webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Pain

Dali-dali akong umuwi matapos kong makita silang dalawa. Natatakot na baka makita ako ni Engr. Sonny, natatakot na baka saan ako dalhin ng sakit na nararamdaman ko.

Ano, Ayla? Iiyak na naman tayo? Unti-unti na kasi nating tanggapin na hanggang sustento ka na lang at hindi totoo lahat nang sinabi niya nang gabing iyon. Siguro nasabi lang niya 'yon para makuha ka. E, ikaw naman itong si tanga, bumigay at ibinigay ang sarili sa kaniya. Sobrang tanga talaga, Ayla, nakakabobong pagkatanga ang meron ka.

Kahit nanghihina dahil sa sakit na nararamdaman, pinilit ko ang sarili kong maghanda ng kakainin para hapunan. Buong oras na nagluluto ako ay walang humpay sa pagtigil ang mga luha ko. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakatapos ng pagkain ng hapunan nang umiiyak, e.

Matapos ligpitin ang pinagkainan, basta-basta kong isinandal ang katawan ko sa malambot na kamang meron ang malaking bahay na ito. Hindi pa ako nakakapagbihis magmula kanina, wala na rin akong lakas pa para magbihis. Matinding pagpipilit na nga lang sa sarili ang ginawa ko kanina para lang makakain, e.

Wala na ba talagang katapusan ang luha ko? Hindi ba ito nauubos? Maski nga ang tubig sa balon, nauubos, 'yong luha ko pa kaya? Dagat ba 'tong luha ko't kahit anong iyak ko ay hindi man lang nauubos?

Marahan kong hinaplos ang lumalaking umbok sa tiyan ko. Mula sa puwesto ko, pinagmasdan ko ito na animo'y nakikita ko ang bata mula sa loob.

Anak, pasensiya ka na kung palaging umiiyak si Mama, ha? Sana hindi ka maapektuhan sa ka-dramahan ko sa buhay. Pipilitin ni Mama na ayusin ang lahat bago ka pa man makalabas sa mundong ito, anak, pangako 'yan.

Nagising ako bigla dahil sa isang kaluskos ng pinto. Naipikit ko pa ulit ang mata ko nang makitang napakaliwanag ng kuwarto. Mukhang hindi ko yata napatay ang ilaw. Nakatulog ba ako? Umaga na ba? Anong oras na ba?

Napabangon ako ng wala sa oras nang makitang bukas na ang pinto ng kuwarto. Medyo kumabog ang puso ko nang may napagtanto kaya bago pa man ako makahingi ng tulong, iginala ko muna ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.

Anak ng baboy!

Doon ko nga nakita ang lalaking dahilan ng bawat pagluha ko sa araw at gabi.

"E-Engineer Sonny…"

Mabilis pa sa alas-cuatro akong napabangon nang tuluyan nang makita ang mukha niya. Sobrang seryoso ng kaniyang mukha na mas lalong nagpadagdag sa kabang una kong naramdaman kanina.

"Did I wake you up?"

Sa katahimikan ng gabi, rinig na rinig ko ang kaniyang mala-kulog na boses na sumasakop sa buong sistema ko. Dahil sa kabang nararamdaman ko, hindi ko tuloy mapakalma ang naghuhuramentado kong puso.

"K-Kanina pa po kayo, Engineer?"

"Mm-Hmm."

Tumayo siya at akmang lalabas ng kuwarto nang bigla siyang huminto at lumingon sa akin.

"Mag-usap tayo sa kusina," at dire-diretso siyang lumabas ng kuwarto, leaving the door open.

Malalim ang naging paghinga ko bago sumunod sa kaniya sa ibaba. Hindi niyo pala alam, dalawang palapag ang bahay na ito. Maganda ang desinyo at mukhang pinag-isipan nang mabuti, sakto ring nasa bukiring parte na ng probinsiya kaya kita ang kabuuang siyudad ng Bacolod. Maganda ang tanawin at hindi mo aakalaing siya ang nagmamay-ari. Iisipin mong isang pamilya ang nagmamay-ari ng bahay pero isang binatang katulad lang pala niya ang totoong may-ari nito. Malayo rin sa mga kapit-bahay kaya siguro rito niya na-isipang itago ako.

