webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Eulla's Secret

Sa Condo…

Nag lalaro sila Belj at Baby ng kanilang cellphone at hindi na nila na malayan na nag gabi na pala.

"Tito Belj?"

"Hmm?"

"Gabi na po pero wala parin sila Ninong Chase at Tita Rica."

Napatingin naman si Belj sa wall clock at nakita niyang mag 10pm na pala kaya pandalas na sya ng tayo.

"Anak ng! Hindi pa ko nakakaluto ng dinner mo."

"It's okay lang po nawili po tayo maglaro eh tsaka hindi pa naman po ako gutom."

"Pero baby, mapapagalitan ako ng uncle ninong mo kapag nalaman nyang gabi na eh hindi ka pa nakain at natutulog."

"No worries tito Belj di po kita susumbong sila nga po ni tita Rica wala pa eh."

"Ah…eh… nasa tamang edad naman na sila at alam na nila ang tama o mali pero wag kang mag alala uuwi rin ang dalawang yon. Sa ngayon mag luluto muna ko dito ka lang ha?"

"Ahm… I want to cook rin po."

"Eh?"

"Si tita Rica po kasi isinasama ako kapag nag luluto sya kaya I will help you po."

"O—Okay?"

"I want spaghetti po for our dinner."

"Ha? Pero baby dinner naman bakit yun ang gusto mo?"

"Ahm… wala lang po parang masarap po kasi tsaka sabi ni tita Rica gusto nya po yun eh kaya gusto ko po syang ipagluto."

"Ohhh… I see. Sige tignan natin sa pantry kung meron silang ditong ingredients okay?"

"Um."

Samantala,

Humiram ng hagdan si Chase dun sa isa sa mga Aleng naka usap nya doon sya dumaan sa likuran ng bahay ni Andy at dahan-dahan syang umakyat at sakto namang bukas ang bintana roon at kasya sya dahil walang bakal at sliding ang disenyo ng bintana.

"Hoy! Anong gagawin mo kay Rica?!" Ang pagalit nyang sambit dahil nakita nyang lumapit si Andy kay Ricai na walang suot na pang itaas.

"Ikaw?!"

Pumasok si Chase sa bintana at sinapak si Andy "walanghiya ka tinuring kang kaibigan ni Rica tapos ganito ang gagawin mo sa kaniya!!!"

Tumayo at gumanti ng sapak si Andy kay Chase "hindi mo ko kilala kaya wala kang pakialam!!!"

"Aba't!" Babawi sana uli sya ng sapak pero bigla syang inawat ng yakap ni Ricai at sinabing "tama na gusto ko ng umuwi." at nawalan sya ng malay.

"Rica? Rica? Hey, what's wrong?"

"Nakatulog lang sya wag kang mag alala." Ang sabi ni Andy at binuhat naman ni Chase si Ricai.

"Ito tandaan mo kapag nag pakita ka pa sa kaniya hindi lang sapak yang aabutin mo sakin. Naiitindihan mo?!!" Ang galit na galit na sambit ni Chase at ang sama ng tingin nya kay Andy at iniwan na nila ito.

Wala namang kibo si Andy at hinayaan nya nalang na umalis si Chase na kasama si Ricai "patawarin mo ko Icai…" at doon na bumuhos ang kanyang luha dala ng kaniyang pag hihinagpis dulot ng kaniyang pag mamahal kay Ricai.

Icai ang tawag ni Andy kay Ricai noong sila'y mga batang paslit pa lamang dahil bulol noon si Andy sa pag bigkas ng R.

"."

Mag hahating gabi na ng makarating sila Chase at Ricai sa condo nila at naroroon pa rin si Belj na nag pa tulog kay Baby.

"Boss, anong nangyare kay Miss?" Ang bungad ni Belj kay Chase na buhat-buhat si Ricai papasok.

"Pakibukas ng pinto ng kwarto nya."

"Ye—Yes Boss."

"Si Baby tulog na ba?"

"Opo Boss katutulog lang actually hindi kasi makatulog hangga't wala kayo kaso di na kinaya ayun nakatulog na rin."

"Oh… sige na late na rin naman dito ka na matulog."

"Po?"

"Oo dun ka na matulog sa kwarto ko dito na ko tutulog sa kwarto ni Rica."

"H—Ho?"

"Wag ka ng marami pang iniisip dyan gusto ko lang na maayos na makatulog si Ricai. Hala sige, buksan mo na yang pinto."

"O—Opo Boss."

Dahan-dahang ibinaba ni Chase at tinanggal ang sapatos ni Ricai bago nya ito nilagyan ng kumot.

"Boss, ano ba talagang nangyare kay Miss? At bakit ngayon lang kayo?"

"Bukas na bukas din kumuha ka ng bodyguard para kay Ricai."

"Ho? Pero andito naman ako."

"Hindi pwedeng ikaw dahil hindi naman oras-oras mababantayan mo sya dahil ako parin naman ang boss mo!"

"Ay, opo Boss sorry."

"Kaya kumuha ka siguraduhin mong matino at mapag kakatiwalaan."

