webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 36: Babe

Sabi nga nila, life is short. Hindi ako noon naniniwala sa mga kasabihan. Tulad nito. Pero ngayon, narealize ko nga na maikli nga talaga ang buhay. Na maaari, sa kahit anong oras at araw. Umulan man o umaraw. Maaari kang bawian ng buhay. Maswerte pa ako kaai naidala pa ako sa ospital. Heto't buhay pa, subalit tulog naman.

"Babe?.." isang boses ang nagpatibok muli ng puso ko at nagpagana muli ng takbo ng isip ko.

Ang boses na yun. Yun yung huli kong narinig bago nawalan ng malay. At.. isang iglap.. bumalik lahat ng alaala ko.

"Miss na miss na kita.." he added. "Ang sabi nang kuya Lance mo, gumalaw ka raw nung kinausap ka nya kanina.. Sana ganun ka rin sakin.. babe.." malungkot nitong himig. Hinawakan ang aking palad saka ikinulong sa kanyang mga kamay. "I miss your voice. Your smile. Your laughs.. pati kung paano mo ako asarin at lokohin... lahat.. pati tunog at amoy ng utot mo.. miss ko na.. di ko na alam gagawin... kung hindi ka pa magigising.."

Baliw din sya.. utot talaga?. Kahiya..

Namimiss na rin kita babe.. sobra..

"Kung alam ko lang na mangyayari yun sa'yo noong araw na yun.. sana... sinamahan nalang kita... para tayong dalawa ang nakaratay dyan sa hinihigaan mo... hindi ko kaya ang makita kang walang malay.." bumuntong hininga sya. Suminghot pa. "Sorry kung hindi ko alam magmaneho... torpe kasi tong boyfriend mo.. kung sana noon ko pa inaral ang magdrive.. e di sana ako ang naghatid sa'yo. sana hindi nangyari ang ganito.."

"Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag may nangyaring masama sa'yo... hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili. kaya pasensya kung ngayon lang kita.. dinalaw.. naduwag akong magpakita sa lahat.. lalo na sa pamilya mo.."

"Tama nga si Lance.. duwag ako.. gago.. pinabayaan kitang umalis nang mag-isa... deserve ko nga ang suntok nya.."

What!?.. Suntok?. Ibig ba nyang sabihin, sinuntok sya ni kuya?. Tsk... Sabing wag padapuin ng kamao ang kanyang mukha e.. Anong nangyari ngayon?..

"Gising na babe.. ang dami kong kwento... ayoko sanang sabihin sa'yo to pero kailangan. Baka kapag sinabi ko sa'yo ang kanilang surpresa.. magising ka.. babe.. alam mo ba?.. Binigyan ako ni kuya Mark ng ticket papuntang South Korea. Hindi ko alam kung anong dahilan nya.. basta ang sinabi nya lang sakin..samahan daw kita sa dream land mo..."

Whoa!?.. Seryoso sya?.. Waaa!!...

"Pero, bago natin puntahan ang dream land mo.. gising ka muna babe please...para sabay tayong pumunta nila Lance ng South Korea...."

Unti unti kong iminulat ang aking mata. Liwanag agad ang naislayan ko kaya pumikit akong muli.

"Babe.." naexcite sya bigla. Tumayo pa at kinawayan ako kung kaya't nahaharangan nya ang ilaw na sobrang liwanag.

Tinignan ko sya at dahan dahang nginitian. Nakita ko kung paano mahulog ang butil ng mga luha sa kanyang mga mata. Nag-uunahana ang mga ito. "Gising ka na babe.." garalgal pa nyang sabi. I just smiled at him a little bit.

Humalakhak sya. Lumayo ng kaunti bago pinunasan ang kanyang pisngi. "Hahaha.. sandali lang babe ha.. wag ka ulit matutulog.. tawagin ko lang sila.." dala ng kanyang emosyon. Nanginig pa itong nagpipindot sa kanyang cellphone.

"Hello bro..." uutal utal nyang tawag sa kausap. Nilibot ng aking paningin Ang paligid. Ospital nga ako. Puno ng mga makina ang gilid. Malalaking oxygen tank at kung anu ano pa.

"Bro, gising na sya..." hanggang ngayon, umiiyak pa rin sya. Gustuhin ko mang gumalaw. Hindi ko magawa. Namanhid ata ang katawan ko dahil sa matagal na pagkakahiga. "Kanina lang bro.. sige.. antayin ko kayo.." then he put his phone down..

"Kilala mo pa ba ako babe?. May masakit ba sa'yo?. Okay ka lang ba?..." di ko magawang suamgot sa kanya dahil sa dami ng kanyang tanong. Nakakalito.

Maya maya.. Pumasok ang ilang doktor at nurse. Chineck ang vutal signs ko. Ang sabi nila. Okay an raw. Ilang saglit lang ang pagitan. Sumunod naman si kuya Lance. Basta nalang nyang nilagay ang hawak na supot sa upuan na nasa harapan ng higaan ko at tumabi na kay Jaden.

"Bamby, kilala mo ba ako?.. sya?. You know him?." I don't get it why is their questions are like that. Kilala ko pa naman sila ah.. Bakit kung makareact sila, daig ko pa may amnesia?.

"Doc, how is she?.." hinarap nito ang doktor nang di ako sumagot.

"She's okay.. base sa test na ginawa namin.. Wala syang amnesia..."

"God thank you!.." he preached.

"You should be thankful hijo dahil traumatize yung nangyari sa kanya but she survived it..."

"Yes doc.. thankful din po kami sa tulong nyo..."

"It's my job tho.. hahaha.. sige na...alalayan nyo muna sya. wag biglain...get well soon hija.." Yun lang at nagpaalam na sya.

Naiwan ang dalawang malikot na bata. Si kuya Lance at Jaden.