Oo, tinatago nga niya yata ako sa lahat. Natatakot naba ka mawala sa kaniya ang babaeng talagang gusto niya kapag nalamang nakabuntis siya ng isang babaeng katulad ko.

Habang pababa ako ng hagdan, nakita ko kanina sa wall clock na pasado alas-dose na at base sa kadiliman ng paligid, mukhang madaling araw pa lang. Oo, alam kong masama sa mga buntis na magpuyat sa ganitong oras pero nakatulog na naman ako kanina pag-uwi ko kaya siguro okay na 'yon, mahihirapan din naman akong matulog ulit lalo na't nandito ang presensiya niya sa ganitong oras.

Naabutan ko siyang nakasandal sa kitchen island na sinasabi nila at nakatanaw sa malawak na tanawin sa labas ng sliding door. Ang maliwanag na siyudad na ang kaniyang nakikita. Sa tabi niya ay isang mug na sa tingin ko ay kape.

I acknowledge my presence through clearing my throat. Pero hindi man lang siya gumalaw sa kaniyang pagkakatayo at mariin pa ring nakatingin sa tanawin sa paligid niya. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong matitigan ang bawat sulok ng kaniyang mukha. Sobrang seryoso ng kaniyang mga mata. Mahirap basahin kung ang pakay mo ay ang malaman kung ano ang nilalaman ng kaniyang isipan sa pamamagitan ng kaniyang mga mata.

Ilang segundo muna kaming natahimik, mukhang nagpapakiramdaman sa presensiya ng bawat isa, bago siya huminga ng malalim at tuluyang humarap sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak na niya ngayon ang mug na kanina'y katabi lang niya.

"Nakita kita kanina, nakipag-usap ka kay MJ?" Wala sa sarili kong pinisil ang magkabilang kamay ko at mas lalong napayuko dahil sa sinabi niya. Hindi na rin ako makatingin sa kaniyang mga mata. "Nakipag-usap ka ba, Ayla?"

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko.

"A-Aksidente ko lang siyang nakita. Hindi ko naman sinasadya na magkikita kami roon."

Mas lalo kong pinisil ang bawat daliri ko sa bawat salitang binibitiwan ng bibig ko. Tiningnan ko na rin siya sa mga mata niya makalipas ang ilang minutong kabang naramdaman ko.

"May sinabi ba siya sa'yo? May sinabi ka ba sa kaniya?"

"W-Wala… h-hindi ko sinabi ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi niya alam, Engineer," agad na tanggi ko.

Kalmado siyang tumango, taliwas sa natataranta kong sistema ngayon.

"Okay. Matulog ka na, Ayla, kailangan ng bata ang pahinga. Sorry to bother you kanina."

'Yon na 'yon? Bakit sobrang kalmado niya? Bakit hindi siya naghuramentado lalo na no'ng malaman niyang nagkita pala kami kanina ni MJ Osmeña? Minsan talaga, ang hirap basahin ni Engr. Sonny. One minute, he's all angry. Another minute, he's the nicest. Hindi ko tuloy matantiya kung ano ang totoong reaksiyon niya nang malaman niyang magkaka-anak kaming dalawa.

"Oh? O-Okay…" Sabi ko sabay talikod.

"Um, Ayla…" Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay natigil na ang paa ko sa paglalakad. Nilingon ko ulit siya. "We have an appointment tomorrow, check-up sa kaibigan kong Doctor. Don't worry, she's a trusted one kaya rest assured na safe ang magiging OB-Gyne mo."

Agad akong tumango sa sinabi niya.

"Dito ba kayo matutulog, Engineer?" Bago ko pa makalimutan, tinanong ko na sa kaniya ang sana'y kanina ko pang tinanong. Tumango siya bilang sagot at agad itinoon ang atensiyon sa kapeng hawak. "S-Sige… good night, Engineer," at tuluyan na talagang tumalikod.

"Ayla…"

Sa pangalawang pagkakaton, natigilan na naman ako.

"Po, Engineer?"

"Just call me Sonny, Ayla."

Tumango ako sa sinabi niya at bago pa man dalawin ulit ng kaba, tuluyan na talaga akong naglakad paakyat sa kuwarto para makapagbihis at makapagpahinga na rin.

