webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 39: Happy Endings?

KAISER'S POV

Pumatak nalang ang luha ko habang minamasdan si Erin na nakaupo sa isang sulok ng bakal na rehas ng kulungan ng mental hospital. Magulong-magulo ang buhok nito at parang batang hawak-hawak ang isang maliit na manika.

"Erin?" May halong lungkot na tawag ko dito.

Bigla itong napatingin sa direksyon ko. Mayamaya ay tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa rehas ng kulungan kung saan maaabot niya ako. Malungkot ito at mangiyak-ngiyak. Tinitigan lang ako nito ng mariin habang himas-himas pa rin ang manika niya. Ngunit di kalaunan ay bigla nalang itong tumawa. "Hahaha! Oh, my baby brother! Hahaha!"

"I'm glad that you still know me, Erin." Then I paused sabay balik ng pagtulo ng mga luha ko. "I never expected na magkakaganito ka."

Ang kaninang tumatawang si Erin ay bigla nalang kumunot ang noo. Sumimangot ang mukha nito at pagalit na sumigaw. "Bakit ka umiiyak?!! Sinong nagpaiyak sayo?!! Babae ba?!! Itong babae ba?!!"

Hindi na namin napigilan ang biglang pagwawala ni Erin. Hinatak-hatak nito ang buhok ng manika na wari'y sinasabunutan ito.

"Papatayin ko ang babaeng tu!!! Papatayin ko tu!!! "

Hinampas-hampas ni Erin ang katawan ng manika sa pader hanggang sa nagkaputol-putol na ang mga parte nito.

"Erin, please stop!" - Kaiser.

Mayamaya ay bigla naman itong kumalma at paiyak na lumapit pabalik sa rehas para mapalapit siya sa akin. "Pero wag kang mag-alala, ha? Pinapangako ko sayo na papatayin ko lahat ng babae na yan!"

"Erin, please. Wag mo ng pag-iisipin yan. Okay na ang lahat."

Biglang lumayo si Erin sa may rehas at pagalit ulit na nagwala. "Hindi! Hindi! Tatakas ako dito at papatayin ko lahat ng mga babae na yan!!! Papatayin ko yan!!!"

Napaiyak nalang ako habang hinahayaan lang si Erin na gawin ang pagwawala niya.

She really needs to be cured. I just hope that she will get well soon.

IVES POV

"Can we just stop doing this?" Biglang umunat ang mga tainga ko sa naging tugon ni Idette.

Stop doing this?

"Ha? What do you mean?" Pagtataka kong tanong pabalik.

"I don't want to be your hallucination girlfriend anymore." Diriktang sagot naman nito.

Kumirot ng bahagya ang puso ko. All this time, napapagod na pala siya sa set-up naming dalawa. Napayuko nalang ako. Hanggang halusinasyon nga lang ang relasyon namin, diba? Kaya hindi siguro tamang makita niyang nasasaktan ako. Kasi sa umpisa pa lang, malinaw na sa aming dalawa ni Idette na halusinasyon lang ito. Ibig sabihin... hindi talaga totoo.

"Hey." Pukaw sa akin ni Idette then she lifted my chin up para mapatingin ako sa kanya. "Why do you look sad?"

Mas sumikip ang puso ko nang makita kong pangiti-pangiti pa si Idette habang tinatanong kung bakit ba ako malungkot.

Eh, manhid ka pala Idette, eh! Tinatanong mo pa kung bakit ako malungkot! Kita mo ng nasasaktan ako dahil sa umpisa pa lang, totoo na yung nararamdaman ko para sayo!

"Hey." Pukaw ulit ni Idette sa akin. Hindi ko na pala namalayang nakatulala na ako habang nakatitig sa kanya.

Ngunit hindi pa rin ako nakaimik. Panay lang ang titig ko sa kanya while my eyes were in tears. Hindi ko na talaga napigilan.

"From the start, alam ko na, na may true affection ka na talaga para akin." Wika ni Idette. "And I have that kind of feeling din para sayo, Ives... Kaya, I have decided na maybe it's better for us to just stop this kind of game." Idette suddenly paused saka siya umimik ulit. "I don't want to be your hallucination girlfriend anymore, Ives... coz from now on, what I want... is to be your girlfriend for real!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa naging huling tugon ni Idette.

For real?? Teka, totoo ba tu?

"Hey, say something! Gusto mo ba?" - Idette.

"Of course! Of course! Gustong-gusto ko!"

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Idette. "I love you, Idette Muevas!"

