webnovel

Chapter 3

Chapter 3

Library

I've read romance novel where the Crown Prince met the leading lady of the book which cause me great hope that I am somewhat the leading lady but it turns out that I was only a side character, I am nor the villain of this story for I don't want to harm the leading lady or use violence as what the villain of the novel do. I never thought of behaving like that.

A side character, na may gusto sa male lead. What a sad story I have.

Kinuha ko ang libro na napili ko, history of the empire, ilang ulit ko ng nabasa ang history na 'to but I'm still drawn to the story of First Emperor na siyang nagtayo ng emperyo na 'to, na isang commoner ang naging Empress ng bansa na siyang kasama niya sa pagtayo because the first Empress was blessed with a Goddess power, matalino at may pakealam sa nakakarami so maybe that is why she is blessed.

After the Empress died, an oracle happen to show saying that after a hundred years, a new goddess will show up that will save the Empire from the crisis that will purge the whole Empire. They are saying that it is someone from the descendants of the Empress or it could be from her relatives.

Come to think of it, ang House Bartellion ay kamag-anak ng dating Empress. Napangisi siya napagtanto ngayon.

I'm just a merely childhood friend for him, nothing important. A playmate for a lonely prince, that was sad! Nanatili sa iisang page ang mata ko na hindi ko namalayan ang oras not until I heard the bell para sa pag-start ng mga klase.

Maingat akong tumayo para ibalik ang aking libro na kinuha, nag-iisip kung dapat ba akong pumasok o hindi but I decided not to attend my classes so I went to the corner, kung saan malayo sa tingin ng librarian at hindi agad makikita dahil medyo madilim sa part na 'to at nahaharangan ng mga book shelves.

Pumunta ako sa top ng mababang cabinet na nasa gilid at saka doon nagpahinga. Ayokong pumasok dahil ayoko nang makita ang mga tingin ng mga kababaihan na mas pabor kay Lady Celine as if kaya kong agawin ang prinsepe, inaamin ko naman na lagi akong nakabuntot sa kaniya noon.

Isinandal ko ang aking ulo at ipinikit ang mata ko. Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mata ko na agad akong nakatulog nang hapon na 'yun. May naramdaman akong titig at presensya ng isang tao pero I'm too tired and sleepy para buksan pa ang mata ko hanggang sa nakatulog na ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog but I heard voices na dahilan para magising ang diwa ko.

"Young Master,"

"Shhhh."

Nakaramdam ako ng pagkilos ng mga presensya papalayo sa akin, binuksan ko ang aking mata at inilibot ko ang aking paningin at nakita ko nga ang likod ng dalawang tao na agad ding nawala sa aking paningin dahil mabilis silang lumiko, natakpan nan g mga shelves.

"Ang librarian ba 'yun?" Tanong ko sa sarili ko pero hindi ko na sinubukan alamin, bagkos ay umalis ako sa pagkakasandal sa pader at inunat ang sarili, I feel like this is my first sleep of being awake for thousands years.

Ayoko ng matulog dahil naipapaalala lang sa akin ang mga oras na naging tanga at bulag ako sa mga nangyari.

"Prince Blake, have you had your breakfast na?" Ngumiti siya sa akin, that was when I first entered the academy, without any knowledge about what's happening around me.

Muli niyang ginulo ang buhok ko. "You want to eat breakfast with me?" He asks and I nodded to him immediately happily like a child na nabigyan ng candy. Agad akong kumapit sa kaniyang braso saka naglakad patungo sa cafeteria kung saan nakatingin sa amin lahat.

Noong una akala ko naiingit sila sa akin dahil mabait sa akin ang Prinsepe at lagi ako ang kasama na lagging napagbibigyan pero tingin pala 'yun ng selos at galit nila para sa akin dahil it is supposed to be Lady Celine's position pero inagaw ko.

"Greetings Your Highness, may the Goddess blessed be with you." Tinignan ko si Lady Celine na siyang bumati sa kaniya nang umagang 'yun. Doon ko unang nakita ng malapitan ang kagandahan ni Lady Celine na sobra kong hinangaan.

"And to you Lady Helium." Saka siya tumingin sa akin kaya ginawa ko rin ang tamang pagbati ng isang noble lady.

