webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 63: I'll try

Akala ko tapos na ang pangangaral nya pero nagkamali pala ako. Hawak ang manibela at sa harap ang mata. Nagsalita ulit sya. "Oo sayo, masakit yung ginawa nya. Pero sa tingin mo rin ba, madali rin sa kanyang gawin yun sayo?.."

"Who knows?..." masakit talaga ang loob ko kay Joyce. I know, it's not really a big deal. But for me, it is. Tinawag nya akong malandi kahit hindi naman. Yun ang ayaw ko. Kahit ano atang paliwanag na gawin ni Kuya sakin. Di ko pa rin sya magets.

Lumalim ang kanyang paghinga. Nauubusan ng pasensya. "Kaibigan mo sya Bamby. Kilala mo ang pagkatao nya.." he continued.

"Kilala ko nga sya. Pero nag-iba na sya. Hindi na sya yung dati."

"Pano mo nasabing hindi na sya yung dati?. May nagbago ba sa kanya?.."

May nagbago ba sa kanya?. Parang wala naman. Tanong ko sa aking sarili. Umiling ako sa kawalan. "Kaya posibleng may pinagdadaanan talaga sya.." Anya.

"Why are you defending her huh?.." kanina pa nya pinagtatanggol e.

"I'm not.."

"You are Kuya.. why?. may alam ka ba tungkol sa kanya?.."

"Nope.." tanggi nya. Utal pa. Something new about him huh. Ampusa Kuya Lance!. What's up on you?..

"Stop denying. You're on her side.." di ko na malunok ang huling inumin saking lalamunan. Bigla itong nagbara.

"I'm not..It's just that--.."

"See?.."

"Finish me first please.." inis na ito. Salubong na ang kanyang kilay. Ipinaubaya ko na sa kanya ang lahat. "I know what she felt right now. She's hurt. I''ve been to her situation back then.. And I know how it feels.."

"You've been what?.." pagtataka ko.

"Someone betrayed me. Not my best friend but a friend."

"Who?.."

"You don't have to know. Hindi mo sya kilala.."

nagkibit na lamang ako ng balikat. "What happened then?..."

"Inaway ko sya dahil nagselos ako sa kanya. Lagi nyang kasama ang babaeng nililigawan ko. Nagsuntukan kami. Ang malala pa, nag drop out sya sa school. Hindi ko alam na malaki na pala problema nya. At ang tumutulong sa kanya ay yung babaeng gusto ko na pinsan pala nya. Damn!. I was so busted that time. Too late when I realized that I was.wrong. And it's too late also to get apologize for him.." bigla ay naging malungkot ang kanyang boses.

"Why?.."

"Because... he was gone.." shhhh!... Dunno what to say.

"Kaya kahit mahirap umintindi Bamby. Try to understand a little more. Para hindi ka magsisi sa huli. Gaya ko.."

I'll try. I'm not going to make a promise. but I try my best to talk to her soon.

"Tsk.. Tama na nga drama. You wanna go home?.." humagikgik ako sa sinabi nya. Bakla talaga ang pusa!... Ako nga dapat ang magdrama e. Bumaligtad. Ampusa. Sya ba bida rito?. Ako diba?. Lols.

After ng motivational speech nya. What Bamby?.. You crazy!. Yun nga. Pagkatapos nya akong pangaralan. Umuwi na kami. Hindi na mugto ang mata ko. Hindi na rin mabigat ang dibdib ko. Sa mga narinig mula sa kanya. Naging bukas pa ang isip kong kausapin sya kahit ayaw nya.