webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 44: Cute

Bumaba akong bagsak ang mga balikat. Akbay ni Kuya Mark. Sa baba nakatingin. Walang mukhang ihaharap sa taong naghihintay na sa akin.

"Magandang gabi kuya.." masigla nyang bati.

"Magandang gabi rin Jaden.." pareho kaming nakatayo na sa harapan nila. Di pa rin nya inaalis ang brasong nakaakbay sakin. Tinatapik tapik pa ang hawak na balikat ko.

Magkahawak ang dalawa kong kamay. Pawisan na. Lintik ang aking kaba!. Dinaig ko pa ang nagrerecite sa recitation Ampusa!. Help me kuya!..

"O Bamby. Yung notebook daw ni Jaden. Gumagabi na. Baka hanapin raw sya sa kanila.." parang kidlat ang boses ni kuya Lance. Tumama sakin ng ilang boltahe dahilan para manigas ako.

"Bro.." hinila ako ni kuya sa kanang gawi ng upuan ni Ace. Saka pinaupo. Tinulungan pa ako dahil wala akong lakas. Naubos. Kinain ng hiya.

"Anyare dyan kuya?.. Haha.." biro ni kuya Lance.

"Lance.." baritonong himig ni kuya Mark. Sinusuway ito. "She's not okay, okay?.." paliwanag nya pa rin. Damn!. This is so awkward!. I wanna run now. As in now!.

"Jaden. Matanong ko lang. Bakit nanghiram sayo si Bamby ng note?.." yung tanong nyang di ko nasagot. Sa kanya nya naman itinanong. Mahusay.

"Kulang kasi yung nakuha nyang current events sa library kanina kuya. Eksaktong papunta naman ako dun kaya kumuha na rin ako ng kailangan nya.."

Dinig kong may mahinang sumipol. Kilala ko na kung sino sya. Walang iba. Ang kapatid kong malakas mantrip. Si kuya Lance. O men!. Shut up!.. Please...

"Kailangan mo ba yung note mo?.."

ang tagapagligtas ko ngayon. On set sya. Thanks kuya!..

"Hindi naman. Extra note ko lang yun. Bakit po?.."

"Ah.. kasi etong kapatid ko. Di mahanap yung note mo. Ang sabi nya. Nilagay nya pa raw sa bag nya bago lumabas ng kanilang room pero wala raw bigla. Hinalughog na nya ang kanyang bag pero wala.."

Nabunutan ng tinik ang aking lalamunan sa narinig mula kay kuya. Ako sana ang magpapaliwanag ngunit wala akong lakas ng loob magsalita. Di talaga ako makapaniwalang hahantong sa ganito ang lahat. Paanong nawala yun?. Posible bang may kumuha?. Sino naman kaya?.

"Ganun po ba.. hehe.." anya. Awkward dude!.

"Hayaan mo bro. Pag nahanap nya. Idadala nalang namin sa bahay nyo.."

"Okay po.."

Ilang minutong katahimikan.

"Bamby, baka nasa kotse ni kuya Lance. Diba nahulog duon kanina yung bag mo?. " singit ni Ace. Duon ko naalala na nahulog nga kanina yung bag. Nakabukas pa. Kaya posible.

"Tara hanapin natin.." alok ni kuya Lance sabay tayo. Sumunod na rin kami sa kanya sa labas. Papuntang kotse nya. Nakabukas na ito ng nakalabas na ako. Silang dalawa ni Ace ang naghahanap sa loob.

"Here!.." dinig kong deklara ni Ace. God!. Mabuti nalang po. Thank you!.

Iniabot agad ni Ace kay Jaden ang note nya.

Itinaas nya naman ang notebook habang nakangiting nakatingin sakin. Di ko naman magawang ngumiti dahil sa lintik na naman na kaba.

"Mauna na ako.." paalam nya bigla. Dun lang rin ako natauhan. Humakbang ako palapit sa kanya. Walang pakialam sa makakakita. Oh well!. Let's just be happy atleast one second. It's not that I want to. Because I have to. Happiness is your choice. Either you take it or just ignore the whole thing like some nothing.

"Hatid na kita sa labas.." presenta ko na tinanggihan nya agad.

"Huwag na.."

"Please.." damn!.. di ko na makontrol feelings ko. Umaapaw sa paghanga sa taong kaharap ko.

"Jaden, pagbigyan mo na. Sa labas lang naman.. Sobrang guilty yan kanina nung malamang nawala nya yang hawak mo. Kaya pumayag ka na.." ani kuya Mark.

Tumikhim naman si kuya Lance. si Ace, nakatingin lang. Wala ang mga ngiting lagi kong nakikita sa kanya.

"Salamat.." anya nang nasa labas na kami. Nakapark sa harapan ng bahay ang motor nya.

"No. Ako dapat ang magpasalamat sayo..Tsaka, pasensya na rin kung pinakaba kita.. hehe.."

Nginitian nya ako saka nilapitan muli. Lumayo kasi sya ng bahagya dahil nilagay sa motor yung note. Bumalik ng mag-usap kami ulit.

"Haha.. ako yata ang nagpakaba sayo e.." natulala ako sa maganda nyang ngiti. Gosh!. Wake me up!. Air please!.

"Ahahaha.. ang cute mo talaga. Sige na. Pumasok ka na. Baka mag-alala na sila sayo.." ginulo nya ang aking buhok habang dinudungaw ang mata kong hindi kumukurap. O MY GOODNESS!.....

Pinitik pa ang ilong ko. Damn!. What's on you Bamby?. Move your little heart Bamby!.

"Pasok na.. hahaha.." inikot pa ako. Duon lang kumurap ang mata ko. Nanigas kanina. Na starstruck sa lalaking di ko aakalaing makikita ko ng ganung kalapit. Daig ko pa nanalo ng loto ngayon. I'm sooo damn happy dude. I think I wanna marry you. Oh sshhh!..