webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 45: Gago

Weekend nang imbitahan kami ni kuya Mark sa bahay nila. Excited ako dahil makikita ko na

kapatid nya. Noong weekdays kasi, di ako nakapunta sa kanila dahil busy ako sa practice namin para sa graduation. Minsan lang. Nadatnan ko sila ni Lance sa parking lot. Di ko alam kung bakit sila andun. Basta ang sabi ni Bamby sakin. Bumisita lang daw sila. Masyado daw silang boring sa kanilang bahay at galing silang shop. Naghanap ng damit na maisusuot sa kasal ni Kuya Mark. Ikakasal na kasi ito sa unang linggo ng Abril. Ilang araw nalang bago matapos ang marso.

"Pre, si Mark pala ang ikakasal. Akala ko si Bamby.." Ani Kian. Nasa loob kami ng kanyang sasakyan. Sinundo nila ako. Papunta kaming bahay ng mga Eugenio. Party ni Mark.

"Oo nga eh. Yun din diba yung sinabi satin ni Lance. Loko din yun ah... pinakaba ka pre.." si Dave naman ito. Katabi si Kian sa harapan na tumatawa.

"Hindi mangyayari yon hanggat hindi nagiging kami..."

Kinatyawan nila ako. "Nay!!. boy!. lalaki ka na talaga. Bakit di namin alam?... hahahahaha.." humagalpak pa ang loko.

Kinatyawan pa nila ako hanggang sa magsawa sila. Kibit balikat lamang ang tangi kong ginawa sa mga oras na yun. Sanay na sa pang-aalasaka nilang dalawa.

"Hala!. sya na naman.." bakas ang pagtataka sa himig ni Kian. Kausap ko kasi si Tito. Ang sabi nya. Asahan nya daw ulit ako sa mismong kasal. Syempre pupunta ako dahil ako ang kapartner ng anak nya. Baka agawin pa e.

Saka ko lang pinansin sina Kian saking likod ng nagpaalam na si tito. Pinag-uusapan na nila yung taong katabi ni Bamby ngayon.

"Pare. Ano?. puntahan mo na. Baka unahan ka pa.."

Agad kong hinakbang ang pagitan namin. Diretso ang tingin. Seryosong mukha at nakapamulsa akong maglakad. Walang pakialam kung sino ang makakita.

"Jaden.." si Bamby ang mabilis na tumayo. Sinalubong ako. Nakadirekta sa lalaking kano ang matalim kong mata. Sya yung nanloko sa kanya. Tapos ngayon, ang lakas ng loob na magpakita pa dito. Wala talagang hiya ang taong to.

Hinawakan ni Bamby ang braso ko. Kinawit ang sariling braso sakin bago hinawakan ang panga ko upang makaiwas sa taong walang pakialam sa tingin na pinupukol ko sa kanya.

"Calm down.." hinawi nya ang mukha ko patungo sa kanyang mukha. Agad nagtama ang aming paningin. Naglahong parang bula ang galit na namuhay sakin ng makita ang mata nyang kumikislap. Kasabay pa ng ngiti nyang pamatay.

"Anong ginagawa ng gagong---?.." di ko madugtungan ang gustong sabihin nang ilagay nya ang kanyang hintuturo saking labi. Pinipigilang magsalita.

"Andito sya para kay Kuya Mark. Hindi para sakin.." mahina nitong sambit.

"Bakit dyan pa sya umupo?. Maraming space oh?.." nguso ko sa mga silyang walang nakaupo. Nginisihan nya ako. Saka kinurot ang ibabang panga ko. Ugali nyang gawin iyon simula noong magdate kami. "Napakaseloso talaga ng Jaden ko.." malambing nyang sabi.

Susmaryosep!.. Tao pa ba ako?. Bakit ako nakalutang ngayon?.

"Calm down okay?. sa'yo lang ako. Hinding hindi maagaw ng iba. Kahit sino pa yan.."

Nilinis ko ang lalamuann sa kilig. Naykupo!. Kinikilig ka boy!!.

"Sinasagot mo na ako?.." irap agad ang binigay nya sakin. Nakamot ko lang ang sariling batok sa ginawa nyang yun. Ang sungit.

"Tara duon. Ipapakilala kita.." hinila nya ako sa gawi ng taong robot. Di man lang natinag sa titig ko kanina.

Ilang dipa lang naman ang agwat nya samin. Hinintay pa kaming makalapit. Sarap sapakin ng ngiti nya pre.

Sabay kaming huminto ni Bamby sa harapan nya. Prente pa rin itong nakaupo at nakasandal sa upuan.

"Dilan.." umpisa ni Bamby. Tumingin sa kanya yung robot ng nakangiti. Bwiset ako sa mukha nya. Kaya agad kumunot ang maayos na linya ng noo ko. "This is Jaden. Jaden, this is Dilan.." pormal nya kaming pinakilala. Tumayo yung Dilan. Magkasingtangkad lang pala kami. Inilahad ang kamay. Kung di pa ako siniko ni Bamby. Di ko iyon tatanggapin. Nakakagalit e. Babaeng, gusto kong ingatan. Protektahan at alagaan. Niloko nya lang?. Gago!.. Napakalaki nyang gago!.

"Nice meeting you Jaden.." sambit pa nya. Sarap sipain. Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. "Nice meeting you too Dilan.." may diin ang bigkas ko sa kanyang pangalan.

Matagal bago naghiwalay ang aming mga kamay. Kung di pa sya tinawag ni Lance. Baka nagsuntukan na kami sa pamamagitan ng tingin. Masama din ang tingin nya sakin e. Mas lalong masama ang ipinakita ko sa kanya. Masama naman talaga sya.

"Di ko gusto yung ginawa mo.." anya. Magkatabi na kami sa upuan kasama ng iba pang tropa.

"Sorry. Di ko lang mapigilang magalit." bulong ko pabalik bago sinubo ang pagkain na hawak.

"Ayoko ng maulit yun..."

Tumango ako.

"Hindi na mauulit... kung hindi ka nya lalapitan.."

"Jaden?.."

"Baby, ayoko sa mga taong manloloko. At ayokong niloloko lang nila... ang babaeng iniingatan ko.." Hindi sya nakaimik. Umawang ang kanyang labi. Titig na titig sakin.

"Ayoko lang na masaktan ka ulit. Sana maintindihan mo ako.." hinaplos ko ang kanyang pisngi. Kinuha ang takas nyang buhok saka inipit sa likod ng kanyang tainga. "You don't deserve the pain baby. All you have is love and care. And I'll assure you that.." hinalikan ko ang kanyang noo bago sya inakbayan ng mahigpit. Tahimik ang lahat sa mesa. Lahat nakikinig at nanonod samin na parang nasa loob ng pelikula.

Hi y'all. Malapit na pong matapos ang point of view ni Jaden..

Chixemocreators' thoughts