webnovel

Chapter 7

Natagpuan ni Lemon ang sariling gumising ng maaga. Araw-araw na lang lagi na gumigising siya ng maaga kahit wala naman siyang trabaho o importante na lakad. It was like he was accustomed to it. Lagi siyang lumalabas pagkatapos niyang bumangon at tila may hinahanap na bahay. Walang palya. Was it a hobby of her past?

Umupo na lang siya sa gutter ng kalsada at pinagmasdan ang unti-unting pagsikat ng araw. She did really leave Lime.

Mapait siyang ngumiti sa kawalan. Gusto niyang bigyan ng space ang sarili na hanapin ulit ang sarili niya. Ngayon lang niya gustong maalala ang mga alaalang nawala sa kanya. She will come back and complete. At pagdating  ng panahon na iyon ay hindi niya ipagdadamot ang pagmamahal dahil sapat na ang pagmamahal niya para sa sarili. Nagtagumpay si Lime. She loves him the second time around. Hindi ito mahirap mahalin. Sinsero itong tao at maalaga sa kanya.

Tumayo siya at bumalik siya sa maliit niyang apartment. Sa ngayon, panibagong buhay ang tatahakin niya.

---x

"I'm sorry." Iyon lang ang tanging mga salitang umalpas sa bibig niya. Hindi niya mawari kung paano siya nagsisisi sa ginawa niya kay Thalia.

Wala itong ginawa kungdi mahalin siya kahit na sirang-sira siya. He just couldn't love her back. Pilit man niyang ibaon sa limot ay tila bumabalik ito. It's haunting him.

"I'm not her, Lime. Siguro, interesado ka sa 'kin dahil may pagkakahawig kami. You said that I resembled her laughter, right? Wala akong laban sa kanya, Lime." Mapait itong ngumiti.

He tried loving someone else. Sinubukan niya kung magwo-work out sila ni Thalia ngunit hindi. He's being unfair for her.

"Hindi ko magawang bitawan ang mga alaala niya, Thalia. I tried. Sinubukan kong mahalin ka ngunit hindi ko kaya. I'm sorry."

Suminghot ito at pinunas ang luhaang mga mata.

"You tried. I'm happy for that. I'll be leaving for good. In Canada. I hope that you will find her."

"I don't deserve you, Thalia. You deserve someone who will love you truly."

He was snapped out of his reverie when Cyriel tapped his shoulder.

"Hindi kita kokontrahin sa paglalango mo ng alak ngayong mga nakaraang araw dahil maging ako man." sabi nito at inisang lagok ang iniinom nitong gin and tonic.

"Damn you, man. You're becoming a drinker dumbass."

Napapansin na kasi ni Lime na madalas nang umiinom ng alak si Cyriel sa mga nakaraang araw. It shocked him also, seeing him smoking the other day.

Malayong-malayo na ito sa cool na Cyriel na hindi pa nasasayaran ang katawan ng kung ano-anong bisyo. Isa ito sa pinaka 'santo' sa kanila. He changed three hundred sixty degrees.

"I'm coping up."

Lime smirked and drink his wine.

"Hoy, mga lasenggo. Baka nakakalimutan n'yo ang utang n'yo rito sa bar ko. Lalo ka na Sagara. Lumulobo na. Wala ka pa namang trabaho ngayon." saway ni Yuhan Marco. Ito ang bartender ngayon.

"Raracket na lang ako sa bar mo. Kakanta ako."

"Kalahati lang ng utang mo ang mababayaran mo sa pagtugtog mo rito. Apat na oras kang kakanta. Ihanda mo ang boses mo."

Napanganga si Cyriel.

"Shit, pare. Mapapaos ako niyan. Pambihira naman oh. Oo na."

Ilang sandali ang lumipas ay naghiyawa ang mga tao sa baba. After all, occassional na singer si Cyriel sa loob ng bar. Pag nasa mood lang ito kung kumakanta. Kinuha nito ang gitara mula kay Yuhan Marco.

"Hey guys, good evening." Nag hoot yung ibang lalaki maging ang mga iba ay tila kinikilig kay Cyriel. Napailing-iling na lang si Lime sa kinauupuan niyang stool. Nasa makeshift stage ito.

"I'm singing this song for everyone. To those who give up and to those who will move forward."

Pumainlanlang ang tunog ng iba-ibang instrumento. Cyriel strummed his guitar.

Sing me a symphony,

one for the lost out in between,

city of fallen dreams,

City of Angels.

There was a girl with the sky filled of stars in her eyes, she was chasing the world, that was so fast

and left her behind,

Same old Cyriel. He's for underrated songs and bands.

Now, where is he now? Hahanapin niya ulit si Lemon. Hindi siya susuko ngayong nakasama na niya ito kahit sa kaunting sandali lang.

----x

"Brad, alam mo bang may instances na puwedeng mabuntis ang mga lalaki? Baka sa hinaharap ay magawa na ng siyensiya ang paglilipat ng hip bone at matris ng babae sa lalaki then wham! Puwede ka ng magbuntis! Even a male seahorse can be pregnant!"

Mula sa nakakatulalang estado ni Limon Dale ay biglang nangunot ang noo niya nang marinig ang mga salitang iyon na lumabas sa madaldal na bibig ni Charlie. Na puros kalokohan lang ata ang pinagsasabi. Tinaliman niya ito ng tingin.

Wala siya sa mood na sumabay sa kalokohan nito. Lumilipad ang utak niya sa isang partikular na babae na nawala na naman. Wala na naman siyang lead kung saan ito matatagpuan ulit. Mababaliw na talaga siya ng tuluyan.

"Will stop talking nonsense, Charlie?" iritadong sambit niya. Nakakarindi ang matabil na boses ni Charlie.

Lulan sila ng multicab kung saan patungo sila sa isang resort. May school reunion na magaganap doon. Kasama nila ang iba pa nilang kaibigan na nasa harap. Si Joneil Ace ang nagmamaneho at katabi nito si Draze.

Kasalukuyang nasa likod sina Akio, Charlie at Limon Dale ng multicab. They chose to ride on a multicab than on a van. Nauna na ang ibang kasama pa nila na nasa venue sina Jaide, Brandon at iba pa na kasali sa itinayong barkadahan nila noong highschool.

"Damn it. What if she's not there?" Napalingon silang dalawa kay Akio na pasimpleng inuntog ang ulo sa bintana. Alam nilang dalawa ang dilemma ni Akio at somehow, halos pareho sila ng sitwasyon ni Akio.

Iyon nga lang, iniwan siya. Mga dalawang beses. At ibinaon na rin sa limot.

"Maybe she'll be there but with someone else." Charlie guessed. Akio just glared at Charlie whose smiling like an idiot.

"Asshole."

Pero hindi niya muna aabalahin ang isip niya sa gaganaping school reunion nila. Alam niyang walang susulpot na Lemon Jazz doon. She couldn't remember her moments before the horrible murder of her parents that was  politically involve. Nabura ang mga alaala nito matapos itong ma-rescue mula sa pagkakabihag ng isang sindikato na balak pulbusin ng ama nito.

He found her working in a Cafe. Hindi iba ang pangalan nito pero iba na ang buhay nito. Ulila na ito.

Mahangin ang panahon at maulap pa, bagay na ikinakomportable nilang tatlo sa likod. Hinahangin ang magulo na niyang mga buhok at nakatingin siya sa kawalan. Tila ugong na lang sa pandinig niya ang kantiyawan nina Akio at Charlie.

May multicab na paparating, pasalungat ng direksyon nila.

"Lime!"

---x