webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

New Friend Of Ricai

Dumating na sa set sila Ricai kung saan gaganapin ang bagong season ng cooking show ni Chase na ngayon ay may ibang co Chef na lalabas at ito nga ay si Jamaica Aragon na isang sikat na vlogger.

"Wow, ang dami pong camera at ang ganda po dito uncle ninong…" Ang sabi ni Baby Girl.

Pabulong bulong naman si Ricai "ano namang kinaganda dine eh pangkaraniwang kitchen lang naman ito na may mga bayarang audience na taga palakpak at sigaw."

"May sinasabi ka Miss?" Ang tanong ni Belj na naupo sa tabi nila Ricai at Baby.

"Ha? Wa—Wala naman sabi ko ang ganda dito. Ha… Ha…"

"Nga pala Boss, okay na raw mag sisimula na po kayo pumunta na daw kayo sa backstage."

"Ah, oo sige maiwan ko na kayo dito."

"Hindi po kami pwede sumama sa inyo?"

"Nako, hindi pwede Baby may iba na kasing kasama si Boss." Ang sagot naman ni Belj.

"Ibang kasama? Hindi ba ang title ng show is "let's cook with Chase?" bakit may kasama sya?" Ang curious na sambit ni Ricai.

"Ah… yun parin naman ang title ng show ko pero may guest chef akong babae na isa raw sikat na vlogger." Ang sagot naman ni Chase.

"Ba—Babae?"

"Opo Miss, si Ms. Jamaica Aragon ang galing rin po nun mag luto at followers nya ko." Sambit ni Belj na para bang fan na fan ni Jamaica.

"Parang kilala ko rin po yun parang nakita ko na po yun sa tv dati." Ang opinion naman ni Baby.

"Oo dahil nag gu-guest rin sya sa ibang cooking show." Ang sagot naman ni Chase at tumayo na "sya sige dito na muna kayo."

Dumaan sya sa may likuran ng kinauupuan nila Baby at bumulong pa sya kay Ricai ng tumapat sya rito "wag kang mag selos dahil sayo pa rin ako."

Namula ang tenga at nanindig ang mga balahibo ni Ricai sa gulat ng bumulong sa kaniya si Chase. "Ba—Baliw ka!!!"

Napalakas ang boses ni Ricai kaya napatingin sa kaniay ang mga taong nasa set pero ipinagtanggol sya ni Chase pero ngiting ngiti ito na para bang binubully nya si Ricai "it's okay guys don't worry ayos lang sya ayaw nya kasing nalalayo ako sa kaniya. Di ba ang sweet nya?"

Kinilig naman ang mga tao sa set sa sinabing iyon ni Chase pero pangiti ngiti lang si Ricai at deep inside gusto nyang bugbugin si Chase.

"Ha…Ha… Ha… Okay Boss sige na po ako ng bahala kila Miss at Baby." Ang sabi naman ni Belj at nag winked rin sya kay Chase.

"Okay bye my love." Sambit ni Chase at hinalikan nya sa pisnge si Ricai at nag tilian naman ang mga audience na fan pala ni Chase.

Bumulong naman si Ricai kay Chase habang pekeng na ngiti na umaarteng perfect girlfriend "humanda ka sakin mamaya lintek lang ang walang gante!"

Inilapit naman ni Chase ang mukha nya kay Ricai para mag nose to nose "I'm rooting for that my love."

Gigil na gigil naman si Ricai sa inis kay Chase pero hindi sya maka angal dahil ang daming matang nakatigin sa kanila at kasama na rin doon si Jamaica.

"Huh! What the heck?! Ano bang akala nila dito sa set, park?! My gosh!"Ang sambit ni Jamaica na nasa gilid ng set kasama yung PA nyang si Nice.

"Ma'am, okay na po ang ipinag uutos nyo."

"Good, siguraduhin mong hindi magagamit ni Mommy ang cards nya mag padala ka sa kaniyang ng 5k."

"Para sa isang araw po?"

"No! It's good for one month."

"Ho? Pero Ma'am kilala nyo po si Madam kulang po sa kaniya ang 5k sa isang araw."

"What? Bakit magkano ba ang gastos ni Mommy sa isang linggo?"

"Ah… Eh… hindi nyo po ba tinitignan ang statement of account ni Madam?"

"Why should I hire you for kung ako ang titingin non?"

"Ah… opo Ma'am sorry, pero ang gastos po kasi ni Madam sa isang linggo ay hindi bababa sa 20k. Depende pa po yun kapag may sale sa Mall or may mahjong sila ng mga ka amiga nya."

"Wha—What?! Depende pa yon?!"

"Unfortunately, ganun po Ma'am."

"My gosh! Ano bang akala sakin ni Mommy? Bangko nya? Grabe! Daig nya pa ko kung gumastos eh ako yung nagtatrabaho saming dalawa."