Then I gave her a kiss.

RALD'S POV

"Alam mo bang ang saya ko ngayon?" Ani Fritzi habang nagbibisikleta kami sa loob ng village. I was on the right side of her riding my bike.

"Bakit naman?" Ani ko.

"Kasi okay na si Leira. At saka sa lahat ng nangyari nanatiling matatag ang samahan nating lahat bilang magkakaibigan."

Napakunot ang noo ko.

Lahat? Magkakaibigan? Kasali ba ako dun?

Bigla kong inihinto ang bike ko kaya gulat na gulat ding huminto si Fritzi.

"Hey, Rald. Bakit?" Ani nito sa akin.

"Kasama ba ako sa mga kaibigan mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Napangiti si Fritzi at lumapit sa akin kasama ang bike niya. "Oo naman."

Sa sinaad ni Fritzi ay nalungkot ako at napayuko nalang.

"Hey, what's wrong? Ang weird mo ngayon, ha." - Fritzi.

"Fritz, ayaw ko ng maging kaibigan mo."

Nanlaki ang mga mata ni Fritzi sa sinaad ko at hindi nalang napaimik.

"I'm sorry but I lied. At hindi ko na maitatago pa ito. Mahal kita, Fritzi... more than just a friend."

Walang ngiti. Walang lungkot. Walang ibang emosyon ang lumalabas sa mukha ko. Seryosong-seryoso ako habang matiyagang naghihintay sa magiging sagot ni Fritzi. Mayamaya ay bigla nalang itong ngumiti. Ngiting may halong saya.

Biglang napalukso ang puso ko.

Anong ibig sabihin nito?

Itinabi ni Fritzi ang bisikleta niya at lumapit sa akin at niyakap ako.

"Mahal din kita. Hindi mo lang alam."

CLOVIS POV

Napahugot bigla ako ng cellphone sa bulsa ko nang marinig kong nagri-ring ito habang naglalakad akong mag-isa sa isang park ngayon.

Calling... Sweetie.

"Si Sweetie Marx ko? Hala!" Kaagad kong pinindot ang answer key nito at sinagot. "Sweetie? Napatawag ka?"

"Nasaan ka ngayon?" Sagot naman ni Marx sa kabilang linya.

"Nasa park ako, eh. Bakit?"

"Ha? Ba't ka nand'yan? Nasa puso kita, diba?"

Napataas nalang ang dalawang kong kilay.

Ano na namang kababalaghan ang pinagsasabi nito?

"Ha? Ano?" Saad ko kay Marx.

"Sabi ko ba't ka nand'yan? Eh, nasa puso kita."

Natahimik lang ako.

Seryoso ba yun o joke?

"Cheesy line yun, sweetie. Kiligin ka naman sana."

Bigla akong napangiti. Gusto ko na sanang humagalpak ng tawa ngunit inipit ko nalang ang diaphragm ko. Ayoko din namang pahiyain tung sweetie ko sa ka-cornyhan niya.

"Wag mo ng ipitin yang tawa mo baka pumutok ka pa." - Marx.

Napataas ulit ang dalawa kong kilay. " Ha? Pansin mo?"

"Oo naman! Nandito lang kaya ako sa tabi-tabi. Hanapin mo ako."

Luminga-linga ako sa paligid. Wala namang Marx Alvares ang nakikita ko. Puro couples lang... Couples pa ulit... Couples nalang ng couples.

"Naku, wag na tayong mag hide-and-seek dito ngayon sweetie, ha. Lumabas ka na nga d'yan sa lungga mo."

Toot. Toot. Toot.

"Nag hang-up na? Adik na lalaki na yun, ah. San kaya yun?" Tanging naging tugon ko nalang sa kawalan.

"Sinong adik?" Biglang sulpot nalang nito sa likuran ko.

Walang kagulat-gulat ay kaagad akong humarap sa kanya. "Ikaw. Ikaw ang adik. Adik ka. May patago-tago ka pang nalalaman d'yan."

"Para naman you'll search for me."

Okay. Corny ulit.

Wala bang nakain tu kaya ganito tu?

"Di... Sinundan talaga kita." - Marx.

"Bakit naman?"

"Baka kasi mawala ka, eh... Mawala ka sakin!"

Pigil tawa.

Sweet na ba yon? Parang corny pa rin nu?