Kinabukasan, naging totoo nga ang sinabi niya. Dinala nga niya ako sa isang pribadong clinic na ayon sa sinabi niya, pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan din n'ya at mismong doctor na titingin sa akin. Pamilyar sa akin ang babae at mukhang nakita ko na siya kaso hindi ko lang alam kung saan pero sa tingin ko, nakatira rin siya sa bayan namin, lalo na no'ng makita ko ang buong pangalan niya. Mula siya sa angkan ng Hinolan.

Kung tama ang hinala ko, bakit sa kaniya kami nagpapatingin ngayon? Maaasahan ba talaga siya? Hindi ba siya magsusumbong sa mga Osmeña at sa iba pa na hindi dapat makaalam sa situwasiyon namin ngayon? Okay lang ba talaga? Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala ni Engr. Sonny sa kaniya?

Ch-in-eck nga niya ako. Tinanong ng iilang tanong na agaran ko rin namang sinasagot, lalo na kung alam ko. Buong oras na chini-check ako ng doktora ay nasa tabi ko lang si Engr. Sonny… Sonny. Nakinig siya sa ilang bilin ng doctor at mas lalong nakinig sa parte kung ano ang kalagayan ng bata, lalo na no'ng ipaalam ko sa doctor ang tungkol sa pagkaka-ospital ko no'ng nakaraang buwan yata. Gaya ng sabi no'ng doctor na tumingin sa'kin dati, malakas pa rin ang kapit ng bata.

In-ultrasound na rin niya ako para makita namin kung gaano na kalaki at kung anu-anong improvement ang ginagawa ng bata sa loob ng sinapupunan ko. Buong oras, nasa tabi ko lang talaga siya, walang mintis.

Oo, alam kong responsibilidad niya ang batang ito pero hindi naman niya kailangang gawin na bantayan ako buong araw at samahan sa check-up. Kung puwede nga lang at bigyan na lang niya ako ng pera at ako na ang bahalang magpa-check-up sa sarili ko, e.

"You are twenty-one weeks pregnant, Miss Ayla, five months kumbaga. And you'll due date will be on July fourteen. Iyon ay base lang naman sa mga information na sinabi mo. But rest assured that the baby will be out by July. Just be back next month para malaman na natin kung ano ang gender ng baby."

"H-Healthy po ba ang baby, Doc?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, the baby is healthy and responding well. Nakaka-experience ka naman ng mga movements galing sa kaniya, 'di ba? It's a sign na healthy ang baby. At saka, siguro, gustong mabuhay ng bata kaya malakas ang kapit sa'yo," sagot ng doctor pero nakatingin kay Sonny at biglang ngumisi. Isang panandaliang tingin lang at agad ding ibinalik sa'kin. "Anyways, ito 'yong mga recommended milk and vitamins ko para sa'yo at sa baby."

Malugod kong tinanggap ang ibinigay niyang reseta at hindi na pinansin ang naging tinginan nilang dalawa. Hindi ngayon ang oras para sa selos-selos na 'yan.

Pero bago ko pa man tuluyang mahawakan ang papel ay na-una nang kinuha ni Sonny 'yon.

"Ako nang bahala r'yan. Thanks for your time, Dahl."

"No worries, Sonny, basta ba 'yong bank account ko…" At may weirdo'ng sinenyas ang babaeng doctor sa kasama ko, tumango naman siya sa kung ano man ang ibig sabihin no'n.

"Oo na, ako nang bahala sa'yo."

"Ang dali talagang kausap nitong si Sonny boy, kaya ang bilis maka-bulls eye, e."

"You want me to pay you, Dahlia, or not?"

"Aside sa kailangan mo talagang bayaran ang Doctor's fee ko, aba siyempre, kaya nga tatahimik na, e."

Anak ng baboy, OP na OP tayo rito, a?

Natapos ang lahat ng lakad naming dalawa ni Sonny at agad kaming umuwi sa bahay niya. Pagod na pagod ang buong katawan ko kahit 'yon lang naman ang naging lakad naming dalawa sa buong maghapon. Ganito siguro 'pag buntis, madaling mapagod. May binabasa rin kasi ako sa online kapag wala akong ginagawa. Nag-ssearch ako tungkol sa pagbubuntis at kung anu-ano ba dapat ang mga preparasyong kailangan para alagaan ang bata. Unang beses ko 'to, kaya dapat lang na paghandaan ko talaga. I'll give this child a life away from what I grew with.