"Parang ganun na nga po."

"Kaya ngayon mag padala ka lang ng 5K kay mom at sabihin mo wala na kong pera!"

"Ye—Yes Ma'am."

"Okay go!"

"Opo."

Lumapit naman sa kanila yung babaeng staff na nag sabing mag sisimula na at nakita yon ni Ricai "sya ba yung Jamaica?"

Napatingin naman si Belj sa tinitignan ni Ricai "ah, opo Miss sya yon ang ganda nya po no?" bigla namang ang sama ng tingin sa kanya ni Ricai "ha…ha…ha… pero syempre mas maganda naman po kayo sa kaniya right Baby?"

"Um."

Ricai smirked "whatever Belj dito ka muna bantayan mo si Baby lalabas lang ako saglit."

"Po? San po kayo pupunta Miss?"

"Nauuhaw ako kaya bibili ako ng maiinom."

"Ako nalang po."

"No need, gusto ko rin maka sagap ng fresh air sobrang nakaka suffocate na dine halos lahat ng mata nakatingin sakin parang ang sikip-sikip dito."

"Pero Miss…"

"Don't worry saglit lang ako."

"Sige po Miss bumalik kayo agad mag sisimula na po ang show ni Boss."

"Oo na."

Pero sa isip-isip ni Ricai "huh! Ano naman kung mag sisimula na eh di naman ako interesado isa pa di naman live ang gagawin nila puro taping lang."

"Miss?"

"Nothing. Sige na… Baby Girl alis muna ko ha?"

"Opo."

Habang nag lalakad papalabas si Ricai pabulong bulong sya "kakainis talaga ang bwiset na Chase na yon kala mo kung sino." At biglang may nakabanggaan syang isang lalaking may bandage ang braso at naka mask at cap na black rin.

"So--Sorry Sir."

"No, no it's okay."

"John…Floyd?" nakita niya ang mukha nung lalaki dahil natanggal yung mask nito ng magkabanggan sila.

Tinakpan nung lalaki ang bibig ni Kelly at sinabing "Shhh… wag kang maingay."

"Mmm…"

At biglang may nagkakagulo na ang hinahanap ay si John Floyd "sorry pero tiisin mo muna okay?" inilapit nya ang mukha nya kay Ricai na para bang hahalikan nya ito at itinago nya sa pagitan nila ang kamay nyang may bandage para hindi sya mahalata ng mga fans at reporters na humahabol sa kaniya.

"Mabilis ka bang tumakbo?"

"Mmm?"

Hinila ni John Floyd si Ricai ng makalagpas sa kanila yung mga nagkakagulong fans at reporters "sa—san tayo pupunta?"

"Basta yung malayo dito."

"Ha? Pe—Pero…"

"I owe you." Then he winked at Ricai.

Hiyang hiya ang pakiramdam ni Ricai dahil super crush nya si John Floyd na tinaguriang "boyfriend ng bayan" dahil sobrang boyfriend material nito at sa taglay nyang charisma dahil mata pa lang nya ay pamatay na nakakatunaw.

"."

Natapos at natapos ang taping ni Chase wala paring Ricai na bumabalik doon sa set…

"Ha? Bumili lang ng tubig hindi na bumalik? Ano ba yung tubig na binibili nya isang tangke at hindi na sya nagpakita dito satin?"

"Ah… eh… Boss baka po may emergency?"

"Tinawagan mo na ba?"

"Opo kaso, naiwan nya po yung bag nya samin ni Baby at narooon po ang phone nya sa loob ."

"Ano?! Baka kung ano ng nangyare dun, why didn't you tell me earlier?"

"Ehhh… Boss kasi nga po nag ta-taping kayo eh alangan naman po sirain ko pero hinanap ko naman po sya yun nga lang po di ko sya makita sa buong lugar bumaba na nga rin po ako sa may lobby at sa malapit na convenience store nag punta na rin po ako pero wala po sya dun."

"Anak ng! Did you report her to the police?"

"Opo Boss."

Napatingin naman si Chase kay Baby Girl na busy sa bulaklak na ibinigay kay Chase ng isang fan "umuwi na muna kayo ni Baby ako ng maghahanap kay Ricai."

"Hindi Boss, ako na po maghahanap kay Miss kayo nalang ni Baby ang umuwi."

"Ako na! Umuwi na kayo."

"Boss…"

Chase bend down to talk to her goddaughter Baby "hmm? Is there a problem po ba? Bakit kami lang po ni tito Belj ang uuwi? Tsaka si tita Ricai po wala pa rin sabi nya po sakin kanina babalik po syang agad."

"Yeah… but your tita need something to do kaya hindi sya nakabalik dito agad kaya ako ng bahalang sumundo sa kaniya kaya sige na sumama ka na kay Belj. And don't worry pag uwi ko kasama ko na si Ricai."

