webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 35: Hospital

"Anak, gising ka na oh. May surprise kami sa'yo.." garalgal ang dinig kong boses ni mama.

"Isang buwan ka nang tulog eh.. baka naman pwede gumising ka na ngayon.." she's crying now. My heart really broke. Isang buwan talaga akong tulog?. Paano nangyari iyon?.

"Ma, tama na yan.." kuya Lance voice out..

"Lance..." tawag nya sa kapatid ko. I still heard her crying. She held my hand. Playing my fingers. "Paano mo pupuntahan ang dream destination mo kung hindi ka pa nagigising dyan?.."

"Nak, please... we miss you. a lot..." dagdag pa nya sa kabila ng mga pagsinghot.

"Pa, uwi na po muna kayo.. ako na po muna ang bahala dito.." it's kuya Lance again.

"Ma, let's go... you need to rest.. hindi pwedeng makita ka nyang ganyan ang itsura kapag nagising na sya.."

"But---.." pinutol sya ni kuya.

"Ma, tama si papa..magpahinga po muna kayo... kumain ng marami... what if magising sya mamaya tapos makita kang hindi maayos ang lagay.. mas lalo lang syang mag-alala sa inyo.."

At hindi nga nagtagal. Narinig ko na ang langitngit ng pintuan. Hudyat na lumabas na nga sila.

May naramdaman akong nag-ayos ng sapin sa katawan ko bago hinila ang upuan sa gilid at umupo. Ilang sandali syang tahimik. Tunog lamang ng machine ang tangi kong naririnig. Kahit ang paghinga nya. Hindi ko marinig.

"Bamby..." unang bigkas palang nya sa aking pangalan. Basag na ito. Nilinis nya ang lalamunan bago nagpatuloy.

"Kailan mo balak gumising ha?.." he clean his throat again. "Isang buwan ka ng tulog alam mo ba yun?." at bigla syang suminghot.

He laughed.

"Ah.. Hindi mo nga pala alam kasi tulog ka.. hahaha.. crazy Lance.. nakakatawa pala noh... saka mo lang pala makikita ang halaga ng isang tao kapag umalis sya noh?.. Di ka naman umalis e.. at.. please lang.. wag muna.. you're too young.., sa totoo lang. Tulog?. iyon ang right term.. Nga lang ng isang maha---bang buwan.. Tuloy sa isang buwan na yun, nawalan ako ng kausap.. kapikunan. kadaldalan at kaasaran... wala kasi yung taong laging andyan para asarin ako. yung taong kaya akong galitin at pasayahin ng sabay.. in short.. baliw... hahaha.."

Crazy!...

"Hinde.. pero seryoso kapatid... alam mo ba nung narinig kong nasa ospital ka't naaksidente?. Parang biglang nagsanib ang langit at lupa sa paningin ko dahilan para magunaw bigla ang aking mundo. namental block ako.. lahat ng kaalam ko.. nawala bigla.. lahat ng paghahanda ko... nabalewala.. ganun pala talaga kapag emergency.. biglaan.. wala sa oras.. Wala sa panahon.. Basta kung andyan na... andyan na.. sumakay ako noon ng sasakyan na di alam na baligtad pala ang suot na tsinelas.. hindi pa ako naligo noon.. kahit pawisan pa ang damit ko kasi galing akong workout..pero sumugod na ako sa ospital na kinaroroonan mo.. kilala mo ako.. Hindi ako lumalabas ng bahay hanggat walang ligo.. but that day?.. damn sis.. Tsk.. di ko alam pero, iyon ang unang pumasok sa isip ko. Ang puntahan ka at siguraduhing salba pa rin ang buhay mo.."

Aw...

"Nang makitang duguan ang ulo at lahat ng parte ng katawan mo.... wala akong nabanggit na matino... puro mura ang lumabas sa bibig ko.. kaliwaan.. nagmukha akong baliw kapatid... hahaha.. Alam mo yun.. imbes na humiling na idilit mo ang mga mata mo.. isang suntok pa ang pinakawalan ko... tsk.. sabihin mo na akong gago... oo na.. gago na ako kung gago..sinong di magagalit kung nakaratay sa ospital ang nag-iisang prinsesa ng pamilya mo?. Sagutin mo nga.. psh.. kung gising ka lang.. puro sapak na mukha ko.. e sa galit lang talaga ako..."

Gago na.. baliw pa.. tsk..

Batay nga sa kwento mo. Galit ka nga..

"Sana naman magising ka na Bamby.. si Mama kasi, laging umiiyak.. ayaw kumain.. di rin natutulog.. ayaw pang umuwi.." tumayo sya't hinawakan ang kamay ko. "Alam kong kakayanin mong lagpasan ang pagsubok sayo.. malakas ka diba?.. Kaya lumaban ka para sa amin....para sa aming lahat na nagmamahal sa'yo.." at isang halik ang binigay nya sa aking noo.