webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 46: Birthday Surprise

Mabilis dumaan ang oras at araw sa hotel. Matapos naming pumasyal sa Seoul Tower. Bumaba kami at kumain sa isang restaurant. Matapos naman noon. Dinayo na namin ang sikat na Cheonggyecheon stream sa Central Seoul. Maraming tao. Nakakahilo. Pero sulit dahil marami kaming litrato roon. Pwede na nga kaming bansagan na baliw eh dahil sa ingay at katuwaan naming tatlo.

"Tama na nga!.. Nakakahiya kayo!.." natatawang saway ko sa pagkiliti nila sakin. Damn boys!.

Mabuti naman at tumigil na sila. Pagod at gutom ang namutawi saming nang lumipas na gabi. Kinaumagahan rin. Sa Namsan tower kami pumasyal. Tapos bumaba at dumiretso sa Bukchon Hanok Village kung saan pwede mong isuot ang traditional na mga damit doon. Makikita mo rin dito ang kultura at arkitektura ng bansa. Mas lalo akong namangha at bumilib sa mga taga roon. Isang oras lamang ang pinalipas namin at sa National Museum of Korea naman kami. History and artwork of Korean people ang narito. Patuloy akong namangha.

Walang kapagurang pasyal ang nangyari sa lumipas na dalawang araw.

"Gawin nating memorable ang araw na to!.." masiglang hiyaw ni kuya bago kami tuluyang bumaba. Ito na ang huling araw namin dito. At dahil last day na namin, dapat sulit at unforgettable talaga.

Tinanong nya sakin kung saan ko pa gustong pumunta. Sinabi kong sa Jeju Island. Pumayag sya. Pero, ang sabi nya. Kung pupunta kami roon, di na namin muling malilibot ang ibang parte ng Seoul. Kaya nagdesisyon akong wag nalang muna ang Jeju. Maybe next time.

"Saan na tayo Bamby?.." Tanong sakin ni kuya matapos naming magpahinga saglit. Itinuro ko sa kanya ang Myeongdong underground shopping area sa kanyang mapa. Tumango sya matapos ang ilang segundo. Nag-isip ata sya kung higit magkano ang magagasto namin pagpasok doon. Pero kalaunan rin. Pumayag. Namili nga kami ng mga pasalubong para kila Mama at sa pamilya ni Jaden.

Huli naming pinuntahan ang K star road kung saan andun ang mga pangalan ng mga kpop idols. Nagpakuha ako ng litrato at namili.

"Bamby, ang gastos mo.." reklamo sakin ni kuya matapos naming bumalik ng hotel at ilagay ang mga napamili roon. Nagkamot pa sya ng ulo sa harap ko ngunit pinagtawanan ko lang sya dahil panay ang kanyang nguso. Ang dami nyang reklamo pero mas mahal naman mga binili nya sakin. Tsk. Abnormal talaga.

Hapon na pero pinili pa rin naming gumala pa sa Gwangjang Market. Kung saan maraming street foods doon. Yung tteokbokki lang ang tinikman ko dahil iyon lang ang naintindin ko sa paliwanag ni kuya. Fried spicy rice cakes. Masarap. Nga lang. Spicy. Di ko kaya.

"Babe, doon tayo.." hinila ako ni Jaden matapos naming maglakad lakad. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nag-uumpisa na ring umilaw ang mga puno at ang kalsada. Mas lalo akong namangha. Kahit ilang araw yata akong tumira dito. Di pa rin mawawala sakin ang pagkamangha.

Tumigil kami sa isang park na puno ng mga cherry blossoms na naiilawan ang mga sanga maging ang katawan nito. Maging ang iba't ibang uri ng halaman na naroon sa park. Kumikislap ang mga ilaw na parang sumasayaw. Para nila akong kinakausap kahit hindi naman.

Pareho kaming nakatayo sa medyo gitnang daan ng park. Pinagmamasdan ang kagandan ng lugar.

"O my God!.. Ang ganda naman dito.." sambit ko matapos ilibot ang paningin.

"Pero mas maganda ka.." Anya sabay hapit at akbay sakin.

"Tsk.. nambola ka na naman.." siko ko sa kanya. Mahina syang nagreklamo. Bad Bamby!

"Seryoso ako babe.." saka ko lang sya tinignan nang sabihin nya ito. Nagsalubong ang aming mata. Kita ko paano kumislap ang mga ito. Hinihigitan ang kinang ng mga ilaw sa paligid. "Pero, mas seryoso ako sa'yo.." huli na nang sabihin ko ito. Naisip ko na sana sa isip ko lamang iyon. Suskupo Bamby!

"Talaga?. Pakasal na kaya tayo.." ngumisi sya. Heto na naman yung ngiti nyang di ko mahulaan kung ano.

"Soon babe. We're too young..." nawala ng kaunti ang kinang ng kanyang mata. "I know.." maikli nitong sagot. Wala na ang malaking ngiti sa kanyang labi. Tuloy, parang akong naguilty ng wala sa oras.

Humugot ako ng malakas na hininga upang maibsan ang kaba. I need to change the topic. I asked him kung saan nagpunta si kuya. Ang sabi nya lang. nasa gilid lang daw. Ibig sabihin ba nito. Pinayagan nya kaming magmoment na dalawa?. Hay Kuya!. You're too late. Ngayong paalis na tayo, ngayon nya pa naisip?. Hay naku!.

Humakbang ako at nilasap sa huling pagkakataon ang hangin sa Korea. Ito na ang huli. Not literally the end. Pero sa trip na ito. Ngayon ang huling araw namin. Pumikit ako at tumingala. Naramdaman ko ang paghawak ni Jaden saking baywang. "Babe, look?.." biglang bulong nya sakin. Binaba ko ang tingin sa kanya. Nakangisi na ito. What?., I mouthed. Noon ko lang natanto. Sa aming likuran may tumutugtog ng violin. Na parang pamilyar ang ritmo. Lihim ko pa itong kinanta sa isip kanina habang nakapikit nang marinig ang unang nota ng violin.

Umawang ang labi ko nang makita na naglalakad ito palapit sa amin. "Babe?.." yugyog ko sa kanyang braso.

"Happy birthday babe..." bulong nya saking tainga. Nanindig balahibo ko sa mainit nyang hininga. Natulala ako ng ilang minuto bago nagsalita. "Bukas pa birthday ko babe.." hinarap ko sya habang nakikinig sa tugtog.

"Ilang oras nalang at birthday mo na.. kaya ginawa kong advance..."

"You planned this?.."

"Hmmm.. surprise.." tumango sya.

"Oh!.." naningkit ang aking mata. Di ko maiwasang kiligin. Amp! "Thank you babe.." pinsil nito ang tungki ng ilong ko.

"All for you babe.." tumigkayad ako at niyakap sya ng mahigpit. "I love you.." Anya.

"I love you more.." bulong ko sabay halik sa kanyang pisngi. Mabilis din syang humalik sa aking pisngi. "Promise stay with me forever?.."

Sa gitna nang titigan namin matapos kumalas sa yakap. "I'll stay with you forever..babe.. promise.." sagot ko habang nakatitig sa mata nya. Saka nya inulit ang isang linya sa kanta. Ang kanta kasi na tinutugtog ng violinist ay yung Stay with me ng isang sikat na kdrama na kinahuhumalingan ko ng sobra. Di ko alam kung paano nya nalaman na paborito ko iyon. Maybe, it's kuya. They planned it.

Hindi ko pa birthday pero sobra na ang sayang nadarama ng aking puso. Wala na yata akong mahihiling pa.