webnovel

Jurry couple (2)

*tok**tok**tok*

"Grace?"-tanong nung kumakatok

"Bakit?"- tanong ko pabalik, nakakatamad kaya bumangon ang sarap matulog eh

"Bangon ka na diyan Be, kain na tau ng dinner"- sagot sakin ni anne

"Geh una na kayo, susunod na lang ako"- sabi ko sa kanya, saka pumuntang bathroom para  maghalfbath

Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko may biglang yumakap sakin sa likod

"Ang tagal mo mommy"- sabi niya habang yakap yakap ako

"Andik ka talaga sa yakap daddy noh"- sabi ko sa kanya saka umiling

"Sayo lang naman ako adik mommy eh"- sabi niya saka pinisil yung pisngi ko, kumalas na rin siya sa yakap

"Let's go"- sabi niya sabay hawak ng kamay ko habang naglalakad kami.

Nagtitinginan naman yung mga tao samin, lakas makaPDA nitong lalaking to. Grabe lang makatingin yung mga babae sa kanya arghh.

"Makakapatay ata ako"- bulong niya sakin

"Bakit?"- nagtataka kong tanong sa kanya

"Eh grabe makatingin yung mga lalaki sayo"- sabi niya, saka tiningnan ng masama yung mga lalaki

"Parang yung mga babae hindi nakatingin sayo ah"- sarcastic kong sabi sa kanya

"Hanggang tingin na lang sila, dahil ikaw lang ang mahal ko"- bigla niyang sabi sakin

Ok speechless na naman ako

"Ou na lang"- tanging nasabi ko sa kanya, saka nauna ng naglakad naramdaman ko naman na sumunod siya sakin at inakbayan ako

"Grabe di na natin kailangan ng dessert"- sabi ni John pagkakita samin ni daddy

"Yeah nilalanggam na nga ko eh"- dugtong naman ni anne

"Sinabi mo pa, overload sa sweetness na nga eh"- dagdag pa na sabi ni ash

"Grabe kayo ha"- sabi ko sa kanila

Pinaghila ako ng upuan ni daddy, tapos umupo na rin siya. Tapos nilagyan niya yung pinggan ko ng pagkain

"Edi kayo na"- sabi ni anne

"Kami naman na talaga"- sabi naman ni daddy

Hindi ko alam pero namula ko dun, siguro dahil proud na proud siya na kami na nga

"Edi wow"- sabi ni ash

Habang kumakain kami, nag-aasaran lang kami lahat. Eh kasi naman mukhang nagkakadevelopan na sila.

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami dito sa parang mini park siya. Sari sariling latag ng paghihigaan, actually per couple or should i say per partner kami

Nakahiga ako sa right hand ni daddy ngaun, saka niya ko niyakap. Nakatingin kami ngaun sa langit, grabe tama nga si jeff ang ganda pagmasdan ng mga bituin dito. Kitang kita mo ang mga nagniningning na mga bituin.

Tiningnan ko naman yung mga kasama namin, halatang enjoy na enjoy din sila sa view.

"Sana lagi na lang tayong ganito"- sabi ni daddy sakin, kaya tiningnan ko siya at di ko alam na kanina pa pala siya nakatingin sakin

"Sana nga"- sabi ko sa kanya

"I love you"- sabi niya habang titig na titig pa rin sakin

"I - "- naputol yung sasabihin ko dahil sa fireworks

Wow ang ganda, naramdaman kong humigpit yung pagkakayakap sakin ni daddy.

" I love you too"

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Sana ganito na lang kami lagi, walang mga problema. Simple lang naman ang gusto namin, ang maging masaya sa piling ng isa't isa.