webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 50: It's official!

Dear crush.

Sana ako nalang. Sana tayo nalang. Because You, deserve Me.

Mga kataga na lagi ko nalang binubulong noon sa hangin. Sinasambit sa dumaang butiki. Sinusulat sa tubig na umaagos. Hinihiling sa lipon ng mga tala. Tinitingala ang malayong lugar NYA. Humihiling. Marinig lamang ang aking kahilingan. Bakit ang taong kahit sobrang lapit na sa akin. Hindi ko pa rin makuha?. Ganun pala talaga ang totoong mundo. May mga bagay kang hindi nakukuha kahit abot kamay mo na..

But luckily. Naawa sakin ang tadhana. Gumawa ng mahiwagang paraan para magtagpo muli ang aming mundo.

Pinaupo ko sya sa mismong inuupuan nya noon. Yung panahong, kulang nalang suntukin o lapain ako ni Lance dahil kinausap at hinawakan ko sya. Eto yun. Gusto kong ulitin ang araw na yun. Gusto kong baguhin ang nangyaring nakaraan na yun. Kaya ko sya dinala dito para ipaalala sa kanya ang lahat. At para gumawa na rin ng bagong alaala na, masaya bago namin tuluyang iwan ang math park na ito.

"Tinakot mo sila boy.." nilingon nya ang gawing gym. Maingay ang taong nagsisilabasan na. Marami nang umuuwi. Maliban lang sa mahilig sa selfie. Sila ang kadalasang naiiwan sa taas ng entablado.

"Tsansing eh.. tsk..." mariin ko syang tinitigan. Naramdaman nya siguro kaya umayos sya ng upo at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Kaklase ko sila noon.."

"Exactly. Kaklase mo sila, noon..." diniin ko ang huling salita sa pangungusap ko.

"Boy, naman. Kaibigan ko rin sila.."

I just looked away. Try'na cease the heated anger in me. I bit my lower lip. Make a deep breath and release a heavy sigh. "Baby, noon iyon. Matagal na panahon na yun. Hindi mo ba alam na maraming gustong lumapit sa'yo?.." frustrated kong sambit.

Kumurap ang parang dagat nyang mata. Kumikislap ito ngunit sa taglay nitong ganda. Madalas nalulunod nalang ako kakatitig sa kanya. "Are you jealous?.." tumaas ang kaliwa nyang kilay. Hindi rin nakatakas saking mata ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. She's teasing me now!. Damn baby!. Stop doing that please! You're making me sick here!

"Sinong di magseselos baby?. Ako pa nga na manliligaw mo. Di makahawak sa baywang mo. Tapos yung gagong---- yun pa?.. Sarap putulin ng kamay nya. Kung di lang---.." kulang nalang maging pino ang aking mga ngipin dahil sa gigil sa lalaking humawak sa kanya kanina. Gusto ko tuloy sumuntok ng pader sa inis.

"Kung di lang?.." Anya sa naputol kong sinabi. Suot pa rin ang nakakaloko nyang ngisi. Sarap halikan ang nakusli nitong labi.

Hindi magkandamayaw ang maganda nitong ngiti sa mukha. Habang ako naman ay, galit na galit dahil sa lalaking yun. Bwiset!..

"Don't be mad. Di bagay sa'yo..." Kinindatan pa ako. Susmaryosep!!.. Wala na. Isang kindat lang nya. Namatay na yung galit at inis ko sa kanya at sa ginawa nyang pag-entertain sa mga gagong yun. Kung di lang ako nagpapagood shot sa kanya para sagutin na ako. Baka nauna pang lumagapak sa sahig ang mukha nila kaysa sa lumabas pa sa gym.

Tsaka. Kung di lang sa hipnotismo nyang ganda. Matagal ko na silang sinugod. At pinaulan ng suntok. Mga gago e. Alam na ngang kay boy Jaden. Hinahawakan pa. Tsk.

"Kumalma ka nga. Ang init ng ulo mo. Ayaw mo bang andito ako?.." tanong nya na nagpabalik sakin sa tamang huwisyo.

Umiling ako ng mabilis. "Baby, hindi ako galit sa'yo. Di ko kayang magalit sa taong mahal ko..."

"Galit ka e.." turo nya sakin at umiling din.

Biglang nangati ang kilay ko. Kaya kinamot ko ito. "Hindi nga ako galit.."

"Ano lang?. nagseselos?.." mapanukso ang kanyang himig. Nangalumbaba sya at pinanood ako.

