webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Cbapter 14: His eyes

SA CANTEEN.

"Kanina pa ako gutom. Buti nalang maagang umalis si Mam Shiela.." himas pa ni Joyce ang kanyang tyan. Kakatapos ng second subject namin. Naglalakad kami patungong canteen. Kasama si Winly at Karen..

"Trueness. Nababawasan beauty ko kapag gutom ang bakla.." maarteng reklamo ni Winly.

"Ano ba kayo. Di lang kayo ang gutom no. Pero, etong kasama natin, kahit di gutomin, maganda pa rin.. Talo ka talaga bakla. Hahaha.." nguso sakin ni Karen.

Natawa ako sa irap ng bakla. Nauna pang naglakad samin. Kumekembot kembot pa. Take note. Todo. Feeling nya ata nasa paligsahan. Diretso lang sya maglakad. Pero, kalaunan humarap din samin. Patagilid maglakad. Nagpagod pa. Abnoy!.

"Ay. Trueness te. Kahit di na sya kumain forever. Sure akong beauty pa rin sya.. Hahaha.. Ouch te!.." agap nitong reklamo sakin matapos kong ibato ang pamaypay nyang di naman tumama sa kanya. Bakla ka talaga!.

"Hahahahaha.." tawa namin dahil nagkunwari pa tong nahihimatay. Paupo na sa semento. Tapos umayos rin ng tayo. Patawa lang.

"Ang sama nyo.." irap ko sa kanila. Mas lalong lumakas ang tawa ni Winly na boses lalaki. Bwiset!. Hilig nila akong asarin.

"Hello po. Masarap po ba yang burger nyo?." ang bakla ang naunang luminya samin. Sumingit kasi. Alam mo na, madaldal. Maraming kakilala. Sa likod ako ni Karen, nakapila. Nasa unahan namin si Joyce. Kausap si Denise. Yung gf ni crush. Ouch!.

Mabagal ang usad dahil sa baklang panay ang patawa sa cashier. Naiiyak na ito. Maging ang iba sa kakatawa.

"Uy. Bie Musta?." yung bestfriend ko nung elementary. Grade three. Ace Agatep.

"Double A!?. Oh my gosh!. namiss kita!." sabay yakap dito. Humalakhak sya. Kaya agad akong kumalas.

"Ops!. Hehe. Sorry. Di ko kasi inexpexct na makikita kita rito. Akala ko nag-abroad ka na?.." kaharap na sya. Nakatalikod sa pila.

"Ahaha.. It's okay. Namiss din naman kita." ginulo pa ang buhok ko. Ngumuso ako sa ginawa nya. Dahilan para ayusin ulit ang ginulo nya. That's my bestfriend. "Actually, kakauwi nga namin e. Tapos nalaman ko kay tito na dito ka nag-aaral kaya dito na rin ako nag-enroll.. Hehe.." tawa nya. Mas lalo itong pumuti. Tumangkad at naging gwapo. Maayos nang manamit at sobrang bango. Iba talaga ang epekto ng pag-aabroad.

Freshness!.

"Kung ganun, ngayon ka palang pumasok?." tanong ko na malapit na sa cashier.

Tumango sya sabay ngiti. Kaya nginitian ko rin sya. Kaharap ko ang mga upuang puno nang mga kumakaing estudyante. Nakatingin sa taong kausap ko. At sakin. Kinabahan ako. Iginala ko ang aking mata. Dun, nakatingin na naman sya sakin. Sa dulo ng canteen sila nakaupo. Kasama si Ryan, Blly, Bryle at Paul. Di lang pala sya ang nakatingin. Silang lahat. Kinawayan ako ni Bryle at Billy ng makitang nakatingin ako sa kanila. Kumaway ako pabalik. Saka parang tuod ng bumili ng pagkain.

"90 lahat hija.." anang cashier. Iaabot ko nalang ang perang nasa kamay ko ng may humawak saking braso.

"Ako na.." hawi ni Ace sa aking kamay.

"Thank you double A." double A ang laging tawag ko sa kanya para maiba. A kasi ang palayaw nito. Hinanap ko sina Joyce. Nakaupo sila sa gitnang upuan. Mga nakataas ang kilay. Nagtatanong.

"Te, sino yun?." as usual si Winly ang unang nagtanong. Basta lalaki. Interes nya.

"Ace. Here.." tawag ko dito. Naghahanap ng mauupuan. Puno na ang lahat. Lumapit ito samin saka naupo saking tabi.

"Hi I'm Winly.. Win for short.."

"Joyce.."

"Karen.."

Isa isa nilang pakilala. Para namang nabudburan ng asin si Winly. Di mapakali kakaipit ng buhok sa tainga kahit wala namang syang iniipit.

"Ace Agatep. Bestfriend ni Bamby." pakilala nya. Sabay tili ng tatlo. Bigla akong nahiya. At sa matang nakamasid. Di na normal ang tibok ng puso ko. Masydong mabilis. Dapat ko bang pagtuunan ng pansin ang mata nya o ang taong katabi ko?. Kinakabahan ako.

May point si Joyce, dapat sa iba ko ibaling ang atensyon ko, hindi sa taong may karelasyon na para iwas gulo.

I'll try!.