webnovel

COMPILATION OF ONE SHOT STORIES

lavandeerrrr · Others
Not enough ratings
14 Chs

STORY 13

CATCH FAIL

"Ash! crush kita" pero tulad ng dati inismiran nya lang ako

"Ashlei!" ayaw na ayaw niyang tinatawag sya sa buo niyang pangalan dahil sa parang pambabae daw ito pero dahil ako si Sabrina and babaeng patay na patay sakanya pinagsisigawan ko ang buo nyang pangalan HAHAHA

"ano ba Sab manahimik ka nga!" puputok na ata ugat nya sa sobrang inis niya saakin HAHAHAHA pero wala lang ito saakin I love teasing him, sa ganoong paraan kasi nakukuha ko atensiyon nya

"Uy! Ash bakit mo pinabalik yung cookies na gawa ko?nakakatampo kana ah!" tinapunan nyalang ako saglit ng tingin at binalik nyana agad sa cellphone ang atensiyon nya.

"Antaray ah! Pasalamat ka crush parin kita kahit lagi mo akong sinusungitan"as usual wala parin akong response nakuha

"Uy Sab! Bat nandito ka?" si Angela classmate ko

"Ha?anong nandito, syempre kararating ko palang kaya"

"Edi sino yung kasama ni Ash sa may court?"

"kasama?babae ba?" hindi kona hinintay pang makasagot si Angela mabilis ko nang tinungo ang court napakaraming tao ang naabutan ko may proposal atang nagaganap sa gitna malayo palang kasi nakita ko na ang mga hugis pusong lobo.

'Asana naba yung Ashlei na yun,naku hindi pa nga kami nambabae na agad' nakipagsiksikan ako para lang mahanap si Ash ng magtagumpay ako nagulat ako sa eksenang nakikita ko. Si Ash nakaluhod may hawak na bulaklak, nakita ko rin ang mga letrang hawak hawak ng iba ko pang mga kaklase binasa ko ito at "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" ang nabuo ko, tinakbo ko ang kinaroroonan ni Ash.

"Ash baby, dimo naman sinabi saakin na may pasurprise kapang ganito edi sana inagahan kona pagpasok napaghintay pa tuloy kita ng matagal" namumula at nahihiyang sambit ko sakanya.

"Ha?pinagsasabi mo Sab?" kita ko kung gaano naguguluhan si Ash, 'nakuu part paba ito ng surprise nya?goshh ang sweet mo talaga ash ko hihiii'

"susss, drop the act Ash para saakin to diba?Tayo ka na jan sinasagot na kita"abo't tainga ang ngiti ko ,God ambait mo talaga sakin.

"Wait, wait" tumayo si Ash mula sa pagkakaluhod, at kunot noo akong hinarap

"Sab I think this is all a misunderstanding, hindi ito para sayo" agad naglaho ang ngiti sa labi na kaninay abo't tainga.

"H-hindi sakin?"

"No, this surprise is for her" doon ko palang napansin na may babaeng nakatayo sa harap nya, ang babaeng kaninang niluluhuran nya at ang babaeng sasagot na sakanya kung dilang ako dumating sa eksena.

"Yes, Ash I can be your girlfriend" sobrang saya ni Ash sa nakuhang sagot saya na kahit kailan diko nakita pag inaasar ko siya or pag sinasabi kong may gusto ako sakanya. Gusto kong lamunin nalang ng lupa sa sobrang kahihiyan. Kaya habang nagsasaya ang lahat, sinubukan ko nang ihakbang ang mga paa ko palayo. Habang nagsasaya sila dinaman matigil ang pagtulo ng mga luha ko. Nakakita ako ng isang bench, naupo ako doon at tahimik na lumuha. Mula sa pwesto ko kita kong masayang magkahawak kamay sina Ash at Mella, girlfriend nya. Napangiti nalang ako ng malungkot habang tinitingnan sila.

"I guess, what the quote said is right 'We fall for people who aren't there to catch us because I also fall for Ash who aren't there to catch me"