"Alam mo sweetie, feeling ko nalipasan ka lang ng gutom kaya ka ganyan." Pabiro ko namang hirit dito ng umawat na. "Mabuti pa kumain nalang tayo ng fishball. Halika, sweetie!" Hawak-hawak ko ang kamay ni Marx habang hinahatak ko siya sa may nagtitinda ng fishball. "Dalawa nga po." Order ko kay manong tindero. Hindi naman nagtagal ay inabot na niya ang dalawang naka-stick na fishballs. "Oh, sweetie o." Sabay abot ko sa kanya nung isa. "Kainin mo na rin yang stick ng tumino ka na talaga. Hahaha!"

"Sobra ka naman, sweetie."

"Loko lang." Sabay nguya ko ng isang bola ng fishball. "Pero mahal kita sweetie kahit ganyan ka."

"Ganito ako sweetie kasi mahal din kita."

Napangiti nalang ako sa naging sagot ni Marx. Kasabay nun ay ipinalipot ni Marx ang kaliwa niyang braso sa kaliwang balikat ko... Sabay hatak niya sa akin palapit sa kanya.

AYLWIN'S POV

Nakapikit lang ang mga mata ko habang nakakulob ng higa sa isang malambot na sofa. Pilit kong iniidlip ang sarili hanggang sa makatulog ako. Ngunit bigla nalang akong napabalikwas mula sa higaan ng maramdaman kong may biglang tumabi sa akin na umupo sa ibabaw ng sofa.

"Hi." Ngiti-ngiting saad ni Shah nang mapatingin ako sa kanya.

Kaagad akong tumabi sa kanya sa pagkakaupo sabay ayos ko sa sarili ko. "Oh, Shah. Ba't ka biglang naparito? Nagulat ako sayo, ah."

"Hehehe. Nag bake kasi ako ng cake, eh. Eto, oh." Sabay abot niya sa akin ng dala-dala nga niyang cheese coated cake. "Gusto ko sanang ipatikim sayo kaya dinalhan na talaga kita dito."

Napatitig nalang ako sa mukha ni Shah.

Napaasa ko ba siya kaya hindi na niya mapigil ang mga ginagawa niya para sa akin?

"Teka lang, ha. Isa-slice ko muna." Akma na sanang papatayo si Shah ngunit hindi niya ito nagawa dahil bigla kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"Shah."

Hindi na umimik pa si Shah. Sa halip ay umupo nalang ito pabalik.

"Para saan ba tung ginagawa mo?" Seryoso kong tanong dito.

"Para sayo." Dirikta namang sagot nito.

Napayuko nalang ako at napailing. "Hindi ko alam kung dapat ko ba tung sabihin sayo. Pero... gusto ko na sanang maging malinaw sa atin ang lahat, Shah."

Mariin ang mga tingin ni Shah sa mga mata ko.

"Nung gabing basang-basa ako ng ulan at dinala mo ako sa apartment mo dahil sa sobrang taas ng lagnat ko, narinig ko lahat... Lahat ng mga ibinulong mo sa akin, Shah."

"So, alam mo na? Alam mo na... na mahal kita, Aylwin?"

Napatango nalang ako at mayamaya'y umimik. "Napaasa ba kita?"

Biglang napayuko si Shah. Napansin ko ang mangiyak-ngiyak nitong mata, pero tinatago niya lang ito gamit ang ngiti niya. "H-hindi... Hindi mo ko napaasa... Sadyang ako lang talaga yung umasa, Aylwin." Sabay patak ng mga luha niya.

I lifted Shah's chin up para malinaw ko ang lahat sa kanya. "Shah, you're nice. At kahit sinong lalaki ay magiging swerte kapag ikaw yung minahal. But I'm not that man, Shah. I can't give you the love na gusto mo."

Bumagsak ulit ang mga luha ni Shah sa naging tugon ko. Tsaka ako bumuntong-hininga at nagsalita ulit. "You deserved someone better."

Pinahid-pahid ni Shah ang mga luhang nasa pisngi niya. "Okay lang... Okay lang... Tanggap ko na naman, eh." Saad naman nito sabay guhit ng pekeng ngiti. "Tanggap ko na... na hanggang friend zone mo lang ako. Hehehe... Pero atleast diba? Nagmamahalan pa rin tayo... Kahit bilang magkaibigan lang."

Pinipilit ni Shah na pigilan ang bawat pagpatak ng luha niya.

"Okay ba tayo?" Tanong ko dito.

Tumango-tango lang ito. "Oo naman... Friends... Friends tayo." Ngiti nito sabay abot ng kanang kamay niya para makipaghandshake.

Napangiti na rin ako at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Shah while I wiped away her tears.