webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 35: Half Dead

LEIRA'S POV

"Leira! Leira! Please, hintayin mo ako! Kausapin mo ako!" Dinig na dinig kong sigaw ni Kaiser habang sinusundan niya akong tumatakbo palayo sa kanya.

Hindi ko siya nilingon.

Wala na tayong dapat pag-usapan, Kaiser! Klaro na sakin ang lahat! Niloko mo lang ako!

"Please, Leira! It's not what you think!" - Kaiser.

Huminto ako sa pagtakbo at lumuluhang galit na galit na nilingon siya mula sa likuran.

"It's not what I think?! Bakit? Ano pa bang dapat kong nakita para maisip kong niloloko mo lang ako?!! Ha, Kaiser?!!" Mas lalong lumapit si Kaiser sa harapan ko while his eyes were already filled with tears.

"I'm sorry." Sabay hawak niya sa magkabilang braso ko. "Pero sana maniwala ka sa akin... Wala akong balak na saktan ka!"

Sa galit ay itinabig ko ang kamay niyang nakadampi sa braso ko. "Kaiser, sinaktan mo na ako!... At ang maniwala sayo?? Hindi ko na alam kung magagawa ko pa!"

Napayuko nalang si Kaiser sabay patak ng mga luha niya, pero hindi pa rin ako natinag. Buong-buo pa rin yung galit ko at hinding-hindi ako madadala sa iyak niya.

"Akala ko nagbago ka na! Kinalimutan ko lahat ng kawalanghiyaan mo noon so that I could start a new beginning with you! Pero anong ginawa mo?! Pinakita mo lang sakin na hindi mo talaga kayang magbago!"

"No, no, Leira! Please, wag mong isipin yan! Binago ko ang sarili ko para sayo dahil mahal na mahal kita!" Kontra ni Kaiser kasabay ng pagpipilit niyang paghawak sa kamay ko pero hindi niya magawa dahil inilalayo ko ito sa kanya.

"Gusto ko sanang maniwala. Pero, Kaiser... nahihirapan ako!" Huling tugon ko sabay talikod at takbo ulit palayo.

Diri-diretso lang ako habang umiiyak. Sobra akong nasaktan sa nakita ko. Para akong pinatay dahil sa mga naging expectations ko sa kanya... na tuluyan na nga siyang nagbago.

Sa kakatakbo ko ay narating ko na ang gawing gilid ng public highway. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang nasa gitna na ako nito. Ngunit laking gulat ko nalang nang may biglang umilaw na headlight ng kotse at humarurot ito ng takbo patungo sa direksyon ko. Nanlaki nalang ang mga mata ko. Hindi ko na nagawang umiwas pa. Napako nalang ako sa pagkakatayo sa gitna ng daan habang tuluyan na nga akong binangga ng kotse.

Dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga, tumilapon ako sa kabilang dulo ng kalye at bumagsak ang ulo ko sa isang matigas at malapad na bato.

"Leiraaaa!!!!!" - Kaiser.

Saka ako nawalan ng malay.

KAISER'S POV

"Leiraaaa!!!!!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong takbuhin si Leira habang kitang-kita ko kung paano siya tumilapon at bumulagta nang banggain siya ng kotse.

"Leira!!!" Kaagad kong siyang nilapitan. Ngunit mas lalo akong kinabahan nang madatnan kong duguan na ang ulo niya at nawalan na siya ng malay. "Leira, please! Gumising ka!" Yakap-yakap ko si Leira habang umiiyak akong nakaupo sa tabi ng nakabulagtang katawan niya.

"Kaiser! Anong nangyayari??"

Napalingon ako sa gawing likuran ko at nakita kong papalapit sa amin si Aylwin.

"Aylwin! Tulungan mo ako! Si Leira!" -Kaiser.

"Aylwin!" - Shah.

Sabay kaming napalingon ni Aylwin sa gawing likuran niya at nakita namin si Shah habang pababa sa dala-dala niyang sasakyan. Katabi nun ay ang kotseng bumangga kay Leira. Gusto ko sanang sugurin ang taong nasa loob nito ngunit hindi ko magawang iwan si Leira.

Pero mayamaya ay may bumabang tao dito.

"Hahaha! Sinabi ko na sayo, Kaiser... Hinding-hindi kayo magkakaroon ng happy ending ng babaeng yan! Hahaha!"

"Hayop ka talaga, Erin!!!" - Kaiser.

Hindi nagtagal ay biglang umalingawngaw sa daan ang mga wang-wang ng police mobile.

"Tumawag na kaagad ako ng police kanina nung malamam kong may gulo." - Shah.

Tarantang-tarantang pumasok ulit ng kotse si Erin, nagbabakasakaling matatakasan niya ang mga pulis. Pero huli na ang lahat dahil naharang na siya ng mga ito at tuluyan ng nadakip.

"Pagsisisihan niyo ito, Kaiser! Pagsisisihan niyo ito!" - Erin.

"Leira! Leira!" Balik pukaw ko kay Leira habang akay-akay ko siya sa bisig ko.

"Kais, dalhin na natin siya sa ospital!" - Aylwin.

Dali-daling ipinasok namin si Leira sa loob ng ER ng ospital.

"Sir, hanggang dito nalang po kayo." Sabay harang ng nurse sa akin para hindi ako tuluyang makapasok sa loob ng kwarto.

"Please! Do everything for her! Please!" Tumango-tango nalang ito.

Ilang oras din kaming naghintay ni Aylwin at Shah sa labas ng ER. Nasa loob ko ang takot habang nakaupong nakasandal sa may pader. Puno ng lungkot ang mukha ko habang nakayuko. Parang bumabalik sa akin yung takot nung namatay si papa at hindi ko na kakayanin kung pati si Leira ay mawawala rin.

"She'll be fine." Pagpapalakas-loob na pukaw sa akin ni Aylwin.

Mayamaya ay lumabas na din ang doktor. Kaagad akong tumayo at lumapit dito. " Doc, how was she???"

Bahagyang bumuntong-hininga ang doktor. Mas lalo akong kinabahan. Hindi magandang senyales ito!

"She's under comatose." Malungkot na sagot ng doktor.

Nanlumo ako sa narinig. Mas lalong sumikip ang puso ko.

"Please, prepare yourselves... Only miracle can save her."

Parang pinunit ang puso ko sa narinig.

Then my tears just started to fall.