdam ng ganon? Normal ba iyon?

Tapos umalis ako doon sa building niyo. Hindi ko mapigilang mapangiti kasi napansin mo ako. Crush kita e.

Pero siyempre study first mona ako kasi gusto ko matulungan si Mama at si Kuya Evon.

Kaninang uwian, dumaan muna ako sa floor niyo kasi baka makita kita. Hindi nga ako nagkamali, nakita kitang nakaupo sa likurang banda ng classroom niyo.

Nakakahanga ka dahil kahit playboy ka ay nagawa mo pa ring mag-aral ng mabuti. Hangang-hanga ako sa kasipagan mo.

Dumiretso agad ako sa may tindahan malapit sa main gate ng High school kasi baka makita kita doon.

Noong lumabas kayo sa Main Gate ng mga barkada mo, lumapad agad ang ngiti ko kasi nasilayan ulit kita.

Nakita mo ako nakaupo sa may tindahan. Nilapitan mo ako at sinabi mo na...

"Hello cute na bata! Gusto mo ilibre kita ng siomai?"

Tumango lamang ako.

"Hindi ka ba nakakapagsalita?"

Tumango ulit ako.

"Kawawa ka naman bata. Ano ba ang pangalan mo?"

Kinuha ko ang ballpen sa bulsa ko at sinulat ko ang aking pangalan sa papel ko.

ESTHEREANNA VILLACOSTE

"Ka-ano ano mo si Evon?"

Sinulat ko na kuya ko si Kuya Evon.

KUYA KO SI KUYA EVONRIANNO VILLACOSTE

Ngumiti ka sa akin at ginantihan kita ng ngiti.

"Mukhang magkakasundo tayo Esther."

Nang nilisan mo ang tindahan ay tila nakaramdam ako ng lungkot dahil baka bukas o sa sunod na araw ay hindi mo na ako mapapansin pa dahil masyado kayong busy. Kaya nga takot ako mag hayskul e.

Pero di bale, sana magkita pa tayo Kuya Keeves.

- Esther♥️