webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 2: Good news

Kinaumagahan. Back to normal na ang schedule ko. Dati kasi, pumapasok ako pero diretso na ng field upang magpraktris. Ngayon, papasok na ako ng room. Graduating na rin ako ng high school. At kailangan kong maghabol ng grades. Exempted naman kami sa ibang subject pero hindi lagi sa major subjects.

"Hup!. pre. Long time no see.. hahaha.." sinalubong ako ng akbay ni Bryle. Ginulo pa ang buhok ko. Yumuko lang ako para iwasan sya. Bahagya nya pa akong tinulak. Gago!. Buti di ako nadapa.

"Mas lalo kang gumwapo pre. Anong sabon mo?. hahaha.." sutil rin ni Billy nung pumasok ng room hawak ang dustpan at walis. Sabay silang nagtawanan kasama nina Ryan at Bryle. Nag-apiran pa. Inilingan ko lang ang mga pang-aasar nila.

Isa rin naman yan sa mga hindi ko nakita noong nasa praktis. Kaya wag ko nalang patulan. Iniwan ko silang nagtatawanan.

"Pre, narinig mo na ba yung balita?.." dinig kong tanong bigla ni Billy. Kumukuha ako ng panglinis sa gilid. Tabi ng book shelves.

"Di nya pa alam yan pre.. laging wala eh. haha.." si Ryan ang sumagot sa tanong ni Billy.

"Oo pala. Matagal kang nawala. Haha.. Kaya ba di ka makasagot?.." patuloy nilang pangsusutil.

Di ko sila sinagot. Bahala sila dyan. Lumabas ako at pumunta sa gym. Doon daw ang area namin ngayon.

"Malamang. Mga abnoy kayo.." bulong ko saking sarili. Hinabol pa rin nila ako hanggang gym. At, ako pa rin ang pinag-uusapan nila. Namiss talaga nila akong asarin. Mga abnoy!.

"Huy Jaden, ayaw mo bang malaman ang balita?.." tinapik pa ako ni Bryle.

"Saka na. Naglilinis pa ako eh.." sambit ko habang winawalis ang alikabok.

"Ang kj neto. Ngayon ka na nga lang bumalik ulit eh.." reklamo pa nya.

"Eh ano bang meron sa balita at kanina pa kayo hindi mapakali?.." nagdesisyon na akong tanungin para manahimik na rin sya. Ang kulet eh. Daig pa babae.

Hindi nya ako sinagot. Imbes, tinawag pa nya ang buong barkada para pagkumpulin.

Anong meron?..

Nagtataka na ako sa kinikilos nila. Ganun ba katagal akong nawala para di ko na malaman ang nangyayari sa loob ng room?. Ang weird.

"Ano bang balita ang sinasabi nyo?.." talagang pinalibutan pa ako ng mga gago.

"Malapit nang bumalik sina Lance.." si Bryle ang unang nagsalita.

Hindi na ako nagulat sa balitang yun. Umalis sila noon. Malamang, babalik na sila ngayon. Tsk.

At, oo.

Malapit na. Akala ko di na sila uuwi dito. Been four years. Ang bilis ng panahon.

"Hindi ka ba excited?.." si Billy naman ngayon ang umagaw ng walis ko at binigay kay Ryan. Tapos inakbayan ako. Isa pa to. Ang sarap sikmurahin.

"Bat naman ako maeexcite?.." Wala sa sarili kong himig. Siko ko dito saka inayos ang buhok na ginulo ni Bryle kanina.

Natahimik ang dating maingay na kumpulan.

"Talaga?. Hindi ka excited?.. ayaw mo bang malaman kung sinong kasama nyang uuwi ng Pinas?.." Isa sa mga barkada ko. Kian Lim.

Nagkibit balikat lang ako. Gusto. Syempre ako pa. Gusto kong malaman kung sinong kasama nya pero baka mas lalo lang nila akong asarin. Alam mo na kapag barkada. Asaran. Kulitan. At, hilig nila ang mantrip. Isa ako sa mga hilig nilang pagtripan. Pagdating sakin. Lahat alam nila. Ultimo sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sakin. Alam nila. Sila pa mismo ang gumagawa ng paraan para makilala ko ang babaeng gusto ako. Mga timang. Di ko na nga pinapansin. Mas lalo nilang nilalapit sakin. Sagad sa buto ang kakulitan nila. Grabe!.

"Wag mo ng alamin Kian. Alam naman natin na pagdating sa babaeng gustong gusto nya. Nagiging torpe yan.. hahahaha.." nagtawanan ang grupo sa sinabi ni Ryan.

"Mga gago!.." iling ko sa kanilang lahat.

Di rin lingid sa kaalaman nila ang nararamdaman ko para kay Bamby. Pinagtutulakan pa nga nila ako minsan. Kaso lang, tama sila. Wala akong lakas ng loob na umamin sa harapan nya. Napakalaki kong torpe.

"Wag kang mag-alala pre. Sina Mark , Lance at tita lang daw ang uuwi. Hindi sya kasama.." kumpirma ni Billy.

"Uy umasa ang torpe. Hahaha.." nagtawanan silang lahat sa tudyo ni Bryle.

"Gago!.. may sinabi ba ako?.." medyo hindi ko na nagugustuhan ang asarin nila. Namemersonal.

Mas lalo silang nagtawanan.

"Sinabi ko naman noon sa'yo pare. Umamin ka na hanggat andito pa sila. Pero anong ginawa mo?. Wala. Ang hina talaga ng loob mo. Kung alam ko lang na di mo sya niligawan. Ako na ang nanligaw..."

"Uy.." kantyaw ng iba.

"Bugok!.." saway ni Billy kay Bryle. "Paano mo sya liligawan kung binakuran na ng kapatid?.."

"Simple lang.. aakyatin ko yung pader. Tapos itatakas sya..." humalakhak pa ang loko.

"Mas torpe ka pala eh.." Ani Billy. Tumingin sakin at ginulo ulit ang kakaayos kong buhok.

"Sya na nga, muntik nang basagin ang mukha. Ikaw pa kaya?.. Baka ospital na abot mo pag nagkataon pre.. hahaha.." hagalpak ni Billy

Akbay pa rin ako. Di ko kayang makipagsabayan sa tawanan nila. Di rin kasi biro yung inabot ko noon sa mga kapatid nya. Ang higpit nila pagdating sa kanya.

"Atleast umamin ako sa kanya.." pilit pa rin ni Bryle matapos tumawa.

Kung sana ako nalang sya para ganun rin ang gawin ko noon. Pero hinde eh. Kahit saang anggulo. Nagiging torpe ako tuwing nakikita ko ang kumikinang nyang mata.

"Umamin rin naman sya. Kaso lang ang tagal. Para tuloy syang pagong. Ang kupad. hahahaha.. Kaya ayun. Hanggang ngayon deds ang boy. Kaya patanaw tanaw nalang sa malayo dahil nasa kabilang dako na ng mundo ang kabiyak ng kanyang puso.. hahaha.." tumawa na naman ang lahat.

Kung alam lang nila kung gaano kahirap maghintay sa wala. Baka tulad ko na rin sila. Hindi makapagbiro ng todo.