webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 14: Guilty

Mahabang katahimikan ang bumalot saming dalawa. Parehong natitigilan sa nangyayari. Ako, sa mga sinasabi nya. Hindi sa hindi ko gusto ang narinig mula sa kanya. Sadyang nabigla lang ako. Sya naman. Di ko alam kung totoo ba ang sinabi nya o nang gogood time lang. Who would've thought. Baka magbago na nga sya o may iba nang gusto. Malay ko diba?. Aba. Malay ko nga talaga.

Kaya kahit ayaw ko sanang gawin to. Ang magtaray. Kailangan para malaman kung totoo pa nga ba ang nararamdaman nya para sakin. "Kailan ka pa natutong magbiro?. haha.." tumawa ako sa huli upang ibsan ang kaba at inis. Kaba na baka magalit sya sakin. O well!. Sinong hinde magagalit Bamby?. Let's judge later. Inis sa aking sarili dahil sa ginagawa. Kailangan pa bang gawin mo to Bamby?. You should celebrate now. Not this. Quit playing.

Kinuyom ko ang mga palad sa likod ng aking damit. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit dahil sinaktan ko sya. Lumagpas ka na sa biro na gusto mo Bamby. What now?..

Nag-iwas ako ng tingin sa mata nyang puno nang pagsusumamo. Tiningala ang langit na puno ng bituin. Sana sa isang kisap mata lang. Maging tayo na. Pero hinde e. Mahirap ipaliliwanag sa ngayon.

"Baka guni guni mo lang yan Jaden. Sige na. Balik na ako dun.." Ang tanga mo lang Bamby. Anong arte yang kinikilos mo?. Wala ka sa telebisyon para magpakipot pa ng ganyan. Damn it!!..

Nag-umpisa na akong humakbang palayo sa kanya ngunit may isang kamay ang humablot saking braso.

"Hindi ako marunong magbiro Bamby.."

Anya matapos akong higitin paharap sa kanya. I'm too speechless to say any words "Gusto pa rin kita.." dagdag nya kung kaya't mas lalo akong nilamon ng kaba. Napipi at nabingi. Damn!.. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinapatay ako sa tambol nito.

Dinig kong natahimik ang iilan. Sinuyod ko sila ng tingin, pailalim. Lahat ng mata nila. Nakatingin samin. Oh great!.. You sucked Bamby!.

"Hinde e. Nagbibiro ka lang.." binulong ko lamang ito. Pero sa wala ngang ibang ingay sa paligid. Para itong bomba na sumabog bigla. Natakot at nagpanic ang iba. Kita ko kasing may tumayo at dinig kong may tumikhim rin.

Oh shit!..

"Kilala mo ako hindi ba?." sa mahinang boses. Sa loob loob ko, tumango ang aking puso. Subalit itong gagong utak ko, umiling. Fucking shit!..

"Apat na taon na ang lumipas. Di ko alam kung kilala pa ba kita.." ilang mura na ang pinakawalan ko sa aking isip. Bamby?.. What are you doing huh?. Anong ginagawa mo sa kanya?. Sa sarili mo?. Nagpapakamartyr ka ba?. O nababaliw na?. Either way. Asshole!. Bitch!.

Binitawan nya ang aking braso. Doon ako mas lalong nanlumo. Gosh!.. Kita ko na ang mga titig ni kuya Lance. Tumatalim. Damn it!.

"Wala naman nagbago sakin.. Heto pa rin ako.. Naghihintay.. sa pagbalik mo.."

uutal utal pang sambit nya.

Itinago ko ng mariin ang halo halong emosyon. Kung alam ko lang na darating ito. Di na ako sumubok magbiro. My goodness Bamby!. Kahit kailan, wala ka talagang sense of humor. Tsk.

"Umaasang ako pa rin, sa'yo.." he mouthed bago humarang si kuya Lance sa aming pagitan.

Sa sobrang hiya. Mas pinili ko nalang na pumasok sa loob ng bahay. Wala na akong mukha na ipapakita sa lahat. Lalo na sa kanya. Damn it!. DAMN It!..

Kingina mo Bamby!..