"Oo. Nagseselos ako..." direkta kong sagot. Walang bahid ng kaba. Takot lang. Takot na baka balewalain nya yung sinabi ko.

Pero hinde. Mataman lang nya akong tinitigan. Tuloy naging mahirap sakin ang huminga at lumunok. Damn your eyes baby. I'm going crazy here!!.

"Anong gagawin ko para mawala yang selos mo?.."

"You know what I want baby.."

"I don't.." iling nya sa paraang nang-aasar.

"Just... be mine..." halos ibulong ko nalang ito dahil sa biglang sumibol na kaba. Fuck!..

"Matagal na akong naging sa'yo.. boy.."

Fucking hell!!. Ano raw?.. Pakiulit nga. Di ko narinig.

Di na maitago pa ang ngiting gustong kumawala. Kanina pa gustong magpakita pero pilit kong itinago. Gusto kong maging seryoso sa harapan nya. Kahit ngayon lang. Ngunit. Sa totoo lang. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Natatakot akong mawala sya. Ganunpaman. Seryoso naman talaga ako sa kanya. Sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Talaga?.. you're mine now?. kailan pa?.." Ang tanga ko lang dahil ito ang lumabas sa aking bibig.

Kagat ang labing tumango sya sakin. "Simula noong nakilala kita.."

What the hell?!!!.. Di lang pala ako ang baliw sa kanya. Mukhang. We are mutual. Damn!.

Wala sa sariling tumayo ako at nilapitan sya. Umupo sa kanyang tabi. Hinawi ang takas na buhok nya sa kanyang pisngi. Nilagay sa likod. Bago hinawakan ang kanyang baba. Hinarap sakin upang magtama ang aming mata.

"Gusto kong marinig mula mismo sa'yo..." tumigil ako. Binasa ang ibabang labi bago nagpatuloy. "Will you be mine Bamby?.."

Agad syang ngumiti. Ngiting, parang langit. Abot kamay ko na. Tumango muna sya bago nagsalita. "You're mine now. And I'm yours... boy.."

Hinila ko sya palapit sakin. Unti unting hinahawakan ang kanyang kamay. "Finally baby. You're mine. Yes!!.." nanggigil ko itong ibinulong sa tainga nya. Humalakhak Ito. Tinapik pa ang likod ko.

Hinalikan ko ang kanyang noo bago ko idinikit ang noo ko sa kanya.

Pumikit ako sa natupad na kahilingan.

"Alam mo ba. Gusto kita?. Sobrang tagal na?.."

Umiling lang sya. "Gusto kita simula noong pumunta ka sa bahay namin. Remember?. You're with your kuya's?.."

Tumango sya. "That's---.." halos sabay naming bulong. Naghiwalay ang mukha naming parehong tumatawa.

"What?.." tanong nya.

"Ladies first.." hinawakan nya ang ilong at kilay ko.

"That's the day I fell in love with you boy.." tumayo lahat ng balahibo ko sa pinahayag nya.

"Really?.." di ako makapaniwala.

"Oo. Bakit ayaw mong maniwala?..".nakangiti nyang sabe. Kinurot pa ang ilong ko.

Hinawakan ko rin ang buhok nya. Inayos ko ang tumakas na buhok. Naglakbay papuntang baba ang aking kamay. Hinimas ko ito. Sobrang kinis. Damn!. "Pinagtagpo ba tayo ng tadhana?. Dahil unang kita ko palang sa'yo noong araw na yun. Mahal na kita..."

"Ang landi mo.." halakhak pa nya.

Fucking shit boy!. Di ko rin maiwasang tumawa sa halakhak nya. Nakakahawa. "Seryoso ako. Mahal kita baby ko.."

"Jaden?.."

"Call me boy, baby. Not Jaden.."

"Psh.. boy.." mahina nyang himig. Inirapan pa muna ako bago isinatinig ito. Susmaryosep!..

"Then, say you love me too.." umawang ang labi nya.

"You'll say it or I'll kiss your damn lips?.." di sya sumagot. Kaya wala akong magawa kundi gawin nalang ang nasa isip ko. Binigyan ko sya ng choice pero di sya pumili. At ako nalang ang pipiili para sa kanya. I gave her a sweet gentle kiss. "I love you my boy..." Yun pala. Susmaryosep my boy!!!. I'm fucking happy bro!!.

It's official. We are official now.. baby!..

Hello po. Yan na po ang last point of view ni Boy Jaden. Thank you also for the unending support. Hugs and kisses. Godbless!.

Get ready!. Bamby is back!..

Chixemocreators' thoughts