webnovel

I

Azela's

JULY 2016

Isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya.

"Azela naman! sinong ama niyan! Wala pang nangyayari sa atin diba!" sigaw niya sabay suntok sa pader. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Craig naman! Alam mo at alam ko na may nangyari!" sigaw ko pabalik. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata

"Walang nangyari sa atin Azela!" sigaw niya. Hinawakan niya ang braso ko patayo.

"Hahatid na kita pauwi. Uminom ka ba?" he asked. I can see that he is trying to calm himself. Tinanggal ko ang braso ko sa kamay niya.

"Go home. I can go home by myself." sabi ko sabay lakad palayo.

"Buntis ka sabi mo diba?" he said. Tumingin ako sa kanyang mga mata.

"Kung hindi mo ko kayang panindigan, then hiwalayan mo na ko." nahulog ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Kasalanan mo yan Azela. Kasalanan niyo yan ng lalaki mo! Walang nangyari sa atin!" he said. Sinimulan ko na ang paglalakad.

"Bakit mo ko niloko?" he asked. Napangisi ako. Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?

Craig's

"Bakit mo ko niloko?" i asked. Tinatry kong kumalma after all. Mahal na mahal ko siya. Pero alam ko na hindi ako ang ama ng dinadala niyang bata!

"Craig matapos mong gawin sakin yun you will ask that kind of question? " she said while wiping her tears.

"Siguro totoo nga ang sabi nila." i said.

"na ano?"she replied.

"na malandi k--"

hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sampalin niya ko.

"Hindi porket president ka ng Student Council ay may karapatan ka nang sabihin sa akin yan. I don't need a guy like you. Break na tayo." she said while walking away. Ito na ata ang pinakamasakit na araw para sa akin. Yung makita siyang naglalakad palayo mula sa akin. Hindi man lang niya ko nilingon. After all, hindi ako nagsisi sa ginawa ko. She deserves it. Wag lang niya mapamukha at mapagkalat na ako ang ama nun.

Naglalakad na ako pauwi nang may ma-realize ako.

Uminom kami ng tropa ko once at kasama ko siya nun. Hindi kaya??

Hindi. Hindi ikaw ang ama nun.