webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Being Famous

Noong umaga ring yon nagyaya si Baby na mag gala sila ng tita Ricai nya kahit na inaantok pa ito.

"Ha? Gusto mong mag shopping?"

"Opo."

"Pero Baby, ano kasi eh…"

"Ayaw nyo po ba?" Naging sad namang bigla ang face nito na para bang nag papaawa kay Ricai.

"Hi—Hindi naman sa ayaw ko bebe ano kasi maaga pa naman kaya kung gusto mo mamaya nalang?"

"Um. Opo kahit mamaya nalang po sasabihan ko na rin po si Uncle Ninong na mag sho-shopping po tayo."

"I—Ikaw bahala pero Baby may gusto sana akong itanong sayo."

"Hmm? Ano po ang gusto nyong itanong?"

"Kagabi kasi ano…yung uncle ninong mo ba…ano…"

"Ano po?"

"Ah… eh…"

"Kung itatanong nyo po kung anong nangyare kagabi wala po akong alam kasi tulog na po ako ng dumating kayo nabanggit lang po sakin ni tito Belj na dumating na raw po kayo kaya nag punta po ako dito pagka gising ko."

"Ahhh… ganun pala."

"Do you have any question pa po ba?"

"Wa— Wala naman na sige kung wala ka namang kailangan sige na makakaalis ka na lalabas na rin ako para magluto ng agahan natin."

"Um. Intayin ko po kayo sa labas."

"Okay."

Paglabas naman ni Baby ng room ni Ricai…

"My Gosh!!! Ano bang nangyare bakit hindi ko maalala ang nangyare kagabi? Paano ako nakauwi dito? At bakit katabi ko si Chase dito sa kama ko? AHHHHH!!! Kainis."

"."

Matapos nilang kumain ng umagahan nabanggit ni Baby sa uncle ninong nyang si Chase ang balak nila ng tita Ricai nya na pupunta sila nito sa mall…

"Talaga po sasama kayo samin?" Ang masayang sambit ni Baby sa uncle ninong nya.

"Yup, malling lang pala eh don't worry your uncle ninong will accompany you too." Ang proud na sagot naman ni Chase.

Ricai smirked and whisper "tsss… as if naman normal na citizen sya na makaka gala ng mall na walang magiging aberya. Nalimutan ata ng mokong na ito na isa syang famous. Idiot!"

"Did you say something?" Chase said as if he is smirking too.

"Nothin' Mr. Alcantara." Ricai answered while rising her right eyebrow.

"Ahem… Ahm... mawalang galang na po ano? Pero Boss, baka po kasi nakakalimutan nyo na may taping po kayo ngayon para sa cooking show nyo." Ang sambit naman ni Belj habang tinatalupan nya yung saging na para kay Baby Girl.

"Whut?! May shoot ba ko today?"

"Ye—Yes Boss sa susunod na Monday na po kasi eere ang season 3 ng "Let's Cook with Chase" kaya kailangan nyo po talagang mag taping."

"Anak nang! Bakit hindi mo sinabi sakin kagabi?"

"Ah… eh… kasi po late na kayo umuwi kagabi hinid ko na po nabanggit pasenya na po Boss."

"Haysss… badtrip naman."

"Sorry po Boss."

"Ahm… what if sumama nalang po kami sa inyo ni tita Ricai?" Ang pag singit na sambit naman ni Baby.

"Ano?! Baby, pwede naman tayong mag mall ng tayo nalang tsaka…" napatingin sya kay Chase then she rolled her eyes "baka maka abala tayo sa uncle ninong mo kapag nasa set na sya."

"Pero… masaya po yun… Uncle Ninong pwede po ba kami sumama sa inyo?"

"Ha? A—Ano kasi…"

Belj interrupt him "yes Baby pwede naman kayong sumama ni Ms. Ricai."

"Talaga po?"

"Yes."

Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Belj at pa bulong-bulong "what the heck are you saying?" pero pangiti ngiti lang sa kaniya si Belj.

"No! Hindi na mag gagala nalang kami ni Baby sa Mall kaya sige na ako ng bahala sa kaniya."

Hinila naman ni Belj si Chase sa isang tabi at bumulong "Boss, isama na natin silang dalawa sige kayo baka tawagan pa ni Miss si Mr. Andy bahala kayo baka kung ano na naman ang gawing move nun."

"No way! Fine, isasama na natin sila pero paano ang mga reporter kapag nakita nila sila Ricai at si Baby baka kung anong issue ang idawit nila."

"Boss, mapapaganda nga nito ang image nyo."

"Ha? Pero I'm star and I don't think kailngan ko pang sumikat dahil sikat naman na ko."

Pabulong bulong naman si Belj "umandar na naman ang paka hambog ng isang ire."

"May sinasabi ka?"

"Wa—Wala po pero like what I've said mapapaganda nito ang image nyo pero hindi po para sa pagiging sikat na chef nyo. "

"Ha? What are you trying to say?"

"Ang sakin lang po kapag nalaman ng mga reporter na may relasyon nga kayo ni Ms. Ricai mas mapag uusapan kayo ng mga tao at makakarating rin iyon sa daddy nyo oras na malaman nilang may kasama pa kayong bata..."

"Sandali nga hindi ko talaga maintindihan ang gusto mong sabihin just straight to the point bitch."

"Ganito po kasi naisip ko pong kapag naging issue na may anak na kayo ni Ms. Ricai lalong manggagalaiti sa galit sa inyo ang daddy nyo. Hindi po ba yun ang gusto nyong mangyare? Ang magalit sa inyo si Don Fernan."