"O—Opo Boss pero ano po ba ang nangyare kay Miss? Parang tulog na tulog naman po ata sya hindi po ba late na po sya kung matulog?"

"Bro, nagkaroon ka na ba ng girlfriend?"

"Boss?"

"Paano kung isang araw may na gustuhan kang isang babae na dati mo pa namang gusto pero ngayon mo lang na ramdaman yung tipong ibubuwis mo ang buhay mo para sa kaniya para lang iligtas sya."

Seryoso si Chase sa sinabing nyang yon habang nakatingin sya kay Ricai na nahihimbing ang tulog at napansin yon ni Belj.

"Si Miss Ricai po ba ang tinutukoy nyo?"

"Ba—Bakit mo naman na sabing ako yung taong ginawa mong example? Haysss… dun ka na nga inaantok na rin ako."

At tinulak nya papalabas ng kwarto si Belj "Boss!!!"

"Heh! Matulog ka na!"

Sa labas naman ng room "ito namang si Boss nag tatanong pa eh halata naman tsaka dati pa naman sya nag aalala kay Miss ayaw nya lang aminin sa sarili nya. Sus!"

Kinabukasan nagising si Ricai na nasa gilid nya si Chase at natutulog sa upuan habang naka ub-ob sa gilid ng kama.

"Hmm? Nasan ako?" Pandalas naman sya ng bangon dahil na gulat syang naka uwi pala sya at nakita nya rin si Chase "Cha—Chase?" pinindot-pindot nya yung pisnge nito dahil kala nya nananaginip sya kaya pinisil nya rin ang pisnge nya at nakaramdam sya ng sakit kaya na itinulak nya si Chase dahil na realized nya na kasama nya itong natulog sa kwarto nya.

"What the? Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ko tinulak?!!" Ang pagalit na sambit ni Chase habang natayo.

"Ba—Bakit ka kasi nandito sa kwarto ko?"

"Huh! May amnesia ka na? At hindi mo naalala ang nangayare kagabi?"

"Nangyare? Bakit ano ba ang nang…" bumalik sa alaala nya yung naka tulog sya sa sofa ni Andy tapos naalala nyang dumating si Chase doon at binuhat sya. "Teka lang… so hindi panaginip yung dumating ka sa bahay ni Andy?"

"Mukhang bangag na bangag ka nga sa antok. Malilintikan sakin ang Andy na yon kapag na sira yang ulo mo."

Binato naman sya ni Ricai ng unan "anong akala mo sakin nasisiraan na ng ulo? Wala lang akong maalala bwiset ka."

"Aba't! Ikaw na nga ang niligtas ko tapos ganyan ka pa?"

"Ako? Niligtas mo? Ikaw ata ang nasisiraan ng bait satin."

"Hayssss… ewan! Ayokong masira ang umaga ko sayo bahala ka dyan!" itinapon nya yung unan at lumabas ng kwarto.

"TALAGA BAHALA AKO SA BUHAY KO! HUMPH!"

Pag labas naman ni Chase ng pinto nagulat syang naka abang sila Belj at Baby "ay palaka! Ano ba?! Bakit kayo nandine?"

"Good morning Uncle Ninong… Rise and shine! Kamusta po ang tulog nyo? Si tita Rica po gising na?"

"Ha? Ah… eh…. O—Oo Baby."

"Talaga po? Sige po pasok lang ako gusto ko po kasi syang makita."

At pumasok na nga si Baby at binangga nya pa ang Uncle Ninong nyang si Chase "huh! Sino ba samin ang guardian nya? At si Ricai pa talaga ang gusto nyang makita? Samantalang ako yung nag aaruga sa kaniya."

"Ehe… kayo naman Boss syempre bata pa po si Baby kaya need nya ng care ng isang ina."

"Ina? Eh hindi naman nya nanay si Rica."

"Opo nga pero si Miss kasi ang tumatayong nanay nya dito kaya si Miss ang nanay at kayo naman ang tatay. Ganun po yun."

"Tatay? As in Daddy? Haligi ng tahanan?"

"O—Opo? May iba pa po bang meaning ang tatay? Na hindi ko alam?"

Ngiting ngiti naman si Chase na para bang kinilig "Bo—Boss? Ayos lang po kayo?"

Ngiting ngiti pa rin naman si Chase ng sumagot sya kay Belj "yes I'm pretty okay. Sige ha? Maliligo muna ko para naman magampanan ko ng maayos ang pagiging tatay ko kay Baby at syempre ang pagiging acting husband ko kay Ricai."

At ngiting ngiti nyang iniwan si Belj at nag tungo sa kwarto nito "ano daw? Acting husband? Sinabi ko lang na sya yung parang tatay ni Baby dito acting husband na agad sya kay Miss? Ibang klase talaga itong si Boss sa kaniyang ilusyon."

Samantala sa isang restaurant nakipag kita si Eulla kay Efren na hindi alam ni Fernan…

Gutom na gutom si Efren na para bang isang sanggano at may mga tattoo pa sa braso at may piercing sa ilong at labi at ang dami nya ring hikaw sa tenga.

