webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 33: Aral

Hindi ako mapakali simula nung sabihin sakin ni Niko na sya ang naghatid sakin. Paanong sya?. Hindi pa rin ako naniniwala hanggat hindi naririnig ang opinyon ni ermat tungkol dito. Pumanhik ako sa taas at naligo. Nagbihis at nag-ayos. Alas dyes na ng nakauwi sila. Sa tv lang kami nakatutok ni Niko. Parehong nakasalampak sa mahabang sofa habang ngumunguya ng chitchirya.

"Bless you mga anak.." sinalubong namin sila at nagmano. Binigay agad sakin si Klein. Buhat Ito ni ate na agad dumiretso ng banyo.

"Anyare dun ma?.." nagtataka kong tanong kay Mama na may abala sa loob ng kanyang bag.

"Nasa simbahan kanina si Gerald. Nakita namin sya.." napatingin ako sa loob ng kusina. Kung saan ang daan patungong banyo.

"Kinausap ba nya?.." Hindi ko pa rin inaalis ang mata sa loob ng kusina. Nagtataka. Umiiyak na naman sya. Panigurado. Kinuha ni Papa sakin si Klein bago nagaalita sa unang pagkakataon patungkol kay Gerald. "Hindi na namin nilapitan dahil may kasama syang babae. Buntis pa.." lumabas si Papa. Pumunta sa may kubo kung saan mas presko. Sumunod din ako sa kanya. Si mama, nagsabing magluluto raw muna. Si Niko naman. Di maiwan ang tv.

"Okay lang ba si ate?.." kailan pa naging okay ang isang tao kapag nakita nyang may kasama nang iba ang taong mahal nya Jaden?. Sige nga?. Sagutin mo yang sarili mong tanong. Tsk.

Alam mo ang pakiramdam ng iniwan o naiiwan ng taong mahal nya Jaden. Kahit di pa sabihin sa'yo ng kapatid mo ang nararamdaman nya. Isang daang porsyento. Kahit makipagpustahan ka pa. Nasasaktan na sya. Ikaw man. Hinde ba?.

"Pain is also our teacher son. Kung nasaktan man sya. Sigurado akong, matututo rin sya duon.."

"Pa naman.." paano nya nasabing matuto dapat sa mga sakit?. Kailangan ba dapat may ganun? Kailangan ba dapat, masaktan ka muna bago matuto?. Ang unfair.

"Mas lalong nagiging malakas ang isang tao kapag marami na syang pinagdaanan Jaden. Noon, ayaw makinig ng ate mo samin. Hindi naniniwala sa mga turo namin ng mama nyo. Ngayon, sa ibang paraan sya tinuturuan. Sa paraang masakit at mahirap intindihin.."

I know what he meant. Nakita ko naman na paulit ulit nilang sinasabihan ito noon na mag-ingat o wag munang gumawa ng mga bagay na di nya pa kayang hawakan o mapanindigan. Ang tigas ng ulo. Lahat ng payo,. sinuway nya. Binaligtad maging ang mga gustong ipagawa sa kanya nina mama. Imbes na umuwi ng maaga. Laging madaling araw na kung nasa bahay. Sinabing wag magbisyo. Anong ginawa, nalulong sa mga bisyo. Impluwensya ng boyfriend nyang hinde maganda ang idinulot sa kanya. Mahirap man tanggapin na ganun ang nangyari sa kanya. Wala na kaming magawa kundi tulungan nalang syang bumangon at suportahan sa anumang ginagawa nya. Dahil hinde nalang sya ang inaalala namin. May anak na itong dapat buhayin at alagaan.

"Masakit makitang nahihirapan sya. Pero wala akong magawa para ibsan ang sakit na yun sa kanya. Ang tanging maitutulong ko lang... ay ang suporta. Suporta sa lahat ng gagawin nya para maiayos muli ang buhay nya. Alam mo bang hinde ito ang pinangarap ko sa ate mo.. sa inyo?. Matayog ang pangarap ko sa inyo. Hindi yung ganito.." iling nya sa huling pangungusap na binigkas nya. Nadidismaya sa nangyari kay ate. "Ganunpaman, naniniwala akong. May magandang bukas pa rin ang ate mo. May tiwala ako sa kanya.. I know her. She's strong and independent. She knows what she's doing.." patuloy nito. Sa bukana ng kusina sya nakatingin. Lumingon ako at nakita lang naman syang nakatayo doon. Pulang pula na ang buong mukha. She's crying. Sumisinghot na.

"Papa..." mabilis nyang nilapitan si papa kahit walang tigil ang pagpatak ng kanyng luha. Umiyak din agad si Klein. Kaya kinuha ko sya sa pagitan nila ni ate.

"Ssshhh.." tahan ko kay Klein habang tumitingala para pigilan din ang luhang nagbabadya. "Stop crying na. Mommy is okay.." kausap ko kay Klein para tumahan. Mabuti nalang at dala ko yung pacifier nya. Nilagay ko ito sa kanyang bibig. Doon ito tumahan.

At eksaktong pag-angat ko ng tingin. Nahagip ng mata ko si mama na nakatayo sa may hamba ng pintuan. Nakahalukipkip at pulang pula ang ilong. Umiiyak rin habang pinapanood sila. Sinenyasana ako para wag magsalita. Tumango naman ako sa kanya. Pilit inaabot ang gilid ng mata na may luha na. Palihim ko itong pinunasan.

"Wag ka ng umiyak. Andito lang kami para sa inyo ni Klein..Hindi namin kayo pababayaan.." yakap sya ni Papa habang sinasabi ang mga ito. Tapik ang kanyang likod.

"Sorry papa.." hagulgol ni ate sa kanya.

"I know.. wag ka ng umiyak.." ilang sandali pa muna bago sya tumahan. Pinunasan ang mata at buong mukha bago tumayo sa harapan ni papa. "I won't promise po. But I want you to know that from now on. I'll do my best po to be the best in all. For Klein and for our family. Sorry po sa mga nagawa ko.."

"Ssshhh.. that was done. Don't let your past jugde your future. Let go of things that hurt you. Learn to live now. And make your best self for your future.." yinakap muli sya ni Papa. "I know you can do it now young lady. I trust you.." tinapik sya ni papa. Tumango tango naman ito. Lumapit kami at niyakap rin sya. For the past three years. Ngayon nya lang ulit ako niyakap. Nakakawala ng hang over.

Pagkatapos ng ilang oras na usapang iyon. Tumahimik na ang isipan namin para kay ate. Sana nga. Gawin nya yung mga pangako nya. Wag lang puro salita para di na muling madismaya sina Mama.

Sometimes, the lessons are learned the hard way.