webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 89: Huli in cam

"Uy gurl!.." may tumapik saking likod. Nasa likod ako ng room namin. New assign area.

Kunot noo kong binigyan ng atensyon ang baklang nakangisi na. Alam ko na kung bakit ganyan mukha nya. Kinikilig. Ampusa!..

"Ano!?.." pinanuod ko pa kung paano nya ako inirapan. Binuksan ang kanyang pamaypay bago bumuka ang kanyang bibig. Susmiyo!..

"Bakit Winly?. Busy ako?.." tinalikuran ko agad ito. Inatupag ang paghahakot ng mga dahong nahulog galing sa puno ng acacia.

"Grabehan sya. Narinig mo na ba yung balita?.."

"Na ano?.. Wala akong oras dyan..." sabay lagay ng mga nahakot na dahon sa sakong nakatayo. Sa school kahit private. Tinuturo pa rin samin kung paano maglinis at maging responsible sa lahat ng bagay. Hindi porke nasa maayos at matayog raw na eskwelahan kami nag-aaral ay dapat na kaming makapante. Kailangan daw naming matutunan kung paano mabuhay ng simple, ng payak, ng normal sa kabila ng kasaganahan ng aming buhay. Di ko rin alam kung bakit nagustuhan ng mga magulang namin yung batas nila. Siguro sa values and good morals na tinuturo nila. Gusto nilang lumaki ng tama ang mga bagong henerasyon. Tulad namin. Kaya eto, naglilinis kami kahit ayaw pa namin.

"Sus!.. kunyari walang alam. Bingi ba yang tainga mo gurl o sadyang ayaw mo lang makinig?. Ikaw kaya topic.."

I knew it!. Tinapos ko ang paglilinis bago ko sya hinarap.

"Eh ano naman kung ako ang topic?. Wala akong pakialam dun.."

"Really?!.." tukso nya sakin. Damn his or her!. Or whatever it is.. Just Damn it!...

"Hello.. hindi lang kaya ikaw topic. May kasama ka gurl.." pitik nito sa noo ko. Bwiset!..

Napapikit tuloy ako.

"Oh e ano naman?." hinihimas ang pinitik nyang noo. Hindi naman masakit pero di ko alam kung bakit ako napahawak dun. Sa kaba siguro.

"Sussss!!..kunyari talaga to.. Gusto mo lang marinig buong kwento eh.."

"Whatever!.." Ang arte mo Bamby ha!. Batukan kita dyan e.. Sarap kutusan ang nguso mong humahaba. Pabibe masyado. Ampusa!.

Lalayasan ko na sana sya pero kinorner ako ng bakla. Kasama pa sina Karen, Billy, Bryle at Aron.. Damn!.. Saan sila galing?.. Bwiset!!.

"Kayo na ba talaga ni Jaden?.." direkta na nyang tanong. Sa akin lahat ng mata nila. Nagtatanong. Nanghuhusga. Nag-aantay. Kumikinang.

"Hi--ndi.. sino namang nagsabi nyan?.." hinawi ko sya patagilid para makadaan ako pero tinulak lang nila ulit ako pabalik sa gilid ng mga halaman. Suskupo!. Ayoko na!. Uuwi nalang ako.

"Duh?!.. May nakakita sa inyo sa mall gurl. Deny pa more..." halakhak nya. Ngumisi naman ang iba.

"Sino?.. uupakan ko.." lakas ng loob ko diba. Pero deep inside, kanina pa ako tunaw. Tunaw na tunaw sa mga sinasabi nila. Kung pwede lang. Kung alam lang nila. Na gustong gusto kong sagutin sila ng oo, kami na nga. Kanina ko pa ginawa. O, di kaya, di nila kailangan pang ipagkalat dahil ilalagay ko ito mismo sa Facebook status ko with him. Proudly saying his mine. But nah!. It's not that easy coz it's not true. We're not together. And he's never be mine.

"Nakita kayo ni Kian Lim with the gang sa mall. Habang naglalakad. Nakaakbay raw sya sa'yo.. tatawagan nila sana kayo kaso raw baka mudlot date nyo.. kaya eto nalang ginawa nila.." I'm done!. Natulala ako sa sinabi ni Karen. Damn!. May iniabot sakin si Aron. Phone nya ata. Habang nanginginig ang kamay ko, pinilit ko itong kinuha at tinignan ang laman.

"Hell shit!.." Wala sa sarili kong mura. Nagtawanan sila.

Eto yung galing kaming escalator. Hinila ako pabalik saka inakbayan. Malaki ang kanyang ngiti dito. Parang manalo ng loto. Kabaliktaran ng aking mukha na parang nalugi sa negosyo.

"Swipe for more.." utos pa ni Aron habang dinudungaw ako. Malaki ang ngisi. Shems!....

Ginawa ko nga ang inutos nya. Sa isang litrato, nasa tabi ako ng poste, si Jaden sa harap ko nakapaywang. Mukha syang tatay na nanenermon ng anak. Damn Bamby!..

"More please.." halakhak pa rin ni Winly.

Pilit kong pinindot ang screen ng cellphone kahit naningas na ito sa lamig. Gosh!. Baka kamatis na ako nito. Kulang nalang iluto.

Nalaglag ang panga ko sa isa na namang litrato. Hawak ni Jaden ang ilong ko saka parang hinahalikan sa noo. Na noon ay may binulong sakin. Damn it!..

"Next..." nagkatuwaan na sila.

"Uyyyy!..." Tinutukso na ako.

"Boys tama na yan. She already froze..." Ani Karen. Sabay hila ng cellphone sa kamay ko.

"Karen, wait lang. Last na eh.." kinuha ni Aron ang cellphone sa kanya tapos binalik sa kamay kong nakataas lang. Sabi ko.nga kanina. Nanigas. Kaya ganun lang.

"You need to see this.." nilahad nya sa mukha ko ang picture namin sa jeep. Yun yung nakasandal ako sa kanyang dibdib. Sa kuha, parang yakap nya ako.

"Oh my God!..." tinakpan ko agad ang aking mukha. Sobrang nahihiya ako. Oh my goodness!!..

Nagtawanan sila sa reaksyon ko. Tinukso at ginulo. Pinilit paaminin pero wala silang nakuha sakin kundi iling.