webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 4: Classmate?

Mahaba ang ginawang introduction sa unang flag ceremony. Mabuti nalang at natapos na rin ngayon. The fact!. Gusto ko nang umupo dahil kanina pa nangangatog tong tuhod ko. Naman kasi. Nasa likod ko sya. Duon luminya. Imbes sa kabila. Hiwalay ang linya ng babae sa lalaki. Pero dahil sa pinakalikod sya. Hindi na sya napansin ng mga guro.

"Grabe. Nauhaw ako.." reklamo ni Joyce matapos uminom. Nasa loob na kami ng bago naming room. Todo ang paypay ko. Kakaupo lang rin namin. Kaharap ko sina Winly at Joyce. Hinihintay ang pagpasok ng magiging guro namin.

"Sinabi mo pa. Kanina pa ako upong upo." asik ko. Kahit may ceiling fan. Kulang pa rin sakin. Kung pwede lang akong tumakbo pabalik ng bahay para magkulong sa loob ng ref ay kanina ko pa ginawa. Grabe! Ang init ng pakiramdam ko sa presenya nya. Gosh!.

"Halata naman sayo te." halakhak pa nito. "Akala mo ha. Nakita ko yung taong nasa likod mo kanina. Tsk!. Tsk. Hindi ka naiinitan gurl sa totoo lang.. Kilig yan.. kilig na di napakawalan.. hahaha." bulong nya. Tinulak ko sya palayo dahil nakikiliti ako sa may tainga dahil sa kulot nitong buhok. Pasalamat ako dahil maingay ang iba naming kaklase. Dahil kung hinde? Susmaryosep! Matinding kahihiyan ang aabutin ko. Wala namang makakaalam kung sinong tinutukoy nya pero mas pinili nyang ibulong ito. Tumataas taas naman ang kilay ni Winly sakin. Mukhang alam rin ang ibinulong ni Joyce.

Maya maya. Pumasok na rin ang adviser namin. Medyo may edad na. Nasa kwarenta ganun. Mataba. May katangkaran. At sana mabait.

The normal first days in school.

Self introduction!.

"Hi I'm Ryan Cruz. 14 years old." unang pakilala nya. Pansin kong tumangkad sya ng kaunti at pumuti ng bahagya. Matapos nagpakilala. Nagbow ito.

"Good morning. Winly Castillo here.." maarte pa nyang sabe. Winasiwas pa ang invisible na buhok. Ang vakla!.

"Hi classmates. I'm Bamby Eugenio. 13 turning 14.. Bam for short.." pagpapakilala ko naman. Mabuti nalamg at pinaupo na agad ako dahil sobra pa sa sobra ang kaba ko ngayon. Di ko alam kung bakit naging kaklase ko pa sya hanggang ngayong high school. Di naman sa ayaw ko, alam mo na. Naiilang talaga ako kapag nasa paligid sya.

"Good morning. My name is Karen Manalo. Ren for short.."

"Hello. My name is Jean Santa."

"Henlo. My name is James Dumlao.." marami pa ang sumunod na nagpakilala. Nang dumating na sa punto na si Jaden na ang susunod ay may biglang pumasok na guro.

"Excuse me Ma'am Perez." bati nya sa aming guro. Kinausap nya ito saka tumingin sa nakatayo nang si Jaden.

"May I call Jaden Bautista?. Your room is in the other side.." anunsyo bigla ng bagong dating na guro.

Natahimik ang maiingay. Para akong nakahinga ng maluwag kasabay ng lungkot sa aking puso. Sa wakas. Makakahinga na ako ng normal dahil di na nya makikita ang bawat galaw ko. Ayoko sanang lumipat sya. Mas maganada kung kaklase ko pa rin sya kahit na sobrang nahihiya ako sakanya kakayanin ko basta makita ko lang palagi ang mukha nya. Ngunit syempre, no choice. I have to accept the fact that sometimes we have to go part ways. Ang oa!.

"Thank you Ma'am." paalam ng guro.

"Bye.." paalam ni Jaden bigla bago tuluyang lumabas ng pintuan. Nakipagkamayan pa muna kila Bryle, Paul at Billy na kakatapos magpakilala.

Bumagsak na ng todo ang aking balikat. Nagpakawala ng kanina pang nakatago na hininga. Di mapakawala dahil sa kaba at hiya.

"Wag ka ng malungkot. Katabi lang naman natin ang room nya." bulong ni Joyce. Wala naman akong choice kundi maging okay sa nangyari. Mas mahahalata ako kung ipapakiusap ko syag ibalik sa room. Wala pa akong kapal ng mukha para gawin iyon. Saka nalang.

"Mas maganda na rin yun para di ka nya mahalata. Hahahaha.." pang aasar pa ni Karen na nginusuan pa ako. Nagtawanan sila ni Winly ng mahina. Malungkot ko lang syang tinitigan bago tumango.

Okay fine. Sana kahit magkalayo tayo sa ngayon. Tayo pa rin sa huli! Heck!