"At kapag nangyare yon magiging masaya ako."

"Boss…"

Habang nag uusap naman yung dalawa sa isang tabi nag uusap rin naman sila Ricai at Baby "oo nga Baby masaya yun kaso famous yang uncle ninong mo kaya sure may mga reporter dun."

"Okay lang po yun."

" No Baby hindi okay yun."

"Bakit naman po?"

"Kasi kapag nakita nila tayo sa set ng taping ng uncle ninong mo baka ma issue tayong dalawa sa kaniya."

"Hmm?"

"Haysss… basta hindi tayo pwedeng sumama."

"Pero tita…"

Naki sali naman sa usapan si Chase "no its okay si Belj na ang bahala sa mga reporters right Belj?

"Yeah."

Sa isip-isip naman ni Ricai "dang it! Hindi maganda ang pakiramdam ko sa araw na ito umaga palang ang sakit na ng ulo ko sakanila. Kainis!!!"

"Tita Ricai pumayag ka na po please."

"Pero kasi…"

"Pleaseeee…." Ang nag mamakaawang sambit ni Baby na nag papaawa face pa.

Ricai sighed "fine, mukhang wala naman akong choice tatlo laban sa isa paano naman kaya yun?"

"Yehey!!! Thank you po tita Rica. Love you."

"He…he… kung hindi lang talaga kita love eh."

Niyakap naman sya ni Baby at nagkatinginan naman sila Chase at Belj at napangiti.

Samantala…

Busy ang lahat ng staff para sa bagong location kung saan gagawin ang bagong season ng cooking show ni Chef Chase at may bago syang makakasamang sous chef at isa itong babae na nag ngangalang Jamaica Aragon isa ring rising star na discover bilang content creator sa youtube. Sa makatuwid isa siyang sikat na chef vlogger na may 4.7Million ng subscriber.

"What the? Is he a professional? 8am ang call time dito sa set tapos wala pa sya?!" Ang sabi ni Jamaica na nainom ng iced americano habang naka upo pa sa loob ng kanyang van at kausap ang PA (personal assistant) na si Nice.

"A—Ahm… sabi naman po ng nakausap kong staff malapit lang po dito ang condo ni Sir Chase kung saan sya nakatira kaya baka papunta na rin daw po."

"ANO?! BAKA?!"

"Ah…eh… Ma'am…"

"Enough! Sabihin mo kay Direk Royce na hindi na ko makikipag collaborate dyan sa Chase Alacantara na yan! Napaka unprofessional ang tagal na nya sa showbiz attitude parin sya? Hindi yan pupwede sakin."

"Ah…Ahm… Ma'am hindi na po kasi tayo pwedeng umatras."

"At bakit hinde? I will pay the danyos!"

"O—Opo pwede naman kaso Ma'am si Madam po kasi…"

"Ano na naman ang ginawa ng magaling kong ina?"

"Bukod po kasi sa pinirmahan nyong kontrata may iba pa pong files na pinirmahan ang mommy nyo."

"What?! Alam ba ito ni Atty. Desinganio?"

"O—Opo at nalaman ko rin po na kinuhang lahat ni Madam ang buong talent fee nyo sa buong season."

"ANO?!!!"

"A…Ano po kasi nga—ngayon ko lang rin po nalaman kaya sorry po Ma'am."

"What the f?! Call Ms. Gomez sabihin mo cut lahat ng cards ni Mommy, NOW!"

"O—Opo Ma'am… eh yung sa passbook po?"

"LAHAT!!!!"

"Ye—Yes Ma'am."

Si Jamaica Aragon ay isang sikat na celebrity chef vlogger pero mas sikat ang nanay nyang si Zyda Aragon bilang casino queen na parating natatalo at talagang malaking pera na ang napatalo nito sa casino na parating nagiging issue kay Jamaica dahil na dawit na rin ang nanay nya sa mga illegal na gawain. Kaya naman itong si Jamaica ay nagkaroon ng isang scandal patungkol sa totoo nyang ama na isa raw tycoon na yumaman dahil sa pagbebenta ng iba't ibang ipinagbabawal na gamot at kung ano-ano pang sangkot sa pag susugal.

***

Gabi na at dumalaw si Fernan kay Don Arnulfo kasama si Ysmael…

"Uncle, wala pa po bang balita kung kailan magigising si lolo?"

"To be honest wala na akong pakialam kung magising pa si Pa'Pa o hindi na."

"U—Uncle…"

"Oras na magising ang lola mo sigurado akong gagawa at gagawa na sya ng hakbang parang mapunta lahat ng ari-arian nya kay Chase at hindi ako papayag na gawin yon ng lolo mo."

"Uncle pwede po bang mag tanong?"

"Say it."

"Bakit ganyan nalang po ang galit nyo kay Chase? Dahil po ba yan sa pagiging suwail nyang anak sa inyo?"

"Wag mong isipin na isang Alcantara si Chase dahil darating ang araw na sya ang magdadala ng kahihiyan sa pamilya natin. Kaya gagawin kong lahat para wala syang makuha kay Pa'Pa kahit singko."

Sa isip-isip ni Ysmael "ano ba ang ibig sabihin nya? Bakit parang sinasabi nyang hindi nya anak itong si Chase?"

Hello, Hi geysh! (^_^)

-sorry po kung ngayon lang ako naka pag update sobrang busy lang po kaya sana maunawaan nyo po. ಥ‿ಥ

.

.

.

>>>>>my other tagalog novels

.

.

.

• PRIDE of Friendship

• Ms. Hoodie

lyniarcreators' thoughts