webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 49: Graduation

"Gwapo. Picture naman tayo.." kinuha ni ate ang kanyang cellphone at nagaelfie kaming dalawa sa bukana ng hagdanan.

"Isa pa.." ang nangyari. Hindi lang isang beses ang kinuhanan nya. May iilan pa na pinatayo at pinaupo ako ng mag-isa sa hagdanan. Tinuturo kung saan ilalagay ang aking mga kamay. Ginawa akong modelo.

"Ate. akala ko ba isa nalang?.." reklamo ko dito matapos akong hilahin sa may sala. Dun din daw ako pipicturan dahil maganda ang view. Baka malate ako neto sa graduation. Susmaryosep!!. .Special mention na naman ako. Tulad noong last practice. Nalate akong pumasok dahil hinatid ko pa si Niko sa school nila. Traffic pa. Naspecial mention tuloy ako pre. Nakakahiya.

"Last na to. Ma, 'lina kayo!. naiinis na tong gwapo nyong anak.." tawag nito kila mama. Napailing nalang ako sa kanila. Lumabas naman sila galing kusina. Nagsimula ang picotiral. Pero ang sabi nyang last na. Nagtagal ng kalahating oras. Kaya noong papunta na kaming school. Kulang nalang liparin ko ang pagitan ng bahay at ng school para lang makarating ng mas maaga doon. Kaso syempre. Imagination ko lang yun. Sa utak ko lang nangyayari. Mabuti at maluwag ang kalsada. At eksaktong pagkababa namin ng sasakyan. Pumipila na sila sa gilid ng gym.

"Boy, akala namin di ka na aatend?. May naghahanap pa naman sayo dito?." kaway nila sakin. Tumakbo na ako para makipila sa kanila.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Matinde kasi ang kaba ko ng muntik nang di makaatend. "Sino naman?.." tinanguan ko lang ang mga ngumingiti sakin. May iilan pang tumawag sakin sa likod pero tinaasan ko nalang ng kamay. Pagkatapos ng ceremony ko nalang sila kakausapin.

"Andun o!.." tinuro ni Kian sakin ang tabi ng aming room. Section B yun. Room nila Karen at Winly. Binasa ko ang aking labi ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy nila. Habang inaanusyo na ayusin ang pila. Wala akong ibang ginawa kundi tumingala at hintaying lumabas ang taong mahal ko. Inanunsyo ng guro na ilang minuto pa bago mag-uumpisa. Pinagbawalan na kami na umalis na ng linya kahit medyo mainit na ang sikat ng araw.

"Boy, dumungaw na yung prinsesa mo." siniko ako ng bahagya ni Dave. Nilingon ko sya at kita kong nginuso nya ang itaas. Tumingin ako doon at nakita ko agad ang malaki nyang ngiti. Kumakaway ito at may hawak na camera. Kinukuhanan na ako.

"Kayo na ba pre?.. Ang ganda nya..." Puri ng isa sa mga katabi ko sa pila. Di ko na tinignan pa at lalong sinagot ang tanong nya. Hindi sya karapat dapat na tapunan ng pansin. Mas itinuon ko ang mata sa taong pinupuri na ngayon ng lahat.

Siniko ako ng iilan. Kinatyawan. Kulang nalang guluhin buhok ko. Mabuti din at alam nilang hindi pwedeng galawin ito dahil espesyal ang okasyon ngayon. Lalo na't nasa harapan pa ng taong mahal ko.

Ngumiti ako habang nakatingala sa kanya. Ibinulong nyang ngumiti ako kaya abot mata rin ang suot kong ngiti. Hanggang sa nagsimula na ang seremonya. Pumasok kami sa loob. Nag-alala ako dahil hindi ko na sya masilayan. Tinext ko din sya pero di agad nagreply. Di na ako mapakali. Parang inuuod na ang pwet ko sa upuan. Nakita ko lang sya noong nasa entablado na ako. Hawak ko na ang diploma ng lapitan ako at kuhanan ng litrato ng malapitan.

"Congratulations boy!.." ngisi nito sakin.

Boy ang tawag nito sakin tuwing nang-aasar.

"Thanks baby.." at baby rin ang tawag ko sa kanya para inisin sya. Para kwits lang. Pakiramdam ko na nga. Endearment na namin yun. Yung tipong kami na, pero hindi pa naman. Assuming lang siguro ako. Ganun.

Kita kong mabilis tumulis ang kanyang nguso ng lagpasan ko na sya. Kailangan kong bumalik muli sa upuan. Baka pagalitan ako eh. "Anyare dun pre?.. Nagdabog?. hahaha.."

tanong sakin ni Dave bago umupo. Magkasunod kasi kami. Binasa ko ang labi at sinundan sya ng tingin. Nagdabog ba sya?. Ang alam ko hinde. Naiinis yun. Panigurado. Ayaw na ayaw nyang tawagin ko syang baby. Ang sabi nya hindi naman na raw sya bata para tawagin ko sya ng ganun.. Dalaga na daw sya. Sobrang tawa ko noong pinaliwanag nya sakin ito. Ang cute nya lang talaga. Habang tumatagal. Lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago natapos ang seremonya. Nagkakagulo na ang lahat na kumuha ng litrato. Bawat linga ko. Ilaw ng camera ang aking nakikita.

"Doon muna ako.." paalam ko sa kanila. Di na nila ako sinagot dahil abala sila sa isa't isa. Dumiretso ako sa gawi nyang pinapalibutan na ng mga kalalakihan. Dati nyang kaklase noon. Damn!. Bakit ba kasi mag-isa syang pumunta dito?. Ang dami tuloy gustong sumapaw.

Tumikhim ako sa likod nila. Lumingon ang iilan pero parang wala lang ako sa kanila. Nagpatuloy silang kumuha ng litrato kasama sya. Napalunok ako ng mariin dahil sa inis. Mga gago!. Ano yang mga kamay nyo ha?. Akbay!?. Susmaryosep Bamby!!. Gusto ko itong isigaw pero masyadong mainit ang ulo ko para sabihin iyon. Ayoko syang ipahiya sa mata ng maraming tao.

"Boy!!.." dinig kong tawag nya sakin. Nilinis ko muna ang nagbarang galit saking lalamunan bago sya sinagot. "Yes baby!?.." isinigaw ko na ito. Susmaryosep!. Bahala na!. Kung saan saan na dumadapo kamay ng mga gago eh. Walanghiya!. Asshole!!. Pervert!. Shit!!. Di ko mapigilang magmura ng makita kung saan humawak ang isang lalaki. Sa baywang nya bro. damn!. Gustong gusto na syang sapakin. Mabuti nalang at napigilan nya pa ako. Hinawi ko ang nakaharang sa pagitan namin. Mabilis naman nya akong nilapitan. Hinawi ko ang buhok sa kanyang pisngi bago sya hinapit palapit pa sakin. I'm declaring my territory. No one can ever touch it!. No one!..

Umawang ang labi nya sa kamay kong nasa baywang nya. Pinipisil ko ito. Humarap ako sa mga nakapalibot sa amin. Malakas ang loob kong tumitig sa kanila ng masama. Gusto kong ipaalam sa pagmumukha nila na wag lalapitan ang akin. Bawal hawakan ang hindi sa'yo. Lalo na kapag may nagmamay-ari na nito.

"Let's go.." inilayo ko sya sa mata ng mga naglalaway na Leon. Hinila ko sya at dinala sa Math park. Kung saan, maraming alaala ang binuo namin doon.

Hello po. Isang chapter nalang po para kay Boy Jaden!.. hope you enjoy?. Thank you po and Godbless.

Chixemocreators' thoughts