webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 64: Witch

It's a brand new day. And I hope it's a good day also. Hindi ko alam kung pano papasok ng room. Nahihiya ako sa nangyari kahapon. Really?.. Hell shit!. What em gonna do?..

"Bamby, it's late. Wake up.." kumatok na si Kuya Lance. Kanina pa ako bihis. Nakaupo lang ako sa harapan ng salamin. Naghihintay ng bawat pitik ng oras.

Dinampot ko ang aking bag saka lumabas na ng kwarto.

"Ang aga ha.. Nice one,." galing sya sa kwarto ni Kuya Mark. May hawak na medyas. Nanghiram na naman ang loko. Ay di pala hiram. Puslit. Mahilig mangpuslit ng damit ni Kuya kapag tulog ito. Triper talaga.

Ginulo nya pa ang buhok kong maayos na nang lampasan ako patungong kwarto ko. "Baba ka na. Pakiantay ako ha.. good morning.." dungaw nya sa pintuan ng kanyang kwarto bago tuluyang sinara. Bwiset!.. Guluhun ko kaya buhok nya mamaya tignan natin kung good pa ang morning nya. Be ready Bamby!..

"Good morning anak.." nasa bukana palang ako ng pintuan patungong kusina ay binati na ako ni Mama. Abala na ito sa mesa.

"Morning po Ma.." sabay halik ko sa kanyang pisngi.

"Kuya Lance mo?.."

"Nagpapalit pa po ata. Pumuslit na naman sa kwarto ni Kuya Mark.."

"Tsk. Tsk.. batang yun..di na naman nakinig sa Papa nyo.."

"Good morning beautiful ladies.." masiglang bati nya samin. Niyakap nito si Mama. Saka naupo sa harapan ko. Di ko abot buhok nya. Kaya saka nalang.

"Kain na. Baka malate kayo." nilapag na lahat ni Mama sa mesa ang pagkain.

Normal days. Magkasama na naman kaming pumasok. Gaya ng dati. Sa parking lot na ako bumaba.

"Bamby,.." tawag nito sakin pagkababa.

"Hmm?.."

"Yung sinabi ko kahapon dun sa dalawa. Seryoso ako dun. At hindi lang sila ang ayaw kong lapitan ka. Ikaw rin. wag nang lumapit sa kanila. Malinaw ba?. Para iwas gulo.." nagkamot ako ng ulo sabay alis. Tinawag pa ako ng isang beses. Naghihintay sakin.. "Opo Kuya.." sagot ko kahit nakatalikod na sa kanya.

Nang nasa gym na ako. Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga matang nakamasid. I don't want to ruin my bright day.

"Hi Bamby.."

"Hello.." may iilang bumati sakin, tipid na ngiti naman ang binigay ko sa kanila bago ako nakarating ng room.

"Hello gurl. Maganda ka pa sa umaga.." yumakap pa ang bakla. Wala pang gaanong tao.

"Maganda ka rin sa umaga gurl.." ngiti ko sa kanya. Binuksan na naman ang pamaypay bago ako inirapan.

"Umaga lang ba gurl?. Ang unfair ha..."

Humalakhak ako.

"Hahahaha.. Ewan sa'yo.."

Maya maya. Dumikit ito sakin. Mukhang may ibubulong. "Kahapon, nung umalis kayo. Hindi pa natapos ang palabas.." iniwan kong nakabukas ang aking bag. Makikinig muna ako sa sasabihin nya. Parang importante e.

"Bakit?. Anong nangyari?.."

"Si Joyce gurl. Kawawa. Api-apihan kahapon."

Hindi ko mahanap ang tamang titik para magsalita. Maraming nabubuo pero wala akong makita sa kanila.

"Si Denise. Bruha sya. Sinabunutan pa nya si Joyce."

"What?.."

"Sssshhhh!... wala ng gaanong tao kahapon. sina Ace at Jaden, umalis na rin pakaalis nyo. Kami nalang ang naiwan. Kaya konti lang ang nakakaalam. Magpinsan pala silang dalawa gurl. Tapos sinumbatan pa nya si Joyce sa pagtira sa kanilang bahay.."

"What?.."

"At eto pa, sya pala ang dahilan kung bakit kayo nag-away.."

"What?!.."

"Stop that what thing gurl. Di ko keri yang englishan mo.."

"E ano nga?.."

Nasa gilid na kami ng room. Likod ng isang book shelves. Malapit sa bintana. "Kapalit raw ng pagtira nya sa bahay nila ni Denise. ay ang pagsira nya sa'yo at kay Jaden.."

What the hell!!?... Anong klase syang tao?. Now I know. Tama nga si Mama at Kuya Lance. May malalim syang dahilan. Oh Joyce. I am so sorry..