"Greetings Lady Bartellion." Nang matapos 'yun ay tinanong niya kung saan kami tutungo na sinagot ni Blake, doon ko unang napansin ang pagiging affectionate ni Lady Celine sa prinsepe na ipinagbawalang bahala ko dahil ano naman ang alam ko, it just a realization for me now. Marami pang pagkakataon na madalas ko silang nakikitang magkasama na agad kong sisingitan at isisgaw ang pangalan ng prinsepe habang tumatakbong papunta sa kaniya.

"Tapos na ang klase mo?" Tumingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya sa akin. Tumango ako sa kaniya.

"Hmmm, tapos ka na rin ba sa klase mo?" Tumango siya kaya natuwa ako at sinabi na samahan niya ako pero tinanggihan niya ako nang sabihin na kailangan nilang mag-aral kasama si Lady Celine.

"Really? Can I join you? I promise, I won't disturb you, please?" Begging with my puppy eyes na madalas gumana and that time, gumana pero hindi na nasundan 'yun dahil nga mukhang istorbo ako sa quality time nila. Noong mga panahon na 'yun, nagpatuloy ang pagiging buntot ko.

Hanggang sa dumating ang oras na kailangan niyang pumili between si Lady Celine ang sasamahan niya o ako na nag-aaya ng breakfast but he hesitate to answer kaya umalis nalang si Lady Celine, tumalikod siya tho maayos nga naman ang pagkakasabi nito kaya hindi ko napansin pero kung titignan ngayon ay nasa mali nga ako.

Hanggang sa katapusan ng first year ko ay hindi na ako masyadong sinasamahan ni Blake dahil sabi niya busy siya but at the end of the academic year, nakita ko silang magkasama na kumakain kasama ang iba nilang mga kaibigan, gusto kong lumapit, hindi ko inalinta ang mga nangyayari sa paligid ko.

"Sa totoo lang, naiintindihan kong bata pa si Lady Athena ngunit hindi maikakaila na sobrang childish niya for her age and the fact she is a Marquess daughter, she should know how to act as a noble."

"Lady Garner…"

"I'm sorry Your Majesty, I know you Lady Athena is like a sister for you but we can all agree that she's inlove with you." Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa ugali ko at kung paano ako kumilos sa harapan ng Prinsepe.

And the fact that hindi tinanggi ng Prinsepe na nakakabatang kapatid lamang ang tingin sa akin. Doon ko mas lalong napagtanto ang lahat, lalo na no'ng nagbakasyon ako ay madalas wala si Prince Blake sa palasyo at masyado siyang busy pero minsan sinasamahan niya ako and gaya ng dati, nagpacute ako sa kaniya but then sinabihan niya ako na dapat hindi na maging gano'n ang aking pagtawag sa kaniya at pagkilos sa kaniyang harapan kahit na walang ibang nakakakita para masanay raw ako.

Hindi niya alam, sa kaniya lang naman ako nagpapacute.

But just like what he sai, I refrained myself from acting like that. Nagpractice ako kaya my second year was never the same again, nakita 'yun ng iba't ibang na nacriticise pa ako dahil ginagaya ko na raw si Celine kaya nga nang mag open ang position for Queen ay tumakbo ako lalo na no'ng malaman kong hindi interisado si Celine sa posisyon na 'yun.

But then I realized in my third year how naïve I am for believing he's inlove with me at hindi lang batang nakakapatid tingin niya sa akin but then a group of men talks about me about how adorable I am pero biglang nabring up ang pangalan ni Prince Blake na nagsasabing kaya lang niya ako kinikeep para makuha niya ang pagkababae ko sa tamang panahon.

I was hurt back then pero hindi ko naman magawang tanungin si Blake dahil hindi naman na gaya ng dati ang relasyon namin.

People change and feelings fade, may feeling ba siya for me romantically? I doubt that. Nanatili ako sa library na 'yun hanggang sa marinig ko ang hudyat sa huling klase doon pa lang ako lumabas ng library. Hindi naman siguro magagalit ang mga guro sa kin dahin lang sa isang beses na hindi ako nakadalo sa kanilang klase, I hope so.

