webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 5: Graduation ball

"Midnight Bamby. You need to be here at exactly twelve..." anunsyo ni papa habang nasa labas ng kwarto. Nakaupo ito sa sala. Nakapandekwatro at nagbabasa ng mga dokumento. Bago ako pumanhik sa loob ng silid para maghanda. Kinausap nya pa ako at binilin ng sobrang dami. Keso, wag daw sasama sa mga grupo ng kalalakihan. Keso, wag uminom. Psh!. How will I do that if all of them are alcoholic?. Lalo na si Dilan. Ugh!.

"I'll try pa.."

"You should do it Bamby..." may diin ang bawat salita nya. Lalo na ang aking pangalan. Suskupo!. Wag ka nang kumontra pa. Baka magbago pa isip nyan. Hindi ka payagan sa pupuntahan mo.

"Yes po.." I should. Wala naman akong balak na lagpasan ang oras na binigay nya sakin. Masaya na akong pumayag syang lumabas ako after the ball. Kadalasan kasi. Kahit sunduin pa ako ni Dilan dito. Hindi ito pumapayag. Mas gusto nyang dito kami tumambay sa bahay. Manood ng tv. Magkwentuhan at maglaro. Just that. And. Of course. Bawal syang pumasok ng silid ko. Yan ang pinakaunang ibinilin sa kanya ni papa pagkapasok palang nya ng bahay. See?. So protective. Sya palng yun ha?. How about my brothers?. Kuya Mark is okay. Wala akong naririnig na komento galing sa kanya about Dilan. But kuya Lance?. Ugh!!. That crazy punk?.. Kulang nalang balatan nya ito tuwing nakikita sa bahay.

Mabuti nalang din at sinundo na ako ni Dilan after a minute. As usual. Binilin na ihatid ako ng maayos sa bahay. I just rolled my eyes at him. Like pa. I'm not a princess. This ain't a fairytale. Also. He's not my prince. Cause my one and only, is from afar. Still. Waiting for me to come back.. Suskupo!.

Inalalayan nya akong bumaba sa engrande nyang sasakyan. I fixed myself. Breathe and smiled at him. Nasa labas na ito. Naunang bumaba kanina. Nakalahad ang kanang kamay sakin. Habang ang isa naman ay nasa kanyang likuran.

"It's time.." ngumiti pa ito ng napakaganda. Kung hindi lang ako sanay sa kanya. Kung ibang babae lang ako. Baka matagal na akong nafall sa kanya. But I am not a typical girl. I mean. Hindi ako yung tipo ng babae na kapag nakakita ng gwapo. Gusto na. No. Stick to one ako. And you knew who I want is. I'm into him until now.

Kumislap ang iba't ibang camera. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ewan. Di ko inasahan na ganito pala kaengrande ang ball na to. Parang premier night ng isang sikat na pelikula. Ang daming tao. Gosh!. Still. I'm not used to it.

"Smile. You look amazing tonight.." bulong nito sa likod ng tainga ko. Bale. Kahit nanginig panga ko. Ngumiti ako sa harapan ng maraming tao. Feeling ko nga. Kami ang apple of the eye nila. Simpleng off shoulder maroon at backless na lagpas tuhod ang suot kong damit. Hapit pa ito saking katawan. Naasiwa nga ako maging si papa kanina. Masyado daw revealing tong binili ni mama na damit.

"Hi Bamby. You look good together bro.." sinalubong kami ng isa sa mga kaibigan nya. Tinanguan ko lamang ito. Nagtapikan at nagkamayan ang dalawa. Sabay kaming pumasok. Hanggang sa nagsimula na ang ball. Hindi ko sana partner si Dilan sa sayaw kaso kinausap nya ang trainor namin. He wanted to be my partner. Brat. Kaya ayun. Nakuha nya kung anong gusto nya. Tsk.

"How will I forget your pretty eyes?.." nasa dancefloor na kami. Sumasayaw ng sweet music. His hands locked in on my waist while my hands also are on his broad shoulders.

May ilang pulgada pa ang pagitan namin. Ngunit bigla nalang nya akong hinapit papalapit sa kanya. Muntik nang tumama ang labi ko sa mapula nitong labi. Damn it!. Mabuti nalang nakontrol ko ang aking sarili upang huwag tuluyang sumubsob sa kanyang labi. Dahil kung hinde?. Suskupo!.. Malaking problema.

"You know what?.." pinutol ang sarili nyang tanong. Malapit na akong maduling. Kuya!!.

Umawang ang labi nya. Itinikom ko rin ng mariin ang aking labi. Shet!. Di ko to naimagine with the other guy. Ugh!.

"What?.." Shit!. Why on earth I stuttered?..

"I want to kiss you.." he whispered. Pumikit pa sya. Damn it!. No way!. I could even feel his hot breathe on my face that gives me shiver.

"Dilan?.." I breathe heavily. Thinking what to say next.

He nodded without any word. "Papa wants me to--.." abruptly, he cut me off.

"I know. Twelve.. baby.." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya kanina lang. Psh!. Baby?.. Damn no way!.

Hindi ako nakapagsalita. I'm damn speechless bruh!. What should I do?. Run away?. Nah?. That's a bad idea. Baka magwala bigla e. Naloko na.

Idinikit nito ang kanyang noo saking noo. "I like you Bamby.." Habang yakap ako na sumasayaw. Ibinulong nya ito. Tumigil ang mundo ko. Nanlabo maging ang paningin ko. What?. Gusto nya ako?. Suskupo!. Problema nga to. Mas lalo nya akong hinapit. This is so close. Kung andito lang si kuya. Di nya magagawa to.

Pasalamat ako at may tumapik sa kanyang balikat at kinuha ako sa kamay nya. Para akong nakawala sa hawla. Alam mo yun. Humihinga naman ako kanina pero parang ang hirap.

Hello!. Been a while. I hope you are in a safe place today. Keep safe. Be healthy and pray. Godbless everyone!.

Chixemocreators' thoughts