webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 78: Weak

"O san na tayo ngayon?.." Ani Poro na binulungan agad ni Aron. Wala nang gaanong tao sa gym. Ang buong team nalang ng silent warriors kasama kami ang naiiwan. Saka pala ang ibang babae na umaaligid sa mga lalaki. Tama nga ako. Sila yung tumili kay Kuya kanina.

"Hi.." sabay sabay nilang tulak ang isang babae na mahaba ang buhok kay kuya Lance na hindi magkandamayaw ang ngiti. Sumasayaw ang mahaba at itim na itim nitong buhok sa bawat galaw ng katawan nya. Pano ba magpahaba ng buhok?. Gusto ko rin ng ganun. Tsk.

Kinantsawan nila si kuya na kumakamot lang ng ulo sa kaharap. Suskupo!. Kunyari nahiya pa. Lance Eugenio!.. You need to go home. Now!!. Gusto kong isingit na sa kanila pero naunahan na nya ako.

"Hi.." All right!. He's on asshole mode. Naglahad sya ng kamay sa babaeng maganda, maputi at makinis. Nahihiya naman itong kunin ang kamay nya. Damn!. Umirap ako sa pagiging corny ni Kuya. Like seriously?. Kanina ang drama nya, tapos ngayon?. Lumalandi?. Sarap talagang sapakin..

"Bes, okay ka lang?.." ikinawit ni Joyce ang braso nya sakin. Pumikit muna ako bago nagmulat ng mata na eksakto pa sa kanya.. Kay Jaden na nakatayo sa likod nila Kuya. Malungkot na nakatingin sakin. God!. Those eyes again!.. Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka sya sinagot.

"Ayos lang ako.."

"Di nga?.." siniringan ako ng may ngisi sa labi.

Yeah right!. Nalaman nya agad na may problema ako.

"Bakit?.." patuloy nyang tanong. Abala pa rin sila sa mga babaeng nakikipagtawanan sa kanila. Boys will forever be boys!. Iling ko sa naisip.

Panong di nila malubayan ang mga ito. Yung shorts nila, sobrang iksi. Short shorts with the cropped top. Suskupo!.. Sa bahay lang ako pwedeng magsuot ng ganyan. At exclusively, sa kwarto lang. Bawal in public by their order. Nila Kuya at Papa.

"Si kuya kasi, ayaw nya akong lumapit sa kanya.." kahit di ko pa banggitin ang pangalan nya. Sigurado akong alam na nya kung sino ang tinutukoy ko.

"Kay Jaden?.." Anya.

Tumango ako.

"Nakatingin sya sa'yo Bamby..". tumili pa ng mahina sa tabi ko. Akala ko wala na syang sasabihin pero meron pa pala. "Ngayon kung gusto mo talagang kausapin sya, puntahan mo na. Hindi yan mapapansin ng kuya mo kasi busy naman.." nilingon ko ang gawi ni Kuya. Oo nga. Abalang abala. There. Maging busy ka lang. Bad Bamby!!.

"Sige. Susubukan ko.." tinulak nya ako bahagya upang lapitan ng tuluyan si Jaden na nakatingin lang sakin ng blangko. Hell shit!. Do I need to do this?.. Do it Bamby!.. Bulong ng demonyo sa kabilang utak ko. DAMN Bamby!. Sometimes you have to break the rules too. Suskupo!.. Bad influence!.

"Bamby, tara na.." natigilan ako ng marinig ang boses ni Kuya. Naman!. Bakit ngayon pang nasa harapan na nya ako. Ampusa!!..

Kumurap kurap lang ang mata ko sa mata nyang kumikislap. Kinakausap ako sa pamamagitan ng titig.

"Bamby!!." tawag ulit nya. Dammit!. Damn him down to his core!!..

"Sandali kuya.." pigil ko. Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob sa mga mata nyang nakatitig lang sakin.

Oh gosh!..

Crsuh kita Jaden. Kung sana ganun kadaling sabihin sakanya na gustong gustong gusto ko sya. Higit pa sa gusto ko sya ay matagal ko ng nasabi sa kanya. Pero damn!. Para akong nasa bangin na, mas gugustuhin ko nalang mahulog kaysa umamin sa kanya..

"Bakit?.." basa ko sa kanyang bibig. Hindi ko marinig dahil sa kabog ng aking dibdib

"Ah.." nangapa ako bigla. Nawala ng parang bula ang nasa isip ko kanina.

"Bamby Eugenio!.." madiin na tawag ni boss. Kapag buo na ang pangalan kong binigkas nya, sigurado akong galit na ito.

Kagat ang labing pumikit ako saka dumilat at ngumiti nalang sa kaharap.

"Ah. hehe. Uwi na tayo.." Ang tanga lang Bamby. Bat kasi di mo nalang sinabi agad?. Nawala na naman ang nag-iisang tsansa mo.