"Sige po."

Sa mag kaparehong oras naman….

Kasama parin ni Ricai si John Floyd na nag punta sa isang golf course.

"Nice, magaling ka pala mag golf Ricai."

"Nako, hindi naman Sir mas magaling parin kayo kesa sakin."

"Wag mo na kong i-Sir JF nalang nakakatanda ang Sir eh ilang taon ka na ba?"

"Ah… Ahm…mag 27 years old na ko sa susunod na buwan. He…He…"

"Oh… mas matanda nga ako sayo. Hehe…"

"Um. Pero hindi naman nagkakalayo ang age natin tapos baby face pa kayo."

"Tsss… maliit na bagay. Charot! Hahaha…"

"Cha---Charot?"

"Eh? Charot as in yung parang joke lang ganun hehe…."

"Ah. A—Ano alam ko naman yon nagulat lang ako na isang gaya nyo magsasalita ng "charot" kaya nagulat po ako. Ha…ha…ha…"

"Bakit naman? Tao lang din naman ako." Naupo naman sya sa may damuhan.

"Ehe… sobrang down to earth nyo pala."

"Lika upo ka."

"Si—Sige."

"Miss Caddy."

"Sir?"

"Pakisabi nga sa staff na mag padala ng food and drinks dito."

"Sige po Sir."

"Thankies."

At sumalis naman agad yung caddy at sa isip-isip ni Ricai "thankies? Sya ba talaga yung sikat na si John Floyd? Ang cool nya grabe."

"Ricai?"

"Hmm? May sinasabi ka?"

"Sabihin mo bakit ka nasa set ng cooking show ni Chase?"

"Ha? A—Ano kasi…"

"Ikaw ba yung gf nya?"

"Ha? Ahh… ehhhh…"

"Nga pala, pwede ba wag mong pagsasabi na nakita mo ko at isinama kita dito? Ito nalang kasi ang peaceful kong place."

"Sa—Sainyo ang golf course na ito?"

"Um. Kaya pwede kong gawin ang gusto ko dito kita mo naman wala akong suot na mask kasi kilala ako ng mga staff dito."

"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang John Floyd?" pabulong bulong na sambit ni Ricai.

"Ano yon?"

"Wa—Wala ang sabi ko yang braso nyo hindi ba yan maskit? Nag golf tayo at ang galing nyo hindi ba man lang yan kumirot or something?"

"Ahhh… props lang naman ito."

"Pro—Props? Pero hindi po ba sabi sa balita nagkaroon kayo ng car accident?"

"Ahhh… yun ba? Nako, fake news yon hindi naman ako yung na aksidente kung hindi yung bugok kong kapatid kasi ginamit yung kotse ko kaya ayun kala ng mga fans at reporter ako yun."

"Po? Pero…"

"Don't worry ayos lang yung kapatid ko nagkaroon lang mga galos ang bugok na yon pero ako ang kailangang magkaroon ng benda kasi yun ang sabi ng manager ko sa interview kaya naman ayun dumagsa ang fans dun sa bahay ko kaya yung nakita mo kanina na humahabol sakin konti pa yun. Nauuma lang din ako sa mga reporter."

"Yeah… asar nga ang mga yun buti nga di ako bina-bother ng mga yun kanina kasi ginawan ni Chase ng para…"

"So, it's true ikaw nga ang gf ni Chase?"

"Ha? A…Ahm…"

"Yes! She is my one and only girlfriend." Ang bungad na sambit naman ni Chase at gulat na gulat sa kaniya si Ricai.

"Ch---Chase? Ba—Bakit ka…"

Lumapit si Chase sa kaniya at tinulungan sya nitong tumayo "mag uusap tayo mamaya pag uwi!" Bulong nya kay Ricai.

"Pre!" Ang sambit naman ni JF.

"Yow, hindi mo sinabi na kasama mo pala ang gf ko." Ang sambit ni Chase na para bang naiinis.

"Ah… Nako sorry, nawili kasi kami ni Ricai mag golf dito."

"Ohhh… I see." Ang sama naman ng tingin nya kay Ricai.

"Tapos na ang taping mo?"

"Ah… Oo kanina pa nga…" he still glaring at Ricai badly.

"Paano mo nga pala nalaman na andito kami?"

Paplastik namang ngumiti si Chase kay JF at sinabing "I have my sources tsaka… pagdating kay Ricai wala akong paglalagpasing sulok makita lang sya" he stares at Ricai affectionately.

Ohhh... pak may instant actor friend agad si Ricai. Kabogera ng taon. Charot! HEHE

.

.

.

Don't forget to read my other tagalog novels.

¤ Ms. Hoodie

¤ PRIDE Of Friendship

lyniarcreators' thoughts