webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 34: Sayang

Pagkatapos mananghalian. Nagpahinga kami sa may kubo. May duyan duon kung saan pwede kang magpahangin bago matulog. Ako sana ang pepwesto, kaso hinila ako ni ate paatras upang sila ni Klein ang sumakay doon. Nagpaubaya nalang ako. Umupo sa tabi ni Mama.

"Jaden, nakita nga pala namin sina Bamby sa simbahan kanina. Grabe. Ang gandang bata. Madaming humahanga sa kanya.." puri ni ate habang hinehele si Klein sa.duyan.

Sayang!. Kung alam ko lang na linggo pala ngayon. Magsisimba ako. Bakit ba kasi bigla nalang nawala sa isip mo yun Jaden?. Dala ng alak?. Ang sabihin mo, tinamad ka dahil masyado kang nasaktan sa mga sinabi nya kagabi. Posible bang mawala nalang bigla ang pagtingin ng tao sa'yo?. Sa apat na taon?. Posible nga. Pero bakit ako?. Hanggang ngayon, sya pa rin ang gusto ko. Tingin ko pa nga, mas lumalim pa.

"Sinong kasama nya?.." tanong ko makalipas ng ilang minuto. Nag-isip kung itutuloy pa ba ang tanong ko o hinde na. Heto ka na naman ba Jaden?. Mahihiya?.

"Ang buong pamilya nya syempre. Kamukha pala nina Mark papa nila noh?.. Gwapo.."

"Sinabi mo pa. Hindi halatang may edad na.." si mama habang minamasahe si Papa aa likod. Ang sweet. Kailan kaya ako magkakaroon ng kasweetan sa katawan?.

Di ko na dinugtungan pa ang tanong ko. Baka ibalik sakin ang tanong. Alam mo na. Kumpleto pa naman kami. At lalong, naging masigla na si ate. Mas delikado na ako.

Pero totoo bang sya ang naghatid sakin kagabi?. Hindi mapalagay ang utak kong tinotorete ako. Kaya nagpasya akong tanungin nalang si mama. "Ma?.." pagbibitin ko sa gustong sabihin.

"Hmmm..." she just hummed.

Lumunok ako at nag Indian sit sa kahoy na upuan. "Sino po palang naghatid sakin dito kagabi?. Di ko na po kasi matandaan.." paliwanag ko agad para di sya mag-aasume ng kung anuman. Tsaka, gising pa si ate. Malamang maririnig nya ako.

"Paano mo matatandaan e. Sobrang lasing mo na. Mabuti pa nga at nabuhat ka ni Bamby e. Naku anak. Ano bang ginawa mo kagabi at nagpakalasing ka ha?. Buti di mo nalunok pati yung bote ha?.." sutil nito sakin. Pinandilatan pa ako ng mata.

Sya nga. sinabi na ni ermat. Walang duda. Pero ang tanong ko naman ngayon ay bakit?. Bakit nya pa ako hinatid?. Dapat sana, pinabayaan nya nalang ako. Tutal, ganun naman ata ako sa kanya. Balewala.

"Ahahahaha..." halakhak ni ate.

"Grabe ka naman ma.." sita naman sa kanya ni papa.

"Ma naman. Nagkasayahan lang kami.. Alam mo na..tsaka di ko alam na sya pa pala ang maghahatid sakin.."

Nginiwian ako ni ate. Pero binalewala ko iyon.

"Anong alam ko ha?.." umayos ng upo si mama at tinitigan ako ng masama.

"Party kasi yung pinunthaan namin ma. Alangan naman na di kami uminom .Tsaka, kilala mo naman sila Kian diba. Mga lango sa alak ang mga yun.."

"Tapos gumaya ka naman?..." tinaasan na talaga ako ng mataray nyang kilay. Susmaryosep!!..

"Nagkasayahan nga lang ma."

"Yung totoo, nagkisaya ka ba o nabroken hearted?.." si ate ito. Inagaw ang pansin ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanila. May alam kaya sila?.

"No need to answer. Halata naman sayo kagabi. Di mo gawaing uminom ng marami tapos ihahatid ka ditong luray luray na. Sinong niloko mo boy?." si ate pa rin ito. Di ko magawang sumagot sa kanya. Kasi may katotohanan yung mga sinabii nya. "Wag ka ng umasa kung ayaw mong masaktan pa.."

"Ate?.." tanong yun na di nakatakas saking bibig. Tumayo ng bahagya ang kanyang ulo upang silipin ako. Binasa ko lang ang labi sa kaba. Kabang hindi alam kung saan nagmula.

"May kasama syang binata kanina with her whole family Jaden. What do you think about them huh?.."

Nagkibit ako ng balikat. I don't think so.

"Aba malay ko sa kanila.." Ang sakit bigkasin ng mga katagang ayaw sabihin. Para itong patalim. Unti unti kang papatayin.

"Really?!.. Sinabi sakin ni Mark bago sila umuwi dito. Malapit na raw silang ikasal.." laglag ang panga ko kay ate. Nabingi ang tainga ko dahilan upang walang marinig sa patuloy nyang sinasabi.

Kasal?. Ang bata pa nya para doon.

Akala ko, mahirap na yung nangyari kagabi. Kaya ba ganun yung mga sinabi nya at yung mga reaksyon nya?. Yun ba iyon?. Akala ko okay lang yung kagabi. Kaso, hinde pala. Hinde pala ayos dahil mas masakit pa itong narinig ko kumpara noong nakalipas na mga oras. Oras lang ang pagitan ng pagkawasak ng puso kong sawi. Taon ko itong binuo. Pero bakit isang pitik at salita lang, basag na agad ito ng pinu pino?.. Ang sakit. Sana ako nalang. Sana hinintay nya ako. Sana... sana pwede pa kami. Bullshit!.

Eto na ba katapusan ng love story namin?. O ito palang ang simula?.

Hindi ko na alam.

Basta ang tanging alam ko lang ngayon. Nasasaktan ako. That's that!.