Busog pa naman ako kaya matutulog na muna siguro ako. Masiyado akong pinapagod ng batang 'to, e.

"Ayla…"

Paakyat na sana ako sa hagdan nang marinig ko na naman ang mala-kulog na boses niya. Nakahawak sa barandilya ng hagdan, nilingon ko siya. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kaniya sa likod ng aking kapaguran sa katawan.

"I bought some stuffs for the baby: clothes, basic needs, beds, and everything. The furnitures will be delivered next week."

Huh?

"Bumili ka na? E, hindi pa naman natin alam kung anong kasarian ng bata, 'di ba?"

"I just bought the unisex one, 'yong puwede sa babae at sa lalaki. Kung meron ka pang gusto, just inform me at bibilhin ko ka agad. Just let me know, Ayla.

Nakabili na siya? Akala ko naman sabay kaming mamimili na dalawa. Katulad no'ng mga nakikita ko sa TV.

Pagak akong natawa sa likod ng aking isipan.

Oo nga pala, paano nga pala kami sabay na dalawa, e, pilit nga naming itinatago sa lahat ang tungkol sa kalagayan ko ngayon. Asa ka pa, Ayla, asang-asa ka talaga, palagi ka na lang talagang umaasa.

"Okay…"

Wala na akong ibang masabi. May masasabi ba ako? E, hindi ko nga mabigyan ng magandang buhay ang anak ko, ang bilhin pa kaya ang mga kakailanganin niya. Ito naman ang habol ko sa kaniya, 'di ba? Ang gastusan niya ang bata at sustentuhan, bigyan ng mga bagay na kailangan niya.

"And… aalis nga pala ako sa Tuesday. I have a five-days convention sa Singapore but don't worry, si Samuel ang magdadala ng groceries mo for next week and sa mga in-order kong furnitures and iba pang stuffs."

Ha?

"S-Samuel? A-Alam po ba—"

"Yes, he knew. Don't worry, trusted constituent ko siya."

Mariin kong itinikom ang bibig ko dahil sa naging sagot niya at tumango na lang.

Si Samuel? 'Yong empleyado nilang sumundo sa akin sa hotel room para samahan ako sa pag-uwi rito sa Negros? Kung alam niya, may posibilidad bang alam din ng mga kapatid niya? Alam nga no'ng doctor na kaibigan niya tapos ngayon naman 'yong isang pinagkakatiwalaang empleyado niya.

Pero wala siya sa susunod na linggo. Isang linggo siyang mawawala at kung bakit niya pinaalam sa akin ay hindi ko alam, malaking pala-isipan sa'kin 'yon.

'Yon lang ang naging usapan namin ni Sonny at kinabukasan ay umuwi na siya sa bayan namin. May panibagong sustento ng groceries na naman ako para sa linggong ito. Kaya sa sumunod na araw, inabala ko na lang ang sarili ko sa mga gawain sa opisina.

Dumaan ang Lunes, Martes, Miyerkules, at ang Huwebes na ganoon ang takbo ng buhay ko. Ang naging kakaiba lang ay ang maya't-mayang pagti-text sa akin ni Sonny. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi siya nakaka-send sa akin ng mensahe, e.

Noong Martes, araw ng pag-alis niya, ay ganito ang naging mensahe niya:

Sonny:

I'm leaving, please inform me if you need something. Ingat.

Ako:

Ingat din sa biyahe.

Sonny:

Nasa airplane na ako ngayon, any minute yata ay aalis na 'to.

Noong Miyerkules naman, unang araw niya sa convention na sinasabi niya ay nagpadala na naman siya ng mensahe. But this time, sa Messenger niya dinaan na may kasama pang litrato. Isang selfie at ang nasa background niya ang stage yata ng convention na sinasabi niya.

Sonny:

First day ng convention pero hindi pa lang nag-sstart, I'm getting bored na.

How's the baby? Sumisipa na ba?