"Wag kang mag alala hindi ka mahahalata ng gurang mong boyfriend basta umarte ka ng naayon sa plano." Ang sambit ni Efren na kumakain na punong puno ang bibig ng pagkain.

Palinga linga naman si Eulla "siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na kung ano dun sa matanda dahil kapag nagkataon baka hindi pa natin maloko yung Fernan na yon."

"Kumain ka na nga lang ang sarap-sarap ng pagkain dito eh sa susunod dun naman tayo sa mas mahal humingi ka ng maraming pera kay Fernan."

"Sira ulo! Kapag humingi ako ng maraming pera baka mahalata ako alam mo namang ginagamit nya lang ako para inisin ang anak nya dahil dun naka pangalan ang ilang mga ari-arian ni Don Arnulfo."

"Ano? Edi sana pala kay Chase ka pumatol at hindi sa tatay nyang walang ginawa kung hindi hanapin ang dati nyang asawa at gumawa ng kung anu anong illegal na gawain."

"Tanga! Alam mo namang allergy si Chase sakin simula pa lang na napunta ako sa mga Alcantara nung namasukan akong kasambahay sa kanila."

"Sabagay, kung ako naman si Chase hindi rin ako papatol sa kasambahay lalo na kung sikat ako."

"Gusto mong iwan kita dito at ikaw ang mag bayad ng mga kinain mo?"

"Subukan mo lang kung ayaw mong magka gulo tayo."

"Kaya nga umayos ka!"

"Nga pala, nakuha mo na yung sing-sing nung matandang Alcantara?"

"Oo nandito sa bag ko pero mamaya ko na ibibigay sayo siguraduhin mo lang na 60-40 ang magiging hatian kapag na sanla mo na."

"Sure, kailan ba naman ako nag loko sayo?"

"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong hindi na maulit sa pagkain dito."

"Wag ako ang intindihin mo ang alalahanin mo kung paano ka pa makakakuha ng maraming alahas sa mga Alcantara maliit ang kikitain natin kung palaging paisa isa lang yang dala mo."

"Oo na tsempo pa ko galit kasi sakin si Fernan mukhang nakita ka atang nag punta sa mansion sabi ko naman sayo wag na wag kang pupunta don maraming mata si Fernan sa bahay na yon."

"Oo na, siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli dahil kapag na huli tayo tandaan mo ikaw lang ang makukulong at hindi kami kung ayaw mong hindi na masilayan ang pamilya mo."

Hindi naman na naka imik si Eulla dahil kahit na parehas sila ni Efren ng likaw ng bituka na nanatiling mahalaga parin sa kaniya ang magulang at mga kapatid nya. Kaya kahit napipilitan manloko ng kapwa nakipag sabwatan sya sa grupo ni Efren na kilala bilang notorious sa kanilang lugar kung saan ang number one enemy ay ang mga Alcantara.

"Tandaan mo na ang mga Alcantara ang may kasalanan kung bakit kayo nag hihirap ng pamilya mo sila rin ang dahil kung bakit may sakit si Lenie ang kapatid mong walang awang ginahasa ni Fernan."

Nag bago namang bigla ang mood ni Eulla and she's clenching her fist "wag kang mag alala hinding hindi ko yun nakakalimutan. Hinding hindi ko mapapatawad ang mga Alcantara lalong lalo na si Fernan sisiguraduhin kong ako mismo ang mag huhukay ng kaniyang libingan balang araw."

Efren smirked at para bang may iba pa syang iniiisip na para bang natutuwa ito dahil na uuto nya si Eulla "ganyan nga, gamitin mo ang galit mo para may motivation ka. Kunin mong mabuti ang loob ni Fernan para ipagkaiwala nya sayo ang kaniyang pagmamay ari at kapag nangyare yon kami ni Boss ang bahala sa lahat pwede ka ng sumibat kasama ang pamilya mo mag pang kalayo layo kayo kung gusto mo."

"Boss? Sinong Boss ang sinasabi mo?"

"Ha? May sinabi ba akong Boss?"

"Oo kanina lang sabi mo kayo ng Boss mo ang bahala kamo sa lahat. Hindi ba tayo lang ang mag hahati sa kayaman ng mga Alcantara?"

"Ha? May usapan ba tayong ganon?"

"Efren ang anong ibigsabihin ng mga ito? Sabihin mo!"

"Chill! Kumalma ka muna. Alam mong hindi ako basta-basta kaya ka nga protektado kung hindi ba, tatagal ka sa mga Alacantara? Magiging lihim ba ang identity mo? At higit sa lahat maililihim mo bang ikaw mismo ang nag putol ng break sa kotse ni Fernan nung araw na muntik na syang mahulog sa bangin? Huh! Hindi mo kayang gawing mag isa ang lahat kaya nga lumapit ka sakin hindi ba?"

"Pero ikaw lang ang kausap ko, Efren!"

"Oo pero hindi lahat ng malakas ay walang kapit kaya makikilala mo rin balang araw kung sino si Boss."