webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 36: Keep The Faith

LEVI'S POV

"One ball to go, bro. Panalo ka na!"

Buong pasikat kong tinira ang target kong billiard ball gamit ang billiard cue. At boom, pasok! I won the 8-ball game.

"Hindi ka pa rin kumukupas, Levi!" Hangang-hangang bulalas ng kalaro ko.

"As you can see." Sabay buga ko ng usok ng hawak-hawak kong sigarilyo.

"Shanga pala, dude... Kamusta na nga pala yung babaeng binawian mo ng buhay? Inuuod na ba?" Biglang biro nito sabay tawa ng pilyo.

Lumingon-lingon ako sa paligid, checking kung may iba bang nakarinig sa biglang lagaslas ng lokong lalaking ito. Nilapitan ko siya sa tainga sabay bulong ng maangas dito. "Can you just shut up?! Mapapahamak tayo d'yan sa katabilan mo, eh!"

Almost 20 years of living, but I'm still on my freedom. Ang dami ko ng nagagawang criminal cases mula nang nakapasok ako ng DB. Kaya wala ng kakaba-kaba kung gagawa pa ako ng isa pa.

Ako yung someone na nagmatyag sa bawat kilos nina Kaiser. Ako yung someone na nagsumbong sa unti-unti nilang pagbabago kay Erin. At ako yung someone na pumatay kay Grizzel.

Patuloy lang ako sa paghithit ng sigarilyo ko nang biglang pinukaw ako ng isang suntok. Bigla akong tumilapon at bumangga sa billiard table. "Pucha!" Sigaw ko dahil sa gulat.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Aylwin sa harapan ko habang nakatiklop ang kanang kamao nito.

"Aylwin?!"

"Oo, hayop ka!"

Hindi na ako nakaalma pa nang buong lakas na hinatak ni Aylwin ang damit ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Putang ina mong pucha ka!!!"

Nakatanggap ulit ako ng suntok kay Aylwin sabay tilapon ko ulit sa may billiard table.

"Tarantado ka, Aylwin! Ano bang pinagpuputok ng buchi mo?!!" Angas kong saad sa kanya sabay pahid ko sa gilid ng labi kong duguan.

"Wag ka ng magmalinis pa, Levi! Alam ko na lahat ng kahayupan mo!"

Muling hinila ni Aylwin ang damit ko at galit na galit na bumulong. "Kulang pa ang mga suntok ko para mabayaran mo ang ginawa mo kay Grizzel! Pero pinapangako ko sayong hindi matatapos ang araw na ito na hindi ka mababagsak sa kulungan!!!"

Buong lakas kong itinabig ang mga kamay at katawan ni Aylwin palayo sa akin then I gave him a smirk. "Wooh! Nananakot ka ba?! Eh, san na yung mga pulis mo ngayon?! May dala ka?!"

Laking gulat ko nang may biglang pumalibot na metal sa dalawang kamay ko na sadya talagang hinila mula sa likuran. At nang tinignan ko ito... Posas! Na sadyang nilagay ng mga pulis sa likuran ko.

"Your freedom is over, Levi. Arestado ka na!"

"Pucha ka, Aylwin! Pucha ka!"

Ngiti nalang ang naging sagot ko.

Sa wakas, nakamit mo na rin ang hustisya, Grizzel.

ONE MONTH LATER

KAISER'S POV

Nakahawak ang dalawang kamay ko habang umiiyak akong nagdadasal sa maliit na prayer room ng ospital. Isang buwan na... Pero hindi pa rin gumigising si Leira.

Bigla akong napukaw nang maramdaman kong may biglang tumabi sa akin.

"Tita?" Saad ko dito. Si Tita Alice, ang mommy ni Leira.

Umiiyak din ito habang tinitignan ang larawan ng panginoon sa may altar.

"Kailan pa ba magigising ang anak ko? Sabik na sabik na akong marinig muli ang boses niya."

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Hindi ko din po alam, tita. Pero yun lang po ang laging pinagdadasal ko... Na sana po, gumising na si Leira."

"Hindi ko alam kung ano bang nagawa ng anak ko para mangyari sa kanya ang lahat ng ito. She doesn't deserved all this pain."

Bigla akong napayuko sa sinaad ni tita. Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako.

"Dinanas niya po ang lahat ng ito simula nung pinili kong maging parte siya ng buhay ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nadamay siya sa gulo ng pagkatao ko. Napahamak siya dahil sa kapatid ko." Sabay patak ulit ng luha ko.

Awang-awang tinignan ako ni tita. "You don't have to feel guilty, Hijo. Maybe your sister was just out of her mind."

Napatingin ako ng diretso sa harapan at kinalma ang sarili ko. "She was really out of her mind, tita. At napag-alaman nalang natin na wala na pala siya sa sariling katinuan. All those times, baliw na pala ang kapatid ko. Baliw na pala si, Erin. Hindi ko man lang namalayan."

"But at least now she's in good hands. Ginagamot na siya habang kinukulong sa mental hospital para naman nasa katinuan na siya kapag hinarap na niya yung sintensya niya."

Tumango-tango nalang ako. "Sa tingin niyo ba tita, tama yung ginawa ko na ipinaglaban ko si Leira?"

"You made the right choice, Hijo. Ang swerte ng anak ko dahil nakatagpo siya ng lalaking mamahalin siya at ipaglalaban siya hanggang sa huli. Sana lang ay hindi ka magsasawang ipadama sa kanya ang pagmamahal mo, Hijo."

Napangiti ako kay tita. "Pinapangako ko po sa inyo, tita. Hinding-hindi na po ako magbabago dahil binago na po ako ng anak ninyo."

"Then I think all you need is a wedding." Pabirong saad ni tita in spite of all the trials na pinagdadaanan namin ngayon.

Napangiti ulit ako. "Bakit naman po hindi, tita. Pero siguro sa ngayon, miracle is all we need for her."

Tita Alice sighed sabay balik niya ng tingin sa larawan ng panginoon. "She will surely open her eyes. Let's have faith!"

At kagaya ni tita, I looked at Jesus Christ' image... with faith!