webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 56: Talking while walking

"Tara.." heto na naman yung boses nyang nakakaestatwa. Nakakapigil hininga.

Sabay kaming naglakad palabas ng parking lot. Sabay na sabay pa ang hakbang ng aming mga paa. Di ko kayang tumingin ng diretso sa daan. Damn!. Kinakabahan talaga ako.

"Nag-enjoy ka ba kahapon?.." tanong nya na di ko kayang sagutin. Oo, na hindi. Magulo. Kumplikado. Masaya ako dahil kinantahan mo ko kahapon. Hindi dahil hindi mo ako hinatid kagabi. Damn it!. Really Bamby!..You little gurl!. Umuurong ang dila ko kahit gusto kong magsalita. Puno ng mga tanong ang isip ko pero hindi ko maisatinig. Masyado akong mahina, nanghihina pagdating sa'yo.

"Ah.. hehe.. pasensya ka na pala kagabi. Ihahatid sana kita kaso nahiya ako sa mga Kuya mo.." ang tawa nya ang dahilan ng pag-angat ko ng tingin sa kanya mula sahig. Hawak pa nito ang kanyang batok. Nahihiya ba sya?. Ampusa!. I wanna hug you boy. Just let me.. Heck!.

"Haha.. pasesnya ulit. Naiingayan ka ba?. Hehe. di na ako magsadalita.." nahihiya nitong sambit. Yuyuko tapos titingin muli sakin. Oh damn it!. No boy!. Just talk, your voice is my music. My medicine and my life. Bamby!!!...

Dali na. Speak now you little freaking idiot. Baka maturn off sya sayo. Pagsisihan mo pa.

Humugot ako ng malalim na hininga. Pinapakalma ang naghuhumiranda kong puso para makabwelo upang makaisip ng sasabihin sa kanya. Hindi kasi gumagana utak ko kapag todo sa kaba ang diddib ko.

"Ahh.." hell shit!. Basag?.. Dammmnnn.....

Lihim kong nilinis ang lalamunan bago nagpatuloy.

"No. It's okay.." sa dami ng naisip ko. Ito lang ang kinaya ng dila kong ilabas. Nabubulol tuwing kaharap ko sya.

Tumindig sya ng tuwid saka nginitian ako ng napakaganda. Grabe!. Humihinga pa ba ako?. Air please..

"Okay ka lang?.." nasa bulsa na nito ang dalawang kamay. Nasa bukana na kami ng exit ng parking papuntang gym. Konektado ito. Ilang hakbang lang gymnasium na.

Kagat ang labing tinanguan ko sya. "I'm okay.. hehe.."

Ngingiti ngiti naman itong tumango tango. How cute he is. Damn boy. My boy!.

Katahimikan ang bumalot samin. Nahihiyang maunang magsalita.

"Bamby.." sa haba ng katahimikan. Binasag nito sa pamamagitan ng pagtawag saking pangalan. Ngayon ko lang narealize na maganda pala ang pangalan ko. Bamby. Pakiulit nga. Hihihi..

"Pansin ko lang. Bat di na kayo madalas magkasama ni Joyce?.. May problema ba?.." bahagya akong natigilan. Hindi ko inexpect na mapapansin nya pa kami ni Joyce. Really Jaden?..

"Kung ano man yung problema nyo. Sana maayos nyo pa. Matagal na kayong magkakilala kaya sayang lang kung di kayo mag-kaayos bago ka umalis.."

May punto naman sya. Pero paano kami magkaka-ayos kung ilag sya lagi sakin?. Pakiramdam ko tuloy, may nakakahawa akong sakit na dahilan para layuan nya ako. Gusto ko rin namang mag-kaayos kami pero paano?.

"You miss her?.." tinitigan nito ako sa mukha. Damn!. Nangamatis na naman mukha ko.

Waaaaaa....

"Wag kang mag-alala. Kakausapin ko si Denise para sabihan nya si Joyce na mag-usap kayo.."

What?. Si Denise?. Bakit sya?..

"Si Denise?. Bakit close ba sila ni Joyce?.." himalang di ako nautal.

"Lagi silang magkasama tuwing uwian. Ang sabi ni Denise, magpinsan daw sila. Nakatira ngayon si Joyce sa kanila dahil naghiwalay parensta nya.."

What!???... I. I don't know!.

Yun ba?. Ang dahilan nya kaya nya ginawa yun sakin?. Hindi ko pa rin maintindihan. Kailangan ko syang makausap. Ngayon. Dapat habang maaga pa. May oras pa. Habang andito pa ako. Para kahit makaalis na ako, maayos na kami.

"Magiging maayos rin kayo. Tiwala lang.." lumaki ng napakaoa ang mata ko. Kasi

naman boy. Bigla syang umakbay sakin habang naglalakad. Ampusa!. Hell shit!.. Tuloy pinagtitinginan kami ng ibang estudyanteng nakakasalubong namin.

Feeling ko tuloy, lalagnatin na ako.