webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 27: Kontrabida

"Good mornen' beautiful girl of section B.." masiglang bati ni Winly. Umakbay pa sakin.

"Morning.." ngiti ko dito. Sabay kaming pumasok ng room. Nadatnan namin sina Joyce at Karen na nag-aayos na ng mga upuan. Sa loob ng room ang area namin ngayong week.

"Good morning J, K.." tawag nito sa dalawa. Bumati rin ang mga ito sa kanya. Nginitian lang ako ni Karen pero si Joyce, nag-iwas agad ng tingin.

Hanggang ngayon di pa rin nya ako pinapansin. Gustong gusto ko nang magtampo sa kanya pero di ko magawa. Ano kayang dahilan nya para ipagpalit ang pagkakaibigan naming dalawa?. Nasisiguro kong mabigat nga yun tulad ng sinasabi ni Mama.

Abala kaming lahat sa paglilinis. Hanggang sa matapos ang normal routine tuwing umaga. Flag ceremony.

Umatend pa ako ng dalawang subject bago ako inexcuse ni Ace. Nagtitili pa ang iba ng makita ang mukha nyang malinis at sobrang gwapo daw. Umaalingasaw pa ang pabango.

"Good morning Ma'am. May I excuse Bamby?.." natigil ang aming guro sa ginagawang pagsusulat sa board. Tumingin ito sakin bago kay Ace. "You may go.." she muttered. Mabilis kong kinuha ang mga gamit at bastang nilagay lahat sa bag.

"Are you ready?.." tanong agad ni Ace matapos kong magpaalam sa aming guro.

Nginusuhan ko lang sya.

"Hahaha..nervous?.. Don't be. Babantayan kita Bie.." sabay ng kanyang akbay. Luminga ako. Baka may makakita. Paghinalaan na naman kami. Nang wala akong makita. Tinanggal ko ang braso nya sa aking balikat.

Di ko magawang mag-isip ng matino. Ginugulo ng maingay kong puso.

"Di ko maiwasan e.."

"Ang alin?.." lito nitong tanong na nakapagpalito rin sakin. Yung intrams ang topic namin tapos di nya gets?. What the hell Ace!.

"Ewan ko sayo.." di ko maiwasang umirap. Naiinis sa kinikilos nya. So weird!.

"Ang sarap nitong kausap.." pasaring pa nya lalo.

"Aba!. Ikaw rin naman.." pailalim akong tumingin sa kanya. Lumabi lang ito.

"Ano pa't naging magkaibigan tayo kung di pareho takbo ng utak natin?. Haha.."

humalakhak pa.

"You're acting weird lately Double A." natigilan at tinitigan nya ako. Nagtama ang aming paningin. Nakita kong kumislap ng ilang segundo ang kanyang mata.

Bakit kaya?.

"Ikaw rin Bie.." di pa rin mawala ang titig sakin. Damn eyes!. Ass!.

Di ko alam kung gano katagal na kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Noon ko lang narealize na may pupuntahan pala kami ng may tumikhim. Si Denise. Nakataas na ang isang kilay. Nagtatanong. Nasa likod nya naman si Jaden. Blangko ang mukhang nakatingin samin.

Juicekupo!. Bamby!. What did you do?.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa naisip.

"Anong ginagawa nyo?.." muli. Nagsalita ang kontrabida. Heck!.

Palipat-palit ang mata nya saming dalawa..Magkaharap kami ni Ace. Sa gitnang gilid namin sya at sa likod naman nya si Jaden na nakatalikod na. Naglalakad patungong hall. Dumikit sa kanyang likod ang pares kong mata. Nagtataka. Nagtatanong. Kung bakit sya umalis?. Na ako rin ang mismong sumagot. Malamang di nya ako gusto. Ganun kasimple ang sagot sa tanong mo Bamby. Kaya wag ng mag-aasume. Lihim kong pinaasa at sinaktan

ang sarili kong damdamin. Mabilis magpalit ang emosyon ko pagdating sa kanya. Sa taong, kahit nasa malapit, di ko man lang maabot.

So near yet so far - my ultimate crush. Jaden Bautista.