webnovel

Prologue

AZELA'S

MAY 2016

"We met again. This time, pinagplanuhan na. Akalain mo yun? We've been through many times but still sa simbahan pa rin ang bagsak natin. How cool it was!" Sabi ko sa sarili ko. Ilang oras na lang magkikita na ulit kami.

.

"Gwapo mo pa rin." Sabi ko nginitian niya lamang ako. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya. Hindi maipaliwanag. He is wearing a tuxedo. Ikakasal kasi ang tito at tita niya. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya.

.

"Sus inlove ka nanaman" tugon niya sabay kindat. Pa-fall. Nako wag mo ko daanin sa ganyan. Baka ibaba ko ito ng wala sa oras!

.

"Baka gusto mong babaan kita!" Sabi ko sabay subo ng chips.

.

"Sus hindi mo naman kayang gawin yun." Paano kapag ginawa ko?

.

"Kilala kita Azela." Dagdag pa niya. Napangiti na lamang ako. Kaya mahal na mahal ko to e. Kilalang kilala niya na talaga ko.

.

"Sa susunod na magsusuot ako ng ganito, sa kasal na natin." Dagdag pa niya. Hindi na ako makapaghintay.

.

"I love you, Azela. See you soon!" Dagdag ulit niya sabay halik sa screen. Nagulat ako kasi biglang lumabo.

.

"LAWAY BA YAN?!" Sigaw ko. Kadiri! Kalalaking tao!

.

"HAHAHA" tawa niya. Napakabastos talaga ng lalaking to.

.

"Wala man lang bang i love you too???" Tugon niya ulit. Hays. Cute cute talaga niya. Mukha siyang unggoy.

.

"I love youuuu too" sabi ko sabay kiss sa screen. Miss na miss na rin kita.

.

"Ikaw lang ang mamahalin ko. I love you." Dagdag niya.

.

Tumulo ang luha ko.

.

"Alam kong ako lang hehe" sabi ko.

.

Kahit alam kong may iba ka pa.

.

CRAIG'S

JULY 2016

"Damn, she's so fine." Rinig kong sabi ng isang lalaki. Pero hindi ko na rin pinansin kasi wala naman akong pake sa kanila.

.

"Oo nga! Ang ganda!" Rinig ko pang sabi nung isa. Dahil sa curiousity ko,napatingin ako sa kanila. Nakita ko silang nakatingin sa isang babaeng nakaupo sa damuhan. May inaayos siyang mga papel.

.

Lumapit ako sa dalawang lalaki at umubo

.

"Hala si pres pala ito hehe! Tara umuwi na tayo!" Rinig kong sabi nung mga lalaking nakatingin sa pagmamay-ari ko. Dali-dali silang tumakbo papalabas ng gate.

Mabuti naman.

"Wala ka man lang bang balak tulungan ako rito? mr. Tagabantay ng Gate!" Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang magpulot ng mga papel at inilagay ito sa bag niya. Pagkatapos nito ay tumayo na kami pareho at tinitigan niya lang ako. Bigla niya akong hinalikan at ngumiti siya.

.

"I love you." Sambit niya. Bigla ko siyang niyakap. I am the luckiest man in the whole world. Kumalas ako sa pagkakayap at tinitigan siya.

.

Hinawakan ko ang kamay niya at nagsimula na kaming lumakad papalabas ng school. Kami na lang ang natira dito kasi, umuwi na rin yung guard kasi sinabi kong ako na magpapadlock ng gate at mga classroom.

.

Tinanggal ni Azela ng kamay niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya lumingon ako. Pagkalingon ko ay nabigla ako kasi nagtatanggal na si Azela ng butones ng uniform. Biglang nag-init ang katawan ko.

.

"Stop." Bulong ko. Napatigil siya. Tsaka gusto kong ikasal muna kami bago kami gumawa ng ganito.

.

"Pero gusto ko ito." She said. Napabuntong hininga ako at niyakap siya.

.

"Hindi natin kailangan ng sex sa relasyon natin." Sambit ko.

.

"Eh bat ka nagpaiwan dito? Alam mo namang tayo na lang ang natira dito" Tanong niya.

.

"Papasama ako sayo magsara ng mga classrooms. Matatakutin kaya ako alam mo yan." Tugon ko

.

"San ka naman natatakot? Sa multo?" Tanong niya

.

"Hindi" sabi ko

.

"Eh saan?"

.

"Natatakot ako baka pagbalik ko sa kinatatayuan mo,wala ka na." Bulong ko. Bigla siyang umiyak. Tss. Parang baliw talaga to. Hinalikan ko ang forehead niya habang tinatanggal ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya.

.

"Teron." Malamig niyang tugon habang humihikbi. Tinitigan ko ang kanyang mga mata.

.

"Hmm?" Sabi ko habang patuloy pa ring tinatanggal ang luha sa pisngi niya.

.

"Buntis ako."