webnovel

Jurry couple (1)

Someone's POV

Nahuli na ko ng dating, may minamahal na siyang iba. At mukhang masayang masaya siya rito.

Pero hindi ako susuko, alam kong may pag-asa pa ko para ako ang mahalin mo at hindi ang lalaking yan Eun Kyung

Grace POV

Katatapos lang ng party at nandito ko sa isa sa kwarto ng hotel, halos lahat ng bisita dito muna nagpalipas ng gabi.

Hay bakit ba bagay na bagay sa kamay ko yung singsing na to, tapos bagay na bagay pa kami ni Justine.  Alah nahahawa na ko sa kacornihan ni Justine ah

*tok**tok**tok*

Ano ba yan sino ba yang istorbo na yan, natutulog pa yung tao eh.

Haissst bwisit naman eh,

"Good morning mommy"- bati sakin ni Justine pagbukas ko ng pinto

"Good morning din daddy"- sabi ko sa kanya

"Magready ka na aalis na tayo mamaya"- sabi niya sakin, sabay kurot ng pisngi ko

"Daddy naman eh"- sabi ko sa kanya, sabay pout. Ang sakit kaya

"Ang cute mo kasi eh"- sabi niya saka kinurot ulit yung magkabilang pisngi ko

"Tss bahala ka nga"- sabi ko sa kanya, nakakaasar eh

"Hahahaha"- tawa niya

Kita mo to tinawanan lang ako

"Hay ewan ko sayo"- sabi ko, papasok na sana ako pero may humila ng kamay ko

Niyakap niya ko mula sa likod, sabay sabing

" I love you"- sabi niya sabay alis

Alam na alam talaga niya, kung pano mawala yung inis ko.

Hay magprepare na nga ko, excited na ko pumunta dun.

*after an hour*

Nasa biyahe na kami ngaun ng barkada, kasama si kuya, yung gf niya at yung barkada nila. Siyempre dapat kasama si Jeff, dahil sa resort nila kami pupunta.

Tama sa resort nga nila kami pupunta, yung resort sa smoky mountain.

Magkakasama kami sa iisang bus ng barkada, sa kabilang bus sila kuya. Yeah bus, bus na talagang ginagamit pangsundo sa pupunta sa resort nila jeff, astig noh.

Magkatabi kami ni daddy, yeah right daddy. Ayoko naman na mahal ko ang itawag niya sakin, ang corny lang. Pinapili niya kasi ako it's either mahal ko o mommy ang itatawag niya sa akin, mas gusto ko na yung mommy kesa sa mahal ko ang corny lang.

Anyway mukhang magiging cupid or nagiging cupid ako ng mga barkada ko ah. Eh kasi naman pinagtabi ko si Joanne and Daniel magkakatabi kami dito nila daddy sa likod. Sa harap naman namin is si Avi and Ethan,  si John at Jana. Kapatid ni Jeff si Jana, and mukhang na love at first sight si John kay Jana kagabi. Tapos si renz and Ash, si anne and carl na boyfriend niya. Si jeff ayun katabi yung dalawa kong pinsan

Nakapatong yung ulo ko sa balikat ni daddy, habang siya pinaglalaruan lang yung kamay ko. Nagsosoundtrip lang kami, yung iba naman di ko alam ang ginagawa. Bahala sila, ieenjoy ko muna yung moment namin. Selfish ba? Well last week ko na lang kasi na makakapagbonding kay daddy kasi, uuwi na sila ng pilipinas siyempre may pasok pa sila. Excuse lang sila ngaung week na to.

Di na sumama sila daddy samin, may business trip daw sila. At tsaka bonding na rin daw namin to pang teens lang daw na outing to.

Nakarating na rin kami sa wakas, grabe nakakangawit umupo pero ok lang magkatabi naman kami ni daddy.

Wow grabe ang ganda dito,

Nagcheck in muna kami, at saka nagpahinga.

Kumain muna kami bago naglibot libot dito at ang masasabi ko lang

ANG GANDA DITO

Ang refreshing and ang sarap nang pagkain nila.

Nandito kami ngaun sa hot spring na mukhang swimming pool, basta yun na un

Nung napagod kami sa pagswimming, bumalik na kami sa mga kwarto namin.

Hay nakakapagod ang araw na to pero ang saya naman. Siyempre ngayon ko lang ulit nakabonding yung mga baliw kong truepa eh. At siyempre dahil nakasama ko ulit si Justine or should i say daddy.