webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 46: Birthday

Umuwi din kami pagkatapos ng party. Nag-inuman pero kaunti lang. Lalo na ako. May bantay sa tabi ko. Kaya kada basong binibigay sakin. Iniaabot nya sa kapatid. Ang nangyari. Si Lance ang sobrang lakas ng amats sa amin. Tumba sa mesa. Tinulugan kami. Niyugyog pa nito ang balikat para papasukin na sa loob pero. wala ng malay ang nasobrahan ng alak. Tinawanan pa nya ito pero lagpak na sa tulog ang kapatid. Walang habas nya itong kinuhanan ng litrato. Sa awa ko. Pinagtulungan namin nina Bryan at Billy na iakyat sya sa kanyang silid. Nagpaalam din kami matapos syang ihatid.

Dumating ang araw ng martes. Kaarawan na ni Niko. "Good morning kuya.." masigla nyang bati sakin. Kinarga ko sya at itinaas. "Happy birthday bunso.." humalakhak ito sa itaas.

"Jaden, mahulog.." sita sakin ni Mama nang lagpasan kami patungo sa silid ni ate at Klein. Kaya agad ko syang binaba. Umupo ako upang magpantay ang aming tangkad. "Ilan taon ka na?.." inalis ko ang dumi sa kanyang mata. Ngumuso sya. "Pito po. Matanda na ako.."

"Hahaha.. pito?. matanda?. Sinong nagsabi nyan?. Baby ka pa nga namin eh.." ginulo ko ang kayang buhok.

"Si Klein na po baby nyo. Hindi na po ako.." nalungkot sya. Humaba pa ang kanyang nguso.

"Niko, kahit dumating na si Klein. Ikaw pa rin ang baby ko.. wag ka ng malungkot. Hindi ka magiging gwapo pag ganyang nakabusangot ka lagi. Pupunta pa naman ate Bamby mo dito mamaya.." pang alo ko dito. Nangingilid na kasi luha nito. Ako pa pagalitan kapag umiyak.

"Talaga po?.." Hindi sya makapaniwala. Napalitan ng ngiti ang kaninang malungkot nang kanyang mata.

Tumango ako. Dati nang alam ni Bamby na kaarawan nya ngayon. Kung paano nya nalaman?. Sinabi lang naman nya. Kung gaano ako katahimik. Ganun naman kadaldal ito. Kahit pa sa ibang tao.

"Yehey!.. makikta ko sya mamaya. Ate Bamby.. ate Bamby.." tumalon talon pa ito habang bumababa ng hagdanan. Sinundan ko rin. Baka mahulog. Ang likot eh.

Kaya maging sa pagpasok ng school. Masaya sya. Hindi ko mapigilang maexcite rin mamaya. Kahit lagi ko syang tinatawagan. Namimis ko pa rin sya. Hindi mawala sa isip ko ang mukha nyang laging nakangiti. Ang mata nyang parang bituin. Laging kumikinang. Ang kurot nya sa aking panga. Oras oras. Hinahanap ko sya lagi.

"Pre, sa bahay tayo. Birthday ni bunso.." Yaya ko sa barkada. Nagsigawan naman sila. Lumabas kami pagkatapos ng practice. Maswerte at pinauwi kami ngayon ng maaga. Wala pang alas tres. Nasa parking lot na kami.

"Sina Lance, pre?. Pupunta?.." Ani Aron. Isa sa matalik na kaibigan nito.

"Nagtanong ka pa?. Malamang pupunta yun. Di pwedeng mawala si Bamby sa okasyon ng mga Bautista.." Ani Kian.

"Bakit naman?.." si Bryan to. Nakasandal sa sariling sasakyan.

"Syempre, andyan si lover boy.. hahaha.." turo pa ng loko sakin. Nagtawanan ang lahat sa binansag ni Kian. Basta sila talaga ang magkakasama. Kung anu ano na ang naiisip. Umaabot sa kabilang mundo. Maloko lang ako. Hindi naman ako naiinis. Sadyang nasanay na rin ako sa kabaliwan nila.

"Tara na.. sunduin ba natin lover boy?.." tukso ng iba sakin.

"Hinde na. Sabay naman sila ni Lance na pupunta.." Ang dami pa nilang sinasatsat bago tuluyang magpaandar ng sasakyan. Hanggang sa kalsada. Inasar pa nila ako. Pinapatulan ko lang sila kapag napilitan na ako. Mga abnoy!. Kung anu anong sinasabi. Pakasalan ko na raw. Baka mawala pa raw eh. Kung ako lang rin. Gagawin ko. Pero ayoko syang madaliin sa lahat. Gusto ko. Yung dahan dahan.

Pagdating sa bahay. Naging abala na ang lahat. Wala pa si Niko. Mamayang alas singko pa ang uwian nila ni Papa. Naging abala kaming lahat sa paghahanda. Mabuti nalang at dumating na ang energizer ko. Si Bamby.

"Hi.." eto na naman yung ngiti nyang napakaganda. Pinunasan ko ang kamay saka tumayo ng tuwid sa kanyang harapan.

"Hi. buti pumunta ka?.." iminuwestra ko sa kanya ang upuan sa loob. Sabay kaming pumasok.

"Oo naman. nangako ako kay Niko eh.." umupo sya at dinungaw si Klein sa crib.

"Sa kanya lang ba?. e ako hinde mo namiss?.." nguso ko sa kanyang likod. Bumuntong hininga sya at hinarap ako.

"Ikaw?.." gigil nya sa tainga.ko. "Napakaseloso mo.." dinig na dinig ko ang pagkiskis nito sa mga ngipin.

"Sagutin mo na kasi ako para di na ako magselos.." paputol putol ito dahil sa pagngiwi. "Matuto kang maghintay. Ikaw.." pinanggigilan na naman nito ang panga ko. Binigyan ng isang mabilis na halik tapos kinurot kurot. "Baby naman.. aray!.." mahina kong reklamo. Parang hangin nya akong iniwan ng marinig ang bansag ko sa kanya. Ang bilis talaga nyang mainis. And I love teasing her.

Dumating sina Papa. Sobrang saya ni Niko nang makita kung sinong naghihintay sa kanya. Ang babaeng pinakamamahal ko.

"Happy birthday!. Happy birthday!.." kanta naming lahat. Binigay sa kanya ni Bamby ang isang regalo. Kumain kami at nagkwentuhan.

"Kumain ka na rin.." hawak ang plato na may lamang pagkain. Buhat pa rin nito si Niko na hindi magkamayaw ang ngiti.

"Thank you.." kinuha nya ito. Mabuti nalang at kinuha ni Mama ai Niko. Pinalipat sa isang upuan. Konti ang laman ng kanyang plato kaya dinagdagan ko ito. "Tama na.." reklamo nya.

"Jaden, stop.." pinalo ang braso ko. Humalakhak ako dahil inis na ito.

"Yes baby.." lumapit ako sa kanya at hinalikan ang tuktok ng kanyang buhok.

Masaya ang gabing ito dahil sa presensya ng mga mahal ko sa buhay. Lalo na ng taong nag-iisa saking puso. Ang baby ko.