Sana hindi pa, I wanna witness myself his first kick.

Ako:

His? Lalaki? Sa tingin mo, lalaki 'to?

Sonny:

I do hope so.

I can sense it's a boy.

Pero kung babae, I'll wholeheartedly accept her anyway.

Mabilis siyang mag-reply, ha, infairness.

Huwebes, pangalawang araw niya sa Singapore, ang una niyang pinadala ay isang litrato na naman. Kumakain siya ng parang noodles yata at nakanganga pa talagang nag-post sa camera. Natatawa nga ako no'ng una kong makita 'yon tapos s-in-ave ko ang s-in-end niyang picture at balak ko sanang gawing wallpaper pero 'wag na lang, baka makita niya pa.

Sonny:

I have a friend here in Singapore and nagkita kaming dalawa.

We hang out a bit and siya ang nag-take ng photo na 'yan.

I'm eating Prawn Mee right now.

Ikaw? Anong kinakain mo?

Does the baby like the food?

Do you crave something else aside from Pepperoni Pizza and Spanish bread?

Just tell me, sasabihan ko agad si Samuel na magpa-deliver ng pagkain d'yan sa bahay.

Ayla?

Sunod-sunod ang naging padala niya ng mensahe ng araw na iyon, na tila ba'y wala siyang convention na sinalihan. Kung makinig kaya siya, 'no? Hindi 'yong inaatupag niya ang cell phone niya.

Ako:

Okay lang ako, Sonny. Enjoy ka na lang d'yan sa convention mo. Okay lang ako rito.

Sonny:

Don't spend too much time on surfing the net. It's bad for the health.

Do you have WhatsApp?

If none, can you download it?

Doon na lang tayo mag-usap, I'm gonna deactivate this account again.

Ako:

Okay.

Hindi na naman sana kailangang mag-download ako ng WhatsApp na app, e, pero nakakahiya naman kung hindi ko siya susundin. Baka nga may biglang kailangan ako't hindi ko ka agad masasabi sa kaniya kasi nga hindi naman siya reachable sa phone number niya at mas lalo na sa Facebook kasi nag-deactivate nga siya ulit. Kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.

Pangalawang deactivation na n'ya 'to. 'Yong una ay 'yong may kumalat na picture naming dalawa sa Facebook. Gusto niya raw umiwas sa issue kaya nag-deactivate siya. Pangalawa ang ngayon-ngayon lang.

Dumating ang Biyernes. Huling araw ng duty sa linggong ito. Sa wakas at makakapagpahinga na rin.

Pero ang mga messages ni Sonny, hindi pa rin nagpapahinga.

Sonny:

Ngayon 'yong expected date ng pagpapadala ng packages.

Dumating na ba?

Samuel's unreachable, I can't ask him further questions about the stuffs.

Inform me kung nand'yan na and please send some pictures.

I've instructed Samuel to put all the stuffs the room next to yours.

Kakauwi ko lang galing sa duty at magpapahinga na sana ako nang ratratan na naman ako ng sunod-sunod na messages ni Sonny. Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan muna ang mga messages niya bago ako nakapagtipa ng sagot.

Ako:

Wala pa naman po 'yong mga gamit na sinasabi mo. Nandito na pala ako sa bahay.

Sonny:

Alert me as soon as possible kapag nand'yan na.

Dapat by this hour, nand'yan na.

What took Samuel long?

Ako:

Sasabihin ko ka agad sa'yo kung nandito na ang mga gamit.

Wala naman akong masagot sa huling tanong niya kaya wala akong ibang nasabi kundi 'yan.

Nasa kusina ako ngayon at nagpi-prepare na ng pagkain para sa hapunan ko. As usual, mag-isa na naman ako sa malaking bahay na ito. Magda-dalawang buwan na yata ako rito at mukhang nasasanay na akong mag-isa. Mas mabuti talagang isipin ko muna ang sarili ko ngayon at ang bata, kesa isipin ang ibang tao.

Tapos na akong magluto ng ulam at hinintay ko na lang na maluto ang kanin sa rice cooker nang biglang tumunog ang doorbell sa labas ng bahay. Sa sobrang tahimik, halos umalingawngaw ang tunog nito sa kabuuan ng bahay.

Baka si Samuel na ito?

