webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 38: Friendship

KAISER'S POV

"The patient is already stable. Magigising na siya in no time... Miracle does truly happen!" Saad ng doktor sa amin ni Tita Alice.

Napayakap kaagad si tita sa akin kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa tuwa. "Salamat sa diyos! Salamat at nagising na din ang anak ko!"

Napangiti ako. At kagaya ni tita ay napaluha na rin. Bahagya akong napatingin sa itaas at bumulong sa sarili. "Salamat po, panginoon."

"But she still needs to be confined for her to fully recover. Maybe two weeks is enough. Sige, maiwan ko muna kayo."

"Sige, doc. Maraming salamat po." - Tita Alice.

"Thank you, doc." Saad ko naman at tuluyan na ring lumabas ang doktor sa pinto ng kwarto.

ONE WEEK LATER

"Tib, gusto mo bang pagbalatan kita ng mansanas?" Alok ko kay Leira habang nakaharap ako sa kanya ng upo sa ibabaw ng hospital bed.

"Sige, Tib." Ngiti-ngiting sagot naman sa akin ni Leira.

Kaagad akong umalis mula sa kama at kumuha ng isang mansanas sa lamesa. Binalatan ko ito at hiniwa-hiwa. Saka ako bumalik ng upo sa ibabaw ng kama dala-dala ang nakaplatong hiwa-hiwang mansanas.

"Subuan na kita." Alok ko kay Leira sabay subo ko sa kanya ng isang slice.

Bigla akong natigilan nang mapansin kong mariin ang mga titig sa akin ni Leira.

"Tib, bakit?" Pagtataka ko dito.

Pagkasabi ko niyon ay kaagad na hinawakan ni Leira ang kamay ko.

"Tib, I'm sorry."

Napataas ang isa kong kilay. "Bakit ka naman nagso-sorry, Tib?"

Bumuntong-hininga muna si Leira bago sumagot. "...Kasi hindi ako nagtiwala sayo... Kasi napag-isipan kita ng masama nung gabing nadatnan kitang may kasama kang ibang babae. Nagkulang ako ng tiwala sa pagbabago mo, tib. I'm sorry." At bahagyang napayuko ito.

Napaguhit nalang ako ng ngiti then I lifted her chin up. "You don't have to feel sorry."

Bumalik ng tingin si Leira sa mga mata ko.

"Naramdaman mo lang yung feeling na dapat mong maramdaman." Dagdag ko. "But it doesn't mean na I intentionally wanted to hurt you. Kasi kahit minsan, hindi sumagi sa isip ko na saktan ka."

Leira smiled. Kasabay ng pagpatak ng isang butil ng luha niya. Kaagad ko namang pinahiran ito gamit ang kamay ko.

"Thank you for your love, Tib." - Leira.

"Thank you for changing me." Seryosong sagot ko dito.

Mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Leira. Then I slowly kissed her forehead. Matagal bago ko inalis ang halik ko sa kanya. Madiin, matamis habang nakapikit lang siya.

I also kissed her cheeks. Then... Down to her lips... Mas madiin, mas matagal. Pero hanggang smack lang.

"Hi!!!"

Bigla kaming nagulantang ni Leira nang walang katok-katok ay biglang bumukas ang pinto ng private room ng ospital. Ngiti-ngiting nagsipasukan sina Ives with Idette, Rald with Fritzi, Marx with Clovis, and Aylwin with Shah.

Aylwin with Shah? Anong meron sa dalawang ito? Bagong lovers ba?

Napalihim nalang kami ng tawa ni Leira. Pareho kasi naming naisip na muntik na sana nila kaming mahuling nagsa-smackan.

"Uy, anong meron? Parang ang saya niyo, ah." Pansing saad ni Clovis sa amin.

"Nakaistorbo yata tayo, eh. May ginagawa ba kayo?" Pabirong hirit naman ni Marx.

"Wala, ah! Loko kayo!" Patawang reaksyon ni Leira dito.

