webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 47: Cake

Sinalubong kami ni kuya Mark sa airport nang madaling araw. Matapos ng surprise ni Jaden. Agad kaming kinausap ni kuya at bumalik ng hotel. He said. Para raw syang nanonood samin ng kdrama kanina. Kinilig daw sya. Amp! Baka masuka?. Pwede pa. Sya kiligin kamo?. Sus!. Parang wala ngang sweetness sa katawan nuon eh. Puro bitterness. Kaya walang maligawan na babae eh, dahil sa kasupladuhan.

"How's Korea?.." kuya Mark's asked nang makasakay na kami ng sasakyan. Pare pareho kaming tamlay dahil sa pagod sa byahe. "Okay!.. Jet lag? hahaha.." suko nyang himig. Di na muli sya nagtanong hanggang maihatid si Jaden sa kanila.

Di na rin ako bumaba pa para batiin sila tita dahil nahuhulog na talaga mata ko. Gustong gusto nang matulog. "Bye babe.." paalam nya lang sakin. Di binigyan ng halik dahil nasa harapan ang mga bantay. Yun pa. Malamang nahiya yun.

Pagkarating ng bahay. Akyat agad sa silid at humiga ng walang ligo o hilamos. I'm too drained. Naubos lahat ang lakas ko.

Kinaumagahan, late pa rin akong nagising.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you. Happy birthday, dear Bamby.." naalimpungatan sa biglang mga boses na sumulpot sa paligid. I thought I was dreaming. "Hmm.." iyon palang ang kaya kong sabihin sa mga oras na ganun. Inaantok at nahihilo pa ako.

"Wake up birthday girl!.." tumalon si kuya sa kama ko. Kaya bahagya itong lumubog.

"Mark?.." saway dito ni papa.

"Yaan mo na.. Anak, happy birthday.." dinig kong boses ni mama. Pikit mata kong tinignan sila isa isa. Akala ko silang tatlo lang. Pati pala si kuya Lance. Seryoso?. Ginising ito panigurado.

"Blow your cake muna bago bumalik ng tulog.." inilapit nila sakin yung cake na may kandilang nakasindi na sa gitna. Tamad kong kinusot ang mata bago umurong para hipan ang kandila. "Thank you po.." Walang gana kong sambit.

"Tawagan mo nga si Jaden sa baba kuya Mark..." biglang anunsyo ni kuya Lance. What the hell!

Muntik ko nang isigaw ang mura na iyon. Mabuti nalang nakontrol ko pa ang bibig ko. Humagalpak ang loko. "Gising na kasi.. tanghaling tapat na kaya.." irap nya sakin bago tuluyang umalis. Inis ko syang minura saking isip. Badtrip! Magkagirlfriend ka lang yan. You'll see. Banta ko pa. Sa kumot ko nilagay lahat ng inis ko sa kanya. Kainis!

"May mga nagpadala nga pala ng cake sa'yo.. baba ka na para makita mo..." nagtataka kong nilingon si mama. Si kuya Mark, nakahinga ng maayos sa kama ko. Mukhang matutulog. "Kuya, get the hell out of my bed!.." yugyog ko sa kanyang balikat.

"Bamby, your mouth.." sita sakin ni papa. Ayaw kasi nitong nagmumura kami. Tinalukbong lang nya sakin ang kumot bago lumabas. Iniabot sa kanya ni mama yung cake saka nagpaalam.

"Anak, kamusta byahe nyo?.." umupo si mama sa gilid. Nakadapa pa rin akong nakapikit. Lumabas na rin si papa.

"Fine ma.."

"Nag-enjoy ka ba.."

"Opo.." mahina kong himig.

"What about Jaden?.."

"Same ma.." tinapik nya ako sa likod nang ilang segundong di sya nagsalita.

"Good.." huli nyang habol. Umayos ako at umupo. "Bakit po?.." nagtataka sa kinikilos niya.

"Galing si Veberly dito kahapon.."

"Bakit daw po?.."

"Tinanong kung alam ko raw na kayo na ni Jaden.."

Oh!. What!?. Nagising ang buong diwa ko.

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Ano pong sinabi nyo?.."

"Of course, sinabi namin ng papa mo na kinausap muna kami ni Jaden bago ka nya niligawan.."

"Anong pong reaksyon nya?.."

"She's speechless.."

Bahagya kaming natahimik at parehong nag-isip. "Alam mo ba kung bakit sya ganun anak?.."

Alam ko po. Gusto kong sabihin pero pinili kong sakin nalang muna yun.

Umiling ako kahit ang totoo, tatango sana ako. "Hinde po.."

"Hmm.. pero ramdam kong may something doon sa pinsan mo hija.."

"Ano po yun?.."

"May gusto ba sya kay Jaden?.." Ang akala ko hindi nya ito sasabihin pa pero knowing her. Hinde sya aalis hanggat di naririnig ang buong kwento. Mariin kong kinagat ang labi. Paano ako maglilihim sa taong makulit?. Sa taong gustong marinig lahat ng nasa isip ko?. How will I do that?.

"Di ko po alam.?." Ito ay totoo. Di ko naman talaga alam kung crush nya ba ang mahal ko o mahal na rin nya ito. Damn!. Kung Mahal?.. Damn her!.. No way! Kahit magkalimutan pa kami bilang magpinsan, gagawin ko. Wag lang mawala si Jaden. Not until I'm still breathing.

"You look like you knew this?." sa gitna ng pag-iisip ko. Ginulo nya bigla ito.

"Ho?." naguguluhan kong tanong.

"Alam ba ito ni Jaden?.." umiling ako. Nalilito."Bakit hindi mo sabihin?.."

"Ma, malapit na tayong umalis. Ayokong mag-away kami ni Jaden.."

"Nak, sasabihin mo lang naman. kausapin mo sya.. para di kayo mauwi sa away.. paalis na tayo diba?. Alam nya rin ba yun?.." umiling na naman ako.

"Kung ganun, bumangon ka na dyan. Nasa baba sya. Talk to him..para malinaw.."

Naligo muna ako bago tuluyang pumanhik sa baba. Tama nga sila. Nasa baba sya. At hindi lang sya. Sila with his friends and Karen at Winly. "Happy birthday Bamby!.." halos sabay nilang bati. Nagpasamat ako sa kanilang pagbati at pagdalaw. Nakipagkwentuhan ako ng saglit. Hanggang sa tinawag ako ni mama at ipinakita yung isang cake na di pa nabubuksan.

"Kanino raw po galing?.."

"Read the letter.." Anya lang. Iniwan akong mag-isa sa kusina. Kinuha ko yung papel na nakaipit sa ribbon at binasa.

'Hey couz, it's me Veb! Happy birthday.. wish you the best of all luck!'

Iyon ang unang nakasulat sa papel. Sa likod nito, may idinugtong syang, 'Whatever it takes, I'll get him!'

Fucking hell bitch!.