Pinunasan ko muna ang kamay ko bago ako lumabas para mapagbuksan ng gate si Samuel.

Anak ng baboy!

Pero nasa bukana pa lang ako ng pinto ng bahay ay kusang umatras ang mga paa ko't natigilan sa paglalakad. Dahil gawa sa grills ang gate, kitang-kita mula sa puwesto ko ang mga taong nasa labas ng gate.

Nang makita nila ako, agad na kumaway si Miss Kiara sa akin. Si Boss Darry naman ay nakatayo lang sa tabi niya at parang pinag-aaralan ang buong pagkatao ko. Isang dipa mula kay Boss Darry ay ang empleyadong sinasabi ni Sonny… si Samuel.

Teka, sandali, bakit nandito silang dalawa? Anong nangyayari?

Huli na ang lahat para magtago dahil nakita na nga nila ako. Kinawayan pa nga ako ni Miss Kiara, e, kaya imbes na magtago pa, nilapitan ko sila't pinagbuksan ng gate.

"Oh, my God, Ayla! Hi!"

Nang tuluyang makalapit at mabuksan ang gate, isang masiglang bati agad ang ibinungad ni Miss Kiara sa akin. Lumapit pa siya sa akin at marahan akong niyakap. Masiyado akong gulat sa nangyayari sa paligid ko kaya hindi ko na alam kung anong unang iri-reak ko.

Anong nangyayari? Bakit sila nandito?

"See, Darry, I told you."

Matapos kumalas ni Miss Kiara sa yakap, humarap naman siya kay Boss Darry at inilahad pa ang tiyan ko para makita niya, as if namang hindi agad mapapansin, e, masiyado nang halata ang tiyan ko.

Seryoso pa ring nakatingin si Boss Darry sa akin kaya sa sobrang seryoso, hindi na ako makatingin sa mga mata niya. Hindi naman talaga ako tumitingin sa mga mata niya.

"Samuel, utusan mo na 'yang mga tauhan na ipasok na ang mga gamit sa loob," nilingon ni Miss Kiara si Samuel na kanina pang tahimik. Sinunod naman niya ang pinag-uutos ni Miss Kiara. "At ikaw naman, Ayla, pumasok na tayo sa loob. Masama sa mga buntis ang nahahamugan. Maggagabi na o, sa loob na lang tayo mag-usap."

Mag-usap.

Anak ng baboy… mag-uusap pa talaga kami?

Isa-isang pinasok ang mga gamit na sinasabi ni Sonny. Iginigiya naman iyon ni Samuel sa kuwartong dapat paglagyan no'n. Mukhang pamilyar na si Samuel sa kabuuan ng bahay kasi siya na mismo ang dumiretso roon.

At saka, 'yong akala kong kaonting gamit lang… hindi pala. Halos makagawa na ako ng sarili kong tindahan sa dami ng mga gamit na pumapasok. May kama, may kuna, may mga malalaking box pang hindi ko alam kung anong laman, may bangko na para sa bata, may mga laruan at teddy bear pa. Anak ng baboy. Para ba 'to sa batang kakasilang lang?

"Hmmm… adobo ba ulam mo, Ayla?"

Nang makapasok kami sa loob ng bahay at tahimik lang na nakatingin sa mga taong maya't-maya ang pasok sa loob na may mga bitbit na gamit ay binasag ni Miss Kiara ang katahimikan namin.

"Opo, Miss Kiara."

"Oh, my God! That's my favorite!" Kulang na lang at magtatatalon siya sa sobrang tuwa. "Darry, dito na tayo kumain. I like the ulam, adobo. Dito na kami magdi-dinner, Ayla, ha?"

Ha? Anak ng baboy.

"O-Okay po… kaso po, kulang po yata 'yong kanin?"

Sakto kasing isang baso lang ang sinaing ko, 'yong sakto lang talaga sa'kin.

"Ako nang bahala. Magsa-saing na lang ako ulit," biglang sabi ni Boss Darry na lalong kinagulat ko.

Anak ng baboy? Siya? Magsa-saing?

Gusto ko pa sanang umangal kaso dirediretso ang naging lakad niya papunta sa kusina. Leaving me and Miss Kiara behind.

~