Nang makalabas ako ay hindi ako dumiretso sa aking dormitoryo bagkos mabilis akong nagtungo sa Hardin, mamimitas muna ako ng mga Rosa's.

Ngunit bago pa ako makarating ay nakarinig na ako ng mga boses, mga familiar na boses.

 

"Crown Prince..."

"My Lady, be careful..."

Nakarinig ako ng mahinhin na tawa na galing Kay Celine. Tumingala ako sa kalangitan na kulay orange na ngayon.

"You're too cruel to me." I whispered. I don't wanna blame anyone so just let me spend my day without hearing any from them but you can't even grant that wish God?

Pinipilit ko ng kalimutan lahat but this is just torture to my little heart as if you're telling me I should suffer more because of my past mistakes...

Hindi ko na muli kinaya ang sakit. Ang luha na sabi ko hindi ko na muling iaalay sa kanila pero heto na naman ako, umiiyak. Napayuko ako nang nakarinig ako ng mga ilang estudyante na pumunta dito, pinunasan ko ang luha, ayokong may makakita kung gaano ako kamiserable.

But someone put a coat on my head as he patted my head as if he knows what I'm trying to do. Hindi ko makilala ang presensya niya but I felt familiarity so hinayaan ko, nanatili akong nakayuko, mahinang umiiyak.

"Oh Your Grace..."

Pinunasan ko ang aking luha nang marinig ang boses ni Celine na siyang tumawag sa kung sino man ito.

"Vedas..." ang boses ni Crown Prince.

"Hmmm? Sino ang dalagang iyong pinoprotektahan mo?"

Mas yumuko ako nang marinig ko pa ang mga boses na familiar sa akin.

"oh easy, I'm gonna steal her from you."

"Hindi ko nabanggit na may kasintahan ka pala, Your Grace."

Hindi niya nilinaw ang nasabi ng isang babae o tinanggi kaya inangat ko ng konti ang ulo ko para makita ang mukha niya pero wala man lang itong emosyon.

Siya ang nakasabay Kong kumain kanina sa lunch break. Kaibigan din ba Siya ng Crown Prince? Hindi ko siya napapansin.

Bumaba ang tingin niya sa akin saka dahan-dahan na pinunasan ang luha na nasa mga mata ko gamit ang kaniyang daliri. Nanatiling walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Daaaaamn!"

"Ehem." Nang matapos niya ay nanatili ang tingin ko sa mga mata niyang hindi nagbago kahit sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Ibinaba ko na rin ang tingin ko lalo na no'ng may gustong sumilip. Napansin ko na doon palang nagbago ang kaniyang mga mata dahil sumama ang tingin niya sa lalake na 'yun.

Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya mas naamoy ko ang kaniyang ginagamit na pabango which suit his personality. Hindi masakit sa ilong.

"Herald, tila mahiyain ang dalaga kaya wag ka ng makulit diyan. Darating din ang panahon na ipapakilala Siya mismo sa atin ni Lavedas." Si Celine. Pero sigurado akong nakilala ako ni Herald na siyang tawag sa kaniya ni Celine.

Nagbago ang mukha niya ng makita ako.

Tumawa siya. "Yea, probably."

There, I heard a hint that he knows me. Sana lang walang kumalat na balita na naman tungkol sa pang-aakit ko sa kaniya, kanina nga lang sobra na ang mga sinasabi nila paano nalang kaya kung malaman nila ang pangyayaring 'to.

"Just go. Alis na kayo. Mga istorbo!"

Mas lumakas ang pang-aasar nila pero gaya ng sabi niya, umalis na nga sila hanggang sa Hindi ko na nga naramdaman ang presensya nila.

"Thank You, Your Grace."

"They are still waiting for you. I shall escort you until then." Tumango ako sa kaniya, sa ibang daan kami dumaan kung saan walang masyadong taong naglalakad, nang masiguradong wala ng nakakita, inalis ko na ang coat na nasa ulo ko saka ibinigay sa kaniya.

"Once again, Your Grace, I thank you for this time." Hinawakan ko ang ang magkabila ng aking skirt na siyang uniform namin saka yumuko sa kaniya, greeting him a goodbye as a noble lady.