Kaagad naman akong napatayo at tinulungan silang ayusin ang mga pagkaing dala nila.

LEIRA'S POV

Masayang-masaya ako kahit naka-confined pa rin sa ospital na ito. Dahil sa ngayon ay kompleto kami sa loob ng kwarto.

"We're really glad na okay ka na, girl." Saad ni Fritzi habang tumabi siya ng upo sa ibabaw ng tinutungtungan kong hospital bed.

"Ako din naman, Fritz." Sabay hawak ko sa kamay niya. "Salamat sa inyo at hindi niyo ako pinabayaan." Dagdag ko while smiling.

"Syempre naman, girl." Sambit naman ni Idette at lumapit sa tabi ko. "Friend ka namin kaya hinding-hindi ka namin iiwan. Diba, guys?" Baling niya ng tanong sa lahat.

"Oo naman." Sagot ni Shah habang tumango-tango lang yung iba.

"So, let's drink to that?" Biglang sigaw ni Ives sabay taas ng hawak-hawak niyang baso na wala namang laman.

Tinignan ko si Kaiser at nakita kong kumunot ang noo nito. "Hoy, Ives! Anong 'let's drink to that' ang pinagsasabi mo d'yan? Ano? Maglalasing tayo dito sa loob ng kwarto ng ospital? Gusto mo bang makaladkad tayo ng mga guwardiya palabas?"

Tumaas lang ang isang kilay ni Ives. Wari'y nagtataka ito sa naging reaksyon ni Kaiser. Mayamaya ay ngumiti na lamang ito at tumawa. "Hahaha! 'Let's drink juice to that' ang ibig kong sabihin. Hahaha! Kaiser talaga oh, masyadong seryoso."

Di kalaunan ay nahawa na din kami sa tawa nito. Pati na din si Kaiser. "Loko ka kasi, Ives! Akala ko naman gusto mo ng mag-inuman. Pahingi nga ng juice na yan." Sabay hatak nito sa isang basong juice na iniinom ni Ives.

"Kuha na din kayo ng sa inyo guys, oh." Pukaw naman ni Aylwin sa lahat habang pinupuno niya ang mga plastic cups ng juice. "And for our beautiful sexy patient... Here's your one cup of juice with love." Pambobolang tugon ni Aylwin sabay abot niya sa akin ng baso.

"Thank you, Aylwin." Saad ko.

"May dala tayong moist chocolate cake diba? Asan na yun?" - Rald.

"Nandito!" Sagot ni Idette at kaagad niyang kinuha ang nasabing cake sa lalagyan nito.

"Wow! Ang sarap naman n'yan." - Leira.

"Humiwa na tayo ng mga slices ng makakain na tayo!" - Marx.

Hiniwa nila ang nakakatulong laway na moist chocolate cake. Nagkanya-kanya na sila ng kuha habang sinubuan namin ako ni Kaiser. "Ong sorop nomon! No-moss ko to." Puro O kong reaksyon dahil nga my mouth is full of cake... very full!

"Wag ka munang magsalita, Tib. Baka mabulunan ka." - Kaiser.

"Ang takaw mo ngayon BF, ha! Hahaha!" - Clovis.

Umapprove sign lang ako.

"Guys, picture tayo!" - Fritzi.

Ngiti-ngiti namang napatango kaming lahat. At dahil nga nag group selfie, kanya-kanya na kaming gawa ng iba't-ibang klase ng ngiti. Syempre, pumagitna ako habang nakaupo lang ang posisyon sa ibabaw ng hospital bed.

Hindi mapawi ang mga ngiti ko habang minamasdan ko sila na masayang-masaya sa bawat trip na naiisipan naming gawin.

Sabi nga nila, a friend is one who knows you and loves you just the same. Kaya hindi maipagkakailang sa oras ng kasayahan at lungkot, we always flock together. At masasabi ko na talagang I have received the greatest gift of life, it's simply because I have them. Ang mga tunay kong kaibigan!