webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 55: Kuya Lance

Pumasok ako ng kotse ni kuya Lance na sabog at lutang. Hindi naman ako overjoyed kahapon. Over high lang. Hihihi. Ampusa Bamby!. Dinaig mo pa nagdrugs. E sa adik ako sa kanya e. Kaya eto ako ngayon, sabog.

"Anyare sayo?.." dinig kong nagsalita si Kuya sa tabi ko. Pero hindi ito pumasok sa utak ko. Hanggang ngayon, swear to him. Lutang pa rin ang aking sistema. Grabe. Kung alam ko lang na ganito magiging epekto nya sakin. Hindi na ako sumama pa. Nagdaydream nalang sana ako. Para kung sakaling magtagpo kaming ulit. Sigurado akong maganda nga ako. Hindi yung ganito na, my goodness!. Gusto ko tuloy mag-absent.

"Hey!!!.." Kung hindi pa nya ako kinalabit baka hanggang school, mukha akong zombie. For Pete's sake Bamby!. Wake up please!.. Please... It's already morning. You need to move.

"Huy!. Kanina ka pa lutang dyan?. Nakadrugs ka ba?.." sabay pa ang kanyang tawa. Sa lakas ng kanyang hagalpak na may hampas pa sa manibela, dun ako nabuhay. Tuluyang nagising ang tulog ko pa ring utak.

"Hahahaha.. magsalamin ka nga. Para kang hiniwalayan ng jowa dyan.. Psh...." mabilis kong sinunod ang sinabi nya. Oh damn it!..

"Shit!.." Basta nalang itong lumabas sakin. Ba naman. Yung ilalim ng mata ko, sabog talaga. Yung aking buhok, Parang hindi uso ang suklay, magulo. F**k!. Tapos yung uniform pa, hindi pantay ang pagkakabutones. Mukha akong baliw. Shems!..

"What the hell!..."

"Bwahahahahaha..." hagalpak nya. As in. Di ko alam kung dinig pa hanggang sa labas ng kotse ang kanyang tawa. Ang lakas e. Dali dali kong inayos ang magulo kong buhok. Hinalughog ang suklay sa aking bag. Saka inayos ang buhok. Nang huminto si kuya, tumalikod ako sa kanya saka inayos ang butones ng blusa ko. Nang makitang medyo ayos na. Tinitigan ko pa ng mabuti ang itsura ng mata ko sa salamin. Yung kapatid kong baliw na ata, tawa pa rin ng tawa. Walang hiya!.

"See?.. Haha.. pano nalang kung makita ka nya. e di mas nakakahiya.. hahahaha... tsk. tsk. tsk. Bamby, Bamby, Bamby..." umiiling pa. Ampusa!..

"Can you please shut up.." pinag-ikutan ko sya ng mata. Nang-iinis. Nang-aasar na naman. Bwiset lang..

"Haha.. you mad?.. Don't be. Kasi ang sabi ni Jaden sakin kahapon. Takot ka raw mahulog sa motor kaya niyakap mo raw sya. Tsansing ka.. hahaha.."

Really?.. What the eff!?.. Paano nya nalaman yun?.. Baka sinabi ni Jaden?. Pero imposible. Baka nantritrip na naman to. Yaan ko na nga lang.

"Oh, Really?.. She's speechless. Sigurado akong ganito sya kahapon.. Ano kaya?..." hawak pa ang kanyang baba. Now I know na inaasar na naman nya ako.

Ugh!... Pikit mata kong sinigaw sa kawalan ang pagkabwiset ko sa kanya. Baka kapag bumuka tong bibig ko, masobrahan ang masabi, masakit pa naman akong magsalita kapag galit. Not usual me.

Di ko naramdamaan na nasa parking lot na pala kami. Tinignan kong muli ang aking mukha sa salamin bago tumingin sa paligid. At hell shit!!!... Nagkatagpo na naman ang aming mata. This so ugh!.. I'm going crazy.. Nakatayo sya sa harapan mismo ng sasakyan ni kuya. Nakasandal sa kanyang motor ng patagilid. Anong ginagawa nya dun?. Gosh!..

Naunang lumabas ang aking kapatid. At alam ko na nga ang susunod na eksena. Lumapit ito sa kanya saka nagtapikan ng balikat. Nag-usap pa ang dalawa. Sarado ang bintana kaya di ko marinig ang usapan nila. Maya't maya naman kung tumingin ito sakin. Ng sssshhhh!... Ng nakangiti. Damn boy!.. What's that for?..

"Bamby, labas na. Sabay na kayo ni Jaden pumasok. Antayin ko lang si Zack dito, magpapasukat kami ng uniform namin.." dinungaw ako ni Kuya. Mukhang di ito nagbibiro kaya lumabas na rin ako. Pero teka, ano nga ulit yun?. Sabay kaming papasok?.O heaven!.. What a blessing.. Big thanks..

Yung puso ko, parang bulkan. Sobra na ang kaba. Sobra pa ang pitik, kulang nalang lumabas at kalabitin ang taong naging dahilan ng kanyang pagsabog.

Good evening y'all.. Ingat po kayo dyan sa CALABARZON part. Taal volcano erupted. I pray for all your safety.. Godbless everyone..

Chixemocreators' thoughts