webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 28: Name of the day

Parang nakalutang pa rin ako hanggang ngayon. Di ko pa rin maatim ang nakita ni Jaden. Damn Ace!. Makatitig kasi. Bakit naman kasi tumitig ka rin Bamby!.

Shit!.

"Assemble.." pumalakpak na ang baklang magtuturo samin. Agad kong nilapag ang bag sa gilid ng hall. Tabi ng mga bag nila saka tumabi sa kaibigan kong weird.

"You look pale.." tumagilid sya ng kaunti tapos ibinulong ito sakin.

Pinandilatan ko lang ng mata. "Your fault."

Paismid itong tumawa. Nagsasalita na kasi yung magtuturo. Bad influence lang.

"Position. By year level. Sa harapan ang mga first year. Katabi ang second year. Sa likod ang third and forth." mabilis kaming kumilos. Kanya kanyang pumwesto.

Bumaba sya ng stage. Tiningala kami. Hawak ang baba gamit ng kanyang kamay. Nag-iisip.

Maya maya.

"Change position. Isang per year level sa harapan. Ace and Bamby sa harap. Denise and Jaden. Sa likod nila." pinalipat ang dalawa. Damn!. Paano ako ngayon kikilos neto?.

Yung iba pa naming kasama ganun rin ang ginawa.

"That's great. Then follow us.." tumunog ang radyo sa indak ng isang opm hit. Sinabayan nga namin sila hanggang sa pinaulit ulit samin. Pagod at pawis na ako ng sitahin ng nagtuturo.

"Bamby, more swag!.." hiniling ko ng oras na yun na sana higupin nalang ako ng sementong lupa. Ako pa talaga napansin nya. Suskupo!. I need oxygen now!.

Tinodo ko ang pagsayaw pero kulang pa rin anang trainor namin. Nakakapanlumo.

"Ang galing mo kanina ha.." si Ace. Inabot ang bottled water. Nakabukas na ito ng abutin ko.

"Wag mo nga akong lokohin. Di mo ba narinig yung sinabi nila kanina?.." mabigat ang loob kong sambit. Pinapanood ang ibang level na maingay sa kabilang dulo. Patuloy pa rin sa pagsayaw kahit oras na ng pahinga.

"Hinde e." sagot nya.

"Ginagawa ko naman ang lahat ng kaya ko. Pero bakit parang kulang pa rin?.."

"Maniwala ka sakin. Ang galing mo kayang sumayaw. Di lang nila nakikita dahil may iba silang pinapanood.." gusto kong maniwala. Pero paano?. Alam kong sinasabi nya lang iyon dahil kaibigan nya ako. Gustong pagaanin ang aking loob.

Mataman akong tumingin sa kanya. Nangiti sya lagi. Gwapong gwapo. Kahit pawsian na. Mabango pa rin. Kaya maraming humahanga sa kanya.

"Assemble.." tawag nila.

Ginulo nito ang buhok ko saka tinulungang tumayo.

Buong araw kaming sumayaw. At sa oras na yun. Lagi ko ring naririnig ang pangalan ko. Mali ako sa kaliwa. Sa kanan. Sa lahat. Special mention. Kaya ng matapos ang pagliligpit. Nakatungo akong lumabas ng hall.

"Bamby!.." si Kuya Mark. Bumaba mula sa kubo sa math park. Madilim na rin. Dun lang rin ako nag-angat ng tingin. Malungkot ang mukha kong nginitian sya.

"Tired?.." kinuha nya agad ang bag ko. Sinabit sa kanyang balikat. Saka ito umakbay sakin habang naglalakad.

"Sobrang pagod ha?." halakhak pa nya. Tumango ako kasabay ng pagnguso. Di ko kayang magsalita. Na-mute sa narinig sa ibang tao.

"Bamby!.." may tumawag na naman saking pangalan. Favorite name of the day.

Sabay kaming lumingon sa boses na nasa aming likuran. Si Ace pala. Sa lalim ng pag-iisip ko. Di ko maidentify kung kaninong boses ang nagsalita. Ganun kapagod ang utak, puso at damdamin ko. Warak sa pagkapahiya.

"Ace?." takang tawag ni Kuya Mark sa kanya. Marahan itong tumakbo sa gawi namin.

"Kailan ka pa nakauwi?." nang tuluyan syang nakalapit.

"Last three months pa kuya.."

"What!?.. bakit walang sinasabi to?.." turo sakin ni kuya. Taka ang bumalatay sa mukha nya. Tamad ko lang silang nginitian.

"Hehe. Baka nakalimutan nya kuya. Marami ata syang iniisip.." tinaasan ako ng kilay ni Kuya.

"Oh Jaden?. Andito ka pa?." Damn!. Bakit dumating pa sya. Gusto ko nang umuwi e.

"May praktis kami para sa intrams kuya. Kasama namin si Bamby.." diretso nyang sagot. Huminto sa mismong harapan ko.

"Ganun ba?. Pauwi na ba kayo?. Sabay na kayo samin. Tsaka, Ace. Magpakita ka kay Mama. Hatid din kita sa inyo." walang preno ang bunganga nyang magsalita. Kokontra pa sana ako pero mabilis sumang-ayon ang mga ito.

At nakasabay ko nga syang umuwi. Nasa harapan kaming pareho ni kuya. Tapos likod yung dalawa. Mismong likod ko sya.