webnovel

Chapter 8 (Last Chapter)

"Limon Dale!" Someone called his name. At hindi siya namamalikmata na dinilaan siya ni Lemonade na nakasakay sa multicab na iyon.

Nanlaki ang mga mata niya, baka niloloko lang siya ng paningin niya pero kinakawayan siya nito. Nakapaskil ang ngiti nito na pinatigil ang multicab kung saan ito nakasakay.

He felt warm and happy just by seeing her refreshing face, smiling genuinely. Her silky hair swayed with the wind.

"Shit! Stop the car! Bababa ako!" Kinatok ni Limon Dale ang glass window na harang mula sa kanila ng dalawa sa harap. Itinigil ng mga ito ang multicab.

"Go, get your girl, man." Tinapik ni Akio ang balikat niya. Tumalon siya mula sa multicab nang ipinatigil iyon ni Joneil Ace.

"Si Lemon Jazz ba 'yan? Naaalala ka na niya?" manghang tanong ni Joneil Ace pagkababa nito sa driver's seat.

"Lime and Lemon." Draze smirked.

"Hindi maaaring hindi kayo magkatuluyan." dagdag nito.

Sinalo ni Limon Dale ang knapsack niya mula kay Charlie na initsa nito sa kanya.

Sinulyapan ni Dale ang dalaga, nakangiti ito at kumakaway-kaway sa kanila as if she recognized them all. Malakas ang kabog sa puso ni Lime.

He was overwhelmed and blissful just the mere sight of the girl he loves until now.

"Papuntahin mo na siya rito. She should be in our school reunion. Ka-batch din natin siya." ani Charlie.

Hindi sumagot si Lime bagkus ay patakbo niyang nilapitan si Lemonade. After three months of finding her again, she's standing there, waiting for him. He hugged her tight the moment he reached her.

Halos iangat niya ito sa ere sa tuwa niya. Gumaan ang pakiramdam niya. Ang mga alinlangan at kawalan niya ng pag-asang babalik si Lemonade Jazz ay napalitan ng hindi maipaliwanag na kaligayahan.

"You look grumpy and cold yet you're a crybaby." Ikinulong nito ang mukha niya sa mainit at malalambot nitong mga kamay. She's smiling and teary-eyed.

Nasa mga bisig pa rin niya ang dalaga, walang balak na kumawala sa mahigpit niyang yakap. "I can't leave a man I fell in love twice."

He stilled for seconds. He couldn't believe his ears. He was too overwhelm na pakiramdam niya panaginip lang ang lahat pero hindi.

Lalo na nang kintalan niya ito ng halik sa mga labi. Her lips are soft like marshmallow at taste like strawberries. Did she eat strawberries again? The same Lemonade Jazz who loves strawberries.

"Lumipas man ang mga taon, buwan at mga araw, hahanapin pa rin kita sa kahit saan mang sulok ng mundo," He touched her cheek gently and stared at her lovingly. No one could replace Lemon in his heart. Sinubukan niya pero walang makakaalis sa puwesto ng isang Lemon sa buhay niya. "I love you enough to endure the pain, the longing and the long search. I guess it would be all worth it."

He lowered his head again, kissing her passionately.

* * *

"Hindi tayo makakarating sa resort pag hinalikan mo pa ako ulit, Mister Avanzedo." pataray na sambit ni Lemon pero nakangiti naman.

"Your lips are addicting, I'm sorry." natawa ito, showing his dimples again. Her heart swelled with happiness. Paanong kinaya nito ang sakit na ito ang nakaalala sa mga alaala nila noon? "Your crying again."

"Masaya lang ako. Yes, you're all worth it, Lime. Nakalimutan man kita, hindi pa rin magbabago ang kaalamang ikaw pa rin ang nakikilala ng puso ko noon pang nasa Cafe ka."

Napasinghot siya at pinalis ang mga luha niya. He leaned again and kissed her lips. At kailan ba ito titigil sa pasimpleng paghalik nito sa kanya ng paulit-ulit? Made-delay sila sa pagpunta sa resort. Kanina, nagpilit siyang 'wag nang sumama sa iba pa nitong kaibigan.

Mas gusto niyang mag-isang kasama si Limon Dale ngunit naiwan naman silang walang kotse at napagdesisyunang lakarin na lang ang resort kung saan gaganapin ang school reunion nila.

"Will you marry me, Lemon?" Napalitan ng gulat ang ekspresyon niya. Hindi niya inaasahang nagpro-propose ito sa kanya. He intertwined their fingers as he looked intently at her.

His coal black eyes are sparkling at hindi maipagkakaila ang mga emosyon nitong siya na ang babaeng nais nitong makasama habang ito'y nabubuhay.

"I'll marry you, Lime." Tears streaming down from her swollen eyes. "Kaytagal ko na kayang d-i-n-idaydream 'yan noon. Gusto ko ngang batukan ang sarili ko sa pinaggagawa ko sa 'yo no-

He sealed it with another kiss. Aabutan ata sila ng gabi sa paghalik-halik ni Limon Dale sa kanya pero at the back of her mind, she likes his kisses anyway. Aarte pa ba siya?

"I think we need to announce it in the reunion." Pinulupot nito ang braso nito sa beywang niya. He devilishly grin.

"Ipagdasal mo na may pari tayong batchmate natin dahil magkakaroon ng kasal sa reunion natin."

Pumainlanlang ang malutong na halakhak ni Lemon at nahawaan niyon si Lime. Naca-caught off guard talaga nila ang isa't-isa but that was one of their unique qualities as Lime and Lemon.

Indeed, they are really complemented each other. Lumipas man ang mahabang panahon ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal nila sa isa't-isa kahit pa na nakalimutan niya ito. Kahit pa patuloy niyang binabakuran ang puso niya ng anim na buwan nung tumatambay ito sa Cafe. Hindi na siya nagmahal ng iba dahil andiyan ang lalaking ipinanganak sa mundo na